Mapanirang Content, Terorismo, at Marahas na Ekstremismo
Serye ng Tagapagpaliwanag ng Mga Alituntunin ng Komunidad
In-update: Enero 2024
Ang mga organisasyong terorista, marahas na ekstremista, at mga mapanirang grupo ay ipinagbabawal na gamitin ang aming platform. Hindi namin pinalalampas ang content na nagtataguyod o nagsusulong ng marahas na ekstremismo o terorismo.
Ang hate speech o content na nagmamaliit, naninira, o nagtataguyod ng diskriminasyon o karahasan batay sa lahi, kulay, caste, etnisidad, bansang pinagmulan, relihiyon, sekswal na oryentasyon, pagkakakilanlan ng kasarian, kapansanan, o katayuang beterano, katayuan sa imigrasyon, katayuang sosyo-ekonomiko, edad, timbang, o katayuang nagbubuntis ay ipinagbabawal.
Ang mapanirang content at mga aktibidad na sumusuporta sa terorismo o marahas na ekstremismo ay walang lugar sa Snapchat. Ang aming mga patakaran ay gumagana upang lumikha ng isang kapaligiran na sumusuporta at nagbibigay-priyoridad sa kaligtasan ng mga Snapchatter, at upang protektahan ang mga komunidad mula sa karahasan at diskriminasyon.
Hindi kailanman katanggap-tanggap na gumawa ng mapoot na paggawi, kabilang ang paggamit ng mapoot na salita o mga simbolo ng poot. Ang mga aktibidad na sumusuporta o nagtataguyod para sa mga gawa ng terorismo o marahas na ekstremismo ay ipinagbabawal din at, kung kinakailangan, ay maaaring iulat sa tagapagpatupad ng batas.
Upang makatulong na matiyak na ang mga patakarang ito ay ipinapatupad nang responsable, ang aming mga koponan ay kumunsulta sa mga dalubhasa at mga gawain ng mga organisasyon ng karapatang sibil, mga dalbuhasa sa karapatang pantao, mga ahensyang nagpapatupad ng batas, mga NGO, at mga tagapagtaguyod ng kaligtasan. Patuloy kaming nag-aaral, at mag-calibrate kung saan kinakailangan para matiyak na gumagana ang aming mga produkto at patakaran upang mapanatiling ligtas ang mga Snapchatter. Upang matulungan kami, hinihikayat namin ang mga user na agad na mag-ulat ng anumang mapoot na nilalaman o aktibidad na maaaring lumabag sa aming mga patakaran laban sa terorismo at marahas na ekstremismo.
Dapat madama ng mga Snapchatter na ligtas at iginagalang kapag ginagamit ang aming mga produkto. Ipinagbabawal ng aming mga patakaran laban sa mapoot na content ang mapoot na pananalita, kasama ang anumang content na umaalipusta, o nagsusulong ng diskriminasyon laban sa, isang indibidwal o grupo ng mga indibidwal batay sa kanilang lahi, kulay, caste, etnisidad, bansang pinagmulan, relihiyon, sekswal na oryentasyon, kasarian, pagkakakilanlang kasarian, kapansanan, veteran status, immigration status, socio-economic status, edad, timbang, o pagbubuntis. Ipinagbabawal ng mga tuntuning ito, halimbawa, ang paggamit ng mga pang-iinsulto sa lahi, etnisidad, mysogyny,o homophobia; mga meme na nangungutya o nananawagan ng diskriminasyon laban sa isang pinoprotektahang grupo; at anumang pang-aabuso sa anyo ng sinasadyang deadnaming o misgendering. Ang mapoot na pananalita ay umaabot din sa pagpapalakas ng loob ng mga may kasalanan––o ng paninira sa mga biktima––ng mga kalupitan ng tao (tulad ng genocide, apartheid, o pang-aalipin). Kasama sa iba pang ipinagbabawal na mapoot na content ang paggamit ng mga mapoot na simbolo—ibig sabihin, anumang larawan na sinadyang magpakita ng pagkaoot o diskriminasyon laban sa ibang tao.
Ang aming mga pagbabawal laban sa Terorismo at Marahas na Ekstremismo ay umaabot sa lahat ng content na nagsusulong ng terorismo o iba pang marahas, kriminal na gawaing ginawa ng mga indibiduwal o grupo sa higit pang mga layunin sa ideolohiya. Ipinagbabawal din ng mga panuntunang ito ang anumang content na nagpo-promote o sumusuporta sa mga dayuhang teroristang organisasyon o ekstremistang grupo ng mga poot––tulad ng itinalaga ng mga kapani-paniwala, third-party na eksperto––pati na rin ang recruitment para sa mga naturang organisasyon o marahas na aktibidad ng ekstremista.
Ang aming in-app na tool sa pag-uulat ay nagbibigay-daan sa mga user na direktang mag-ulat ng mapoot na content o mga aktibidad na sumusuporta sa terorismo o marahas na ekstremismo. Sa aming mga high-reach surface, tulad ng Spotlight at Discover, nagsasagawa kami ng proactive na paraan sa pagmo-moderate ng anumang content na maaaring lumalabag sa mga panuntunang ito. Gayunpaman, hinihikayat namin ang mga user na mag-ulat ng anumang nakakapinsalang content na maaari mong makaharap sa mga surface na ito––nakakatulong ito alertuhan kami sa anumang mga breakdown sa aming mga proseso para sa pagpapanatiling ligtas sa mga espasyong ito.
Kapag inulat ang mapoot na content, aalisin ng aming mga team ang anumang lumalabag na content at ang mga user na nagsasagawa ng paulit-ulit o matinding paglabag ay mai-lock ang kanilang access sa account. Bilang karagdagang panukala, hinihikayat namin ang mga Snapchatter na harangan ang sinumang user na nagpaparamdam sa kanila na hindi sila ligtas o hindi komportable.
Mawawalan ng mga pribilehiyo ng account ang mga user na nakikibahagi sa mga aktibidad ng terorista o marahas na ekstremismo. Bilang karagdagan, ang ilang impormasyong nauugnay sa mga paglabag sa mga patakarang ito ay maaaring i-refer sa pagpapatupad ng batas. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano responsableng nakikipag-ugnayan ang Snapchat sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas, bisitahin ang Privacy at Safety Hub ng Snap.
Hindi namin pinahihintulutan ang mapoot na content, terorismo, o marahas na ekstremismo sa Snapchat. Sa pamamagitan ng aming mga patakaran at disenyo ng aming produkto, masigasig kaming nagtatrabaho upang mapanatili ang isang kapaligiran na sumusuporta at nagbibigay-priyoridad sa kaligtasan ng mga Snapchatter.
Matutulungan kami ng mga user na protektahan ang aming komunidad sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang content na lumalabag sa aming mga patakaran. Nakatuon din kami sa pakikipagtulungan sa iba't-ibang pinuno mula sa buong komunidad ng kaligtasan upang matiyak na isinusulong namin ang aming mga layunin sa kaligtasan nang responsable. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming mga pagsisikap sa kaligtasan, mangyaring bisitahin ang aming Safety Center.