Ang Mga Prinsipyo Namin sa Privacy
Sa Snap, prayoridad namin ang iyong privacy. Alam namin na nakukuha ang iyong tiwala sa tuwing gumagamit ka ng Snapchat, o alinman sa aming iba pang mga produkto at serbisyo.
Hindi namin iniimbak ang mga pribado mong mensahe at hindi kami nagpapakita sa publiko ng timeline ng lahat ng nai-post mo. Dinisenyo ang Snapchat upang makita lamang ng mga tao ang mga bagay na gusto mong ibahagi, hangga't gusto mong ibahagi ang mga iyon. Naniniwala kami na dahil dito, hindi parang permanenteng rekord ang Snapchat, kundi parang isang usapan kasama ng mga kaibigan.
Kahit pa patuloy na nagbabago ang mga produkto namin, hindi nagbabago ang mga prinsipyo namin sa privacy:
Nakikipag-usap Kami nang Tapat at Lantaran
Kapag ginamit mo ang Mga Serbisyo ng Snap, nagbabahagi ka ng impormasyon sa amin. Kaya responsibilidad naming tulungan kang maunawaan kung paano ginagamit ang impormasyong iyon. Ang aming Privacy Policy ay nagpapaliwanag kung paano kami nangongolekta, gumagamit, nagbabahagi, pinapanatili ang ng impormasyon — mababasa mo ang highlights dito. Kung nagtataka ka kung paano ginagamit ng partikular na feature ang iyong data, ang Privacy by Product ay mas nagbibigay ng detalye nito. Ipinaliliwanag din namin kung paano ginagamit ng mga feature ang data sa loob mismo ng aming apps, at sa aming buong Support Site. Siyempre, kung hindi mo pa rin makita ang kailangan mo, pwede kang magtanong kahit kailan!
Piliin Mo Kung Paano Ipahayag Ang Iyong Sarili
Naniniwala kami na mahalaga ang privacy sa pagbibigay ng kapangyarihang ipahayag ang sarili. Iyon ang dahilan kung bakit ikaw ang may kontrol sa kung kanino mo ibabahagi ang mga bagay, kung paano mo ibinabahagi ang mga ito, at kung gaano katagal sila makikita ng mga Snapchatter at, kung pipiliin mo, ng publiko. Ikaw ang magpapasya kung sinong makakakita sa iyong Story, aling friends ang makakakita sa iyong Bitmoji sa Snap Map, at kung gaano katagal na mananatili ang iyong Snaps kasama ang iyong mga kaibigan. Maaari mong panatilihin sa inyo lang ng iyong friend ang mga bagay-bagay, o mag-share ng moment sa buong mundo! Alamin pa.
Nagdidisenyo Kami Nang Nasa Isip ang Privacy
Dumadaan ang mga bagong feature sa matinding proseso ng pagre-review ng privacy — pinag-uusapan namin ang mga bagay, pinagdedebatehan ang mga iyon, nagsisikap kaming gumawa ng mga produkto at Serbisyong ipagmamalaki namin at gugustuhin naming gamitin. Pagkatapos ng lahat, ginagamit namin ang mga produktong ito at Sebisyo araw-araw, pareho sa trabaho at sa aming personal na buhay. Pinangangasiwaan namin ang iyong impormasyon nang may parehong pag-iingat na inaasahan namin para sa aming sarili, sa aming kumpanya, sa aming pamilya, at sa aming mga kaibigan.
Ikaw ang May Kontrol sa Iyong Impormasyon
May karapatan kang kontrolin ang iyong impormasyon. Iyon ang dahilan kung bakit nagbibigay kami ng madadaling paraan para maakses at i-update ang iyong impormasyon, baguhin kung gaano karaming impormasyon ang ibinibigay mo sa amin, sa iba, at hilingin na burahin namin ang iyong impormasyon — lahat ng ito sa iyong account. Maaari mong kontrolin ang karamihan ng iyong privacy settings sa mismong mga app namin. Pwede ka pang mag-log in at i-download ang iyong impormasyon sa Snapchat dito. Sakaling magkaroon ka ng anumang partikular na tanong tungkol sa iyong impormasyon, huwag mag-atubiling kontakin kami!
Ang Pagbubura Ay Aming Default
Layunin ng Snapchat na makakuha ang pakiramdam ng pakikipag-hang out kasama ang mga kaibigan nang personal — kaya ang aming mga system ay idinisenyo upang tanggalin ang mga Snap at Chat sa mga kaibigan mula sa aming mga server kapag natingnan na ang mga ito o nag-expire na (depende sa iyong mga setting). Pagkatapos ma-delete ang isang Snap o Chat sa isang kaibigan, makikita namin ang pangunahing mga detalye (tinatawag namin itong "metadata") — tulad noong ipinadala ito at kung kanino ito ipinadala. Siyempre, maaari mong piliing palaging i-save ang mga Snap sa iyong Memories. Alamin pa.
Medyo naiiba ang pakikitungo namin sa iyong mga pag-uusap at sa content na ibinabahagi mo sa My AI — pinapanatili namin ito hanggang sa hilingin mo sa amin na tanggalin ito o tanggalin ang iyong account.
Mahalagang tandaan na ang ibang mga Snapchatter at maaaring palaging kumuha ng screenshot, o mag-save ng mga bagay gamit ang isang third-party na app. Sa pagtatapos ng araw, pinakamahusay na ibahagi lamang ang mga bagay na kailangan malaman ng mga taong iyong pinagkakatiwalaan — tulad ng gagawin mo sa totoong buhay!
Happy Snapping!