Sa ibaba ay ibinilang namin ang mga kahulugan ng karaniwang mga termino, patakaran, at mga operational na kasanayan sa aming transparency report.
Sekswal na Content: Tumutukoy sa promotion o pagbabahagi ng sekswal na paghuhubad, pornograpiya, o komersiyal na serbisyong sekswal. Para sa higit pang impormasyon, paki-review ang aming tagapagpaliwanag sa Sekswal na Content. Tandaan, para sa layunin ng aming mga ulat ng transparency, tinutukoy at sinusubaybayan namin ang data tungkol sa Child Sexual Exploitation and Abuse na hiwalay sa iba pang may uri ng Sexual Content.
Harassment at Bullying: Tumutukoy ito sa anumang hindi gustong pag-uugaling maaaring maging sanhi ng karaniwang tao ng emosyonal na pagkabalisa, tulad ng pagsasalita ng masasakit, sekswal na harassment, o hindi ninanais na sekswal na atensyon. Kasama rin sa kategoryang ito ang pagbabahagi o pagtanggap ng non-consensual intimate imagery (NCII). Para sa higit pang impormasyon, paki-review ang aming tagapagpaliwanag sa Pangha-harass at Bullying.
Mga Pagbabanta & Karahasan : Sumangguni sa nilalaman na nagpapahayag ng intensyon na magdulot ng pisikal o emosyonal na pinsala. Tumutukoy ang karahasan sa anumang content na sumusubok na mag-udyok, magluwalhati, o maglarawan sa karahasan sa tao, pang-aabuso sa hayop, pagdanak ng dugo, o graphic na imahe. Para sa higit pang impormasyon, paki-review ang aming tagapagpaliwanag sa Mga Banta, Karahasan, at Pinsala.
Pananakit sa Sarili at Pagpapakamatay: Tumutukoy sa pagluwalhati sa pananakit sa sarili, kabilang na ang promotion ng self-injury, pagpapakamatay o mga eating disorder. Para sa higit pang impormasyon, paki-review ang aming tagapagpaliwanag sa Mga Banta, Karahasan, at Pinsala.
Maling Impormasyon: Kabilang dito ang mali o mapanlinlang na content na nagdudulot ng pinsala o malisyoso, gaya ng nagtatanggi ng pagkakaroon ng mga kalunos-lunos na trahedya, hindi napapatunayang medikal na opinyon, o pagpapababa sa integridad ng mga sibikong proseso, o pagmamanipula sa content para sa mga mali o mapanlinlang na layunin, kabilang ang sa pamamagitan ng generative AI o sa pamamagitan ng mapanlinlang na pag-edit. Para sa higit pang impormasyon, paki-review ang aming tagapagpaliwanag sa Nakakapinsalang Mali o Mapanlinlang na Impormasyon.
Pagpapanggap: Nangyayari kapag ang isang account ay nagpapanggap bilang isa pang tao o brand. Para sa higit pang impormasyon, paki-review ang aming tagapagpaliwanag sa Nakakapinsalang Mali o Mapanlinlang na Impormasyon.
Spam: Tumutukoy ang spam sa mga mensaheng unsolicited o walang kaugnayan sa content na maaaring magdulot ng nakapipinsalang kalituhan o kung hindi man ay maaaring magdulot ng panganib o istorbo sa mga lehitimong mga gumagamit. Para sa higit pang impormasyon, paki-review ang aming tagapagpaliwanag sa Nakakapinsalang Mali o Mapanlinlang na Impormasyon.
Mga Droga: Tumutukoy sa pamamahagi at paggamit ng mga ilegal na droga (kabilang ang pekeng pills), at iba pang ipinagbabawal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga droga. Para sa higit pang impormasyon, paki-review ang aming tagapagpaliwanag sa Illegal na Mga Aktibidad.
Mga Sandata: Tumutukoy sa mga gamit na idinisenyo o ginagamit para sa isagawa ang pagpatay, pagpinsala sa katawan, o iba pang pisikal na pinsala. Para sa higit pang impormasyon, paki-review ang aming tagapagpaliwanag sa Illegal na Mga Aktibidad.
Iba Pang mga Regulated Goods: Tumutukoy sa pagsulong ng mga regulated goods at industriya, kabilang na ang mga ilegal na pagsusugal, produktong tobako, at alkohol. Kasama rin sa kategoryang ito ang ilegal o mapanganib na aktibidad, na maaaring mag-promote o manghikayat ng pag-uugaling kriminal o magdulot ng panganib sa buhay, kaligtasan o kapakanan ng indibiduwal. Para sa higit pang impormasyon, paki-review ang aming tagapagpaliwanag sa Illegal na Mga Aktibidad.
Mapoot na Pananalita: Tumutukoy sa content na nangmamaliit, naninira, o nagtataguyod ng diskriminasyon o karahasan sa, isang indibidwal o grupo ng mga indibidwal sa batayan ng lahi, kulay, caste, etnisidad, bansang pinagmulan, relihiyon, sekswal na oryentasyon, pagkakakilanlan ng kasarian, kapansanan, beteranong katayuan, katayuan sa imigrasyon, sosyo-ekonomikong katayuan, edad, timbang, o katayuan sa pagbubuntis. Para sa higit pang impormasyon, paki-review ang aming tagapagpaliwanag sa Mapoot na Content, Terorismo, at Marahas na Ekstremismo.
Sekswal na Pananamantala o Pang-aabuso sa Bata: Tumutukoy sa content na naglalaman ng anumang anyo ng sekswal na pananamantala o pang-aabuso sa bata, kabilang ang larawan ng sekswal na pananamantala at pang-aabuso sa bata (CSEAI) at grooming o pang-aakit ng menor-de-edad para sa anumang sekswal na layunin. Iniuulat namin ang lahat ng natukoy na halimbawa ng sekswal na pananamantala at pang-aabuso sa bata sa mga awtoridad. Para sa higit pang impormasyon, paki-review ang aming tagapagpaliwanag sa Sekswal na Content.
Terorismo & Marahas na Extremism : Tumutukoy sa content na nagpo-promote or sumusuporta sa terorismo o iba pang marahas, gawaing kriminal na ginagawa ng mga indibiduwal at/o mga grupo na may layuning pang-ideolohiya, tulad ng pampulitika, relihiyon, panlipunan, lahi, kapaligiran. Kabilang dito ang anumang content na nagpo-promote o sumusuporta sa anumang dayuhang terroristang organisasyon o mararahas na extremist na group, pati na rin ang content na nagsusulong ng recruitment para sa mga organisasyon o mararahas na mga aktibidad ng mga extremist. Para sa higit pang impormasyon, paki-review ang aming tagapagpaliwanag sa Mapoot na Content, Terorismo, at Marahas na Ekstremismo.
Mga Ulat sa Content at Account: Kabuuang bilang ng mga piraso ng content na iniulat at mga account na iniulat sa Snap sa pamamagitan ng aming in-app na menu ng pag-uulat. Tandaan na kabilang sa content ang mga larawan, video, o mga chat.
Pagpapatupad (Ipinatupad): Aksyong ginawa laban sa piraso ng content o account (e.g. pagtanggal, babala, pag-lock). Tandaan na kabilang sa content ang mga larawan, video, o mga chat. Ang iniulat na mga paglabag sa content ay maaaring aksyunan ng mga human agent o automation (kung saan posible ang high-precision automation).
Kabuuang Content na Ipinapatupad: Ang kabuuang bilang ng mga piraso ng content (hal., Mga Snap, Stories) na ipinagpatupad sa Snapchat.
Kabuuang Mga Natatanging Accont na Ipinatupad: Ang kabuuang bilang ng mga natatanging account na ipinagpatupad sa Snapchat. Halimbawa, kung ang isang account ay ipinatupad nang maraming beses para sa iba't ibang dahilan (hal., binalaan ang user para sa pag-post ng maling impormasyon at pagkatapos ay tinanggal dahil sa panliligalig sa isa pang user), isang account lang ang kakalkulahin sa sukatang ito. Gayunpaman, ang parehong pagkilos sa pagpapatupad ay isasama sa aming talahanayan ng “Pangkalahatang-ideya ng Content at Mga Paglabag sa Account”, na may isang natatanging pagpapatupad ng account para sa “Maling Impormasyon” at isang natatanging pagpapatupad ng account para sa “Pangha-harass at Bullying.”
% ng Kabuuang Mga Ulat na Ipinapatupad ng Snap: Ipinapakita ng halagang ito ang porsyento ng mga piraso ng nilalaman at mga account na ipinapatupad sa loob ng isang dahilan ng patakaran na hinati sa kabuuang mga piraso ng nilalaman at mga account na ipinapatupad sa lahat ng dahilan ng patakaran.
Turnaround Time: Ang oras sa pagitan ng kung kailan unang nakatanggap ang aming Safety team ng ulat (karaniwang kung kailan nagsumite ng ulat) at ng huling timestamp ng aksiyon ng pagpapatupad. Kung maraming rounds ng review ang nangyari, ang huling oras ay kakalkulahin sa huling pagkilos na ginawa.
Violative View Rate (VVR): Ang VVR ay ang porsyento ng Story at Snap view na naglalaman ng lumalabag na content, bilang proporsyon ng lahat ng Story at Snap view sa buong Snapchat. Halimbawa, kung ang aming VVR ay 0.03%, ibig sabihin, sa bawat 10,000 view ng Snap at Story sa Snapchat, 3 ang naglalaman ng content na lumabag sa aming mga patakaran. Nagbibigay-daan sa amin ang sukatang itong maunawaan kung anong porsyento ng mga view sa Snapchat ang nagmumula sa content na lumalabag sa aming Community Guidelines (na naiulat o maagap na ipinatupad).
Apela: Nangyayari ang apela kapag ang isang user ay nagsumite ng request para sa amin na repasuhin ulit ang pagpapatupad ng desisyon sa pag-lock sa account. Bilang halimbawa, maaari naming alisin ang account na lumabag sa aming harassment policy. Maaaring hindi sumang-ayon ang user sa aming assessment at magsumite ng apela para konsiderahin namin ulit ang desisyon.
Pagbabalik-muli: Ang pagbabalik-muli ay kabaligtaran ng orihinal na desisyon sa pagmo-moderate na ginawa bilang tugon sa isang apela. Kapag natanggap ang apela, aming rerepasuhin at i-assess kung ang aming naunang aksyon na ipinatupad ay tama. Kapag napagtanto na kami ay nagkamali sa pagpapatupad ng isang piraso ng content o account sa loob ng mga guidelines ng aming mga patakaran sa platform, aming ibabalik-muli ang inapelang content o account sa aming platform.