Transparency ng Mga Ad ng Snapchat

Ang layunin ng page na ito ay magbigay ng transparency tungkol sa kung paano namin kinokolekta, ginagamit, at ibinabahagi ang data mo patungkol sa mga ad. Sinasaklaw rin namin ang mga setting ng Snapchat na magagamit mo para kontrolin kung paano ginagamit ang data mo para sa advertising. Pwede kang makahanp ng higit pang impormasyon tungkol sa mga kasanayan sa privacy namin patungkol sa data mo sa Privacy Center namin.

Bakit Kami Nagpapakita ng Mga Naka-personalize na Ad

Gaya ng karamihan sa mga serbisyo sa online na impormasyon, pangunahing sinusuportahan ng advertising ang Snapchat. Nagbabayad ng mas malaki ang mga advertiser para magpakita ng mga ad sa mga taong mas malamang na interesado sa mga ito. Hindi posible para sa aming panatilihing masaya, ligtas, at makabagong online na espasyo ang Snapchat, nang walang bayad, maliban kung magpapakita kami ng mga naka-personalize na ad.

Mas gusto rin ng karamihan sa mga tao ang mga ad na mas may kaugnayan, masaya, at kawili-wili — at naiinis sa mga hindi nauugnay na ad. Kung malapit ka nang maging susunod na nagungunang chef, pwedeng mapahusay ng mga ad tungkol sa lutuan at mga recipe ang oras mo sa Snapchat; mga ad tungkol sa mga trampoline, baka hindi masyado (maliban kung mahilig kang tumalon!).

Napakahalaga sa amin ang tiwala mo sa Snap. Totoo ito para sa advertising tulad ng anumang iba pang bahagi ng karanasan mo sa Snapchat. Naniniwala kaming pwedeng maging panalo para sa lahat ang naka-personalize na advertising, kung balanse ito nang tama. Para makamit ito:

  • Ipinapaliwanag namin sa ibaba kung paano gumagana ang mga ad sa Snapchat, kung anong impormasyon ang kinokolekta at ginagamit namin para magpakita sa iyo ng mga ad, at ang mga setting na ibinibigay namin para kontrolin kung aling mga ad ang nakikita mo.

  • Mayroon kaming mahigpit na privacy at kaligtasan sa pamamagitan ng mga proseso ng disenyo. Tinitiyak ng mga itong nananatiling balanse ang aming diskarte sa naka-personalize na advertising sa Snapchat.

  • Hindi namin ibinabahagi ang lahat ng tungkol sa iyo sa mga advertiser. Pinapayagan lang namin ang mga advertiser na tukuyin kung anong uri ng user ang iminumungkahing makakita ng kanilang mga ad at sukatin kung matagumpay ang kanilang mga ad.

  • Pinapanatili din namin ang mga advertiser sa ilang mga pamantayan. Inaasahan naming magiging tapat sila tungkol sa kanilang mga produkto, serbisyo, at content, na maging mabait sa aming magkakaibang komunidad, at hindi ikompromiso ang privacy mo.

Tinatanggihan namin ang mga ad na hindi nakakatugon sa Mga Patakaran sa Advertising namin, kabilang kung nakakapanlinlang ang isang ad, o hindi nakakatugon sa mga alituntunin ng komunidad namin. Kung makakita ka ng mapanlinlang na ad, pwede mo itong iulat sa app gamit ang icon na matuto nang higit pa sa ad.

Ang Impormasyong Kinokolekta at Tinatanggap ng Snap Tungkol Sa Iyo Para Bigyan Ka ng Mga Ad

Upang gawing may kaugnayan ang aming mga ad, ginagamit namin ang impormasyong natutunan namin tungkol sa iyo at ibinibigay sa amin ng aming mga advertiser at kasosyo upang subukan at ipakita sa iyo ang mga tamang ad sa tamang oras. Nangangahulugan na itong mga ad na nakikita mo ay madalas na hinihimok ng kung ano sa tingin namin ang mga interes mo, ang aktibidad mo sa aming platform, at impormasyong ibinibigay sa amin ng aming mga partner at advertiser tungkol sa iyo.

Ang bawat uri ng impormasyong kinokolekta o tinatanggap namin ay may epekto sa sistema ng aming mga ad at may ilang uri na mas matimbang kaysa sa iba. Tandaan na ang bawat ad ay may sarili nitong mga setting sa pag-target at pag-optimize na ginawa ng advertiser, pwedeng iba-iba ang weightings (gaya ng nakabalangkas sa ibaba) dahil sa mga setting na iyon.

Ang mga pangunahing uri ng impormasyong kinokolekta namin, kabilang ang mga halimbawa ng paggamit sa mga ito, at ang kanilang pangkalahatang relatibong timbang sa mga sistema ng aming mga ad (na naka-parenthesis), ay:

Impormasyong natatanggap namin nang direkta mula sa iyo

  • Impormasyon sa pagpaparehistro ng account. Kapag nag-sign up ka para sa Snapchat, kinokolekta namin ang ilang partikular na impormasyon tungkol sa iyo.

    • Edad. (Mas mataas na timbang) Ibinibigay mo sa amin ang iyong kaarawan, na ginagamit namin upang matukoy ang iyong edad (at depende sa iyong mga setting, humahantong din ito sa iba pang masasayang karanasan, tulad ng pagpayag sa iyong mga kaibigan na batiin ka ng maligayang kaarawan!). Tulad ng inilarawan sa ibaba, sinusubukan din naming ipahiwatig ang iyong edad na bukod sa iba pang mga bagay, ay nagsisilbing karagdagang paraan upang mapataas ang posibilidad na maabot ng mga ad ang tama at naaangkop na audience.

    • Bansa/Wika. (Mas mataas na timbang) Kinokolekta namin ang bansang tinitirhan mo at ang wikang gusto mo para sa ilang kadahilanan, kabilang ang payagan ang Snapchat na magbigay sa iyo ng lokal na content at mga serbisyo, para mabigyan ka ng mga ad na nauugnay sa iyong lokal at wika, at para matiyak na ang mga ad na ipinapakita namin sa iyo ay sumusunod sa mga lokal na batas at regulasyon. Tandaan na dahil ang bawat ad ay may sariling mga setting sa pag-target at pag-optimize na ginawa ng advertiser, ang mga timbang (tulad ng nakabalangkas sa ibaba) ay maaaring mag-iba bilang resulta ng mga iyon. Maaari rin naming gamitin ang iyong lokasyon (tulad ng inilarawan sa ibaba) para sa mga layuning ito.

Ang aktibidad mo sa Snapchat

Kapag tiningnan o nakipag-ugnayan ka sa Camera, Mga Story, Snap Map, Mga Spotlight Snap, Mga Lens, Aking AI (tingnan sa ibaba para sa higit pang mga detalye sa Aking AI at mga ad), at iba pang nilalaman at tampok sa Snapchat, natututo kami (at kung minsan ay hulaan) kung ano ang maaarig maging interesado ka. Halimbawa, kung manonood ka o gumawa ng maraming mga Spotlight Snap tungkol sa basketball, maaari kaming magpakita sa iyo ng advertisement para sa mga propesyonal na tiket sa basketball.

Gumagawa din kami ng iba pang mga hinuha tungkol sa iyo batay sa iyong aktibidad sa Snapchat, na maaaring ipaalam sa pamamagitan ng impormasyons kinokolekta namin mula sa iba pang mga mapagkukunan, tulad ng inilarawan sa ibaba. Ang mga hinuha ay kinabibilangan ng:

  • Edad. (Mas mataas na timbang) Halimbawa, habang ipinapasok mo ang kaarawan mo kapag nagsa-sign up ka, hinuhusgahan din namin ang edad mo batay sa aktibidad mo sa Snapchat — tinutulungan kami ng inference na itong panatilihing ligtas ang mga nakababatang Snapchatter namin at pinapahusay ang katumpakan ng data ng edad namin. Posibleng nais ng mga advertiser na i-market ang ilang partikular na produkto sa ilang partikular na age group na posibleng mas receptive sa isang partikular na ad o iwasan ang mga grupo kung kanino hindi nauugnay o naaangkop ang isang ad. Halimbawa, kung wala ka pang 21 taong gulang sa U.S hindi kami magpapakita sa iyo ng mga ad ng alak.

  • Kinabibilangang kasarian. (Mas mataas na timbang) Inihihinuha din namin ang iyong kinabibilangang kasarian batay sa ilang senyales, kabilang ang iyong Bitmoji, username at display name, demograpiko ng kaibigan, at iyong aktibidad sa Snapchat. Katulad ng pagtukoy sa mga interes mo, ang nahinuhang kinabibilangang kasarian mo ay nakakatulong sa aming mga advertiser sa pagpapakita sa iyo ng mga ad na posibleng nauugnay sa iyo. Halimbawa, posibleng nais ng isang advertiser na magpakita ng mga ad sa mga Snapchatter na may partikular na paghahayag ng kasarian at ginagamit namin ang nahinuhang kinabibilangang kasarian para makatulong sa pagpapakita ng mga ad sa mga user na pinakanauugnay sa grupong iyon.

  • Mga Interes. (Mas mataas na timbang) Lagi naming sinusubukan na gawing may kaugnayan ang aming mga ad sa iyo hangga't maaari, kaya sinusubukan naming gumawa ng mga hinuha tungkol sa iyong mga interes. Halimbawa, kung may fina-follow kang mga race car driver at mahilig kang manood o gumawa ng Stories tungkol sa mga bagong kotse o pangangarera o mag-click sa mga Snapchat ad para sa auto racing gear, posible naming hulaan na isa kang “Enthusiast ng Kotse.” Ang ilan sa mga hula na ito ay tinatawag naming "Mga Kategorya ng Lifestyle," at maaari mong suriin ang Mga Kategorya ng Lifestyle na nahulaan namin tungkol sa iyo sa Snapchat, at maaari mong baguhin o i-clear ang Mga Kategorya ng Lifestyle na iyon anumang oras. Gumagawa rin kami ng iba pang mga inference tungkol sa mga interes mong tumutulong sa amin sa pagpapakita sa iyo ng content na maaaring interesado ka — halimbawa mayroon kaming “Mga Kategorya ng Content ng Snapchat,” na ikinakategorya ang content sa Snap kung saan ka nakikipag-ugnayan. Pwede mong i-review ang Mga Kategorya ng Content na ito sa pamamagitan ng pag-download ng data mo gaya ng inilarawandito.

  • Iyong mga kaibigan. (Mas mababang timbang) Maraming magkakaibigang may magkakatulad na interes. Kaya maaari kaming gumamit ng impormasyon tungkol sa mga pakikipag-ugnayan ng iyong mga kaibigan sa mga ad o nilalaman upang matukoy kung ipapakita ang mga ad na iyon sa iyo. Halimbawa, kung nag-click ang iyong mga kaibigan sa isang ad para sa isang bagong pares ng sapatos, maaari naming gamitin iyon upang unahin ang pagpapakita ng parehong ad sa iyo.

Kung nakatira ka sa EU o UK at wala ka pang 18 taong gulang, hindi kami gumagamit ng mga paghihinuha tungkol sa iyong kinabibilangang kasarian, interes o interes ng mga kaibigan para i-personalize ang mga ad na nakikita mo.

Gumagamit din kami ng impormasyon tungkol sa kung anong mga ad ang iyong nakipag-ugnayan dati upang matuoy kung anong mga ad ang susunod na ipapakita sa iyo (o hindi ipapakita sa iyo). Hindi lihim na walang gustong makakita ng parehong ad nang paulit-ulit!

Impormasyong natatanggap namin mula sa mga advertiser at partner namin

  • Ang aktibidad mo sa mga website at platform ng mga advertiser at partner namin. (Mas mataas na timbang) Ang aming mga advertiser at kasosyo ay nagbibigay sa amin ng data mula sa kanilang sariling mga app, website, at platform, na ginagamit namin upang makatulong na ipaalam ang mga ad na ipinapakita namin. Halimbawa, kung maghahanap ka ng pelikula sa isang webiste na nagbabahagi ng data sa Snap, maaari kang makakita ng mga ad para sa mga katulad na pelikula.

    • Nakukuha namin ang impormasyong ito sa ilang magkakaibang paraan, kabilang ang sa pamamagitan ng Snap Pixel at Conversion API ng Snap. Sa parehong mga pagkakataon, naka-embed ang kaunting code sa mga third-party na platform (isipin ang mga website at app) na nangongolekta ng impormasyon tungkol sa mga limitadong aktibidad sa mga platform na iyon. Ginagamit din namin ang mga impormasyong ito upang magbigay ng mga ulat sa mga advertiser tungkol sa pagiging epektibo ng kanilang mga ad.

    • Kung nakatira ka sa EU o UK at wala ka pang 18 taong gulang, hindi namin ginagamit ang impormasyong nakolekta ng Snap mula sa iyong aktibidad sa mga website at platform ng aming mga advertiser at partner (ibig sabihin, “Ads na Based sa Activity”) para tukuyin kung aling mga ad ang ipapakita sa iyo. Gayundin, posible rin naming limitahan ang paggamit ng ganitong impormasyon sa ilang partikular na hanay ng edad sa iba pang hurisdiksyon para makasunod sa mga lokal na batas.

  • Mga Audience. (Mas mataas na timbang) Ang aming mga advertiser ay maaari ring mag-upload sa Snap ng isang listahan ng kanilang mga customer, upang ma-target nila ang mga ad sa mga customer na iyon (o mga indibidwal na tulad ng kanilang mga customer sa Snapchat). Karaniwan, ang pagtutugmang ito ay batay sa isang naka-hash na bersyon ng iyong numero ng telepono o email. Halimbawa, sabihin nating isa kang masugid na mamimili ng mga comic book. Kung may lalabas na bagong comic book, maaaring ibahagi ng publisher ang kanilang fan list sa Snap para makatulong na matiyak na makakakita ka ng ad tungkol sa kanilang pinakabagong release.

    • Kung nakatira ka sa EU o UK at wala ka pang 18, hindi ka namin isasali sa mga custom na audience.

  • Iba pang data na natatanggap namin mula sa mga advertiser at kasosyo namin. Maaari rin kaming gumagamit ng iba pang data na natatanggap namin tungkol sa iyo mula sa aming mga advertiser at kasosyo upang ipaalam kung aling mga ad ang ipinapakita namin, tulad ng inilarawan sa aming Patakaran sa Privacy .

Impormasyong kinokolekta namin tungkol sa iyong konteksto, device at lokasyon

  • Impormasyon ng device. (Mas mababang timbang) Kapag ginagamit mo ang aming mga produkto at serbisyo, nangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa device mo, na tumutulong sa aming maunawaan ang operating system, laki ng screen, pagpipiliang wika, mga app na naka-install, at iba pang mga katangian. Ito naman ay nagbibgay-daan sa amin na magpakita sa iyo ng mga ad na tugma sa iyong device, sa wikang gusto mo, naka-target sa mga partikular na operating system, at naaayon sa iyong mga interes. Halimbawa, kung gumagamit ka ng iPhone, maaari kaming magpakita sa iyo ng ad para sa isang app na available lang sa iOS. Katulad nito, hindi ka makakakita ng mga ad sa Mandarin kung nakatakda sa Farsi ang wika ng iyong device.

  • Impormasyon ng lokasyon. (Mas mababang timbang) Sa tingin namin, mahalagang magpakita sa iyo ng mga ad na nauugnay sa iyong lokasyon. Halimbawa, kung ikaw ay nasa Germany, hindi magiging masaya o makatuwiran para sa isang advertiser na magpakita sa iyo ng mga ad para sa mga pelikulang pinapalabas lang sa United States. Tinutukoy namin ang tinatayang lokasyon mo batay sa ilang piraso ng data na ibinibigay mo sa amin kapag ina-access mo ang mga produkto at serbisyo namin, kabilang ang IP address mo, at, kung bibigyan mo kami ng pahintulot na kolektahin ito, ang eksakto mong lokasyon batay sa GPS. Maaari rin kaming gumamit ng mga lugar na malapit ka o madalas na magpakita sa iyo ng mga ad na may kaugnayan sa iyo. Halimbawa, kung malapit ka sa isang coffee shop, maaaring gusto ng isang advertiser na magpakita sa iyo ng mga ad para sa kanilang kape.

    • Kung ikaw ay nasa California, maaari mong hilingin na limitahan ng Snap ang paggamit ng iyong personal na impormasyon, kabilang ang paggamit ng iyong tumpak na kasaysayan ng lokasyon upang magpakita sa iyo ng mga ad.

Tandaan na maaaring gumamit ang Snap ng data mula sa maraming pinagmumulan na inilarawan sa itaas upag magpakita sa iyo ng mga ad. Halimbawa, maaaring gusto ng isang advertiser na magpakita ng mga ad sa isang partikular na populasyon ng mga user ng Snapchat, tulad ng mga 35-44 taong gulang na interesado sa paghahardin. Kung ganoon, maaari naming gamitin ang iyong edad at ang iyong aktibidad sa Snapchat o sa iba pang mga platform para magpakita ng mga ad sa iyo kung nababagay ka sa audience na iyon.

Kinokontrol ang Mga Ad na Nakikita Mo

Naniniwala kami na dapat kang magkaroon ng makabuluhang kontrol sa mga ad na nakikita mo. Upang baguhin ang mga ad na nakikita mo, mangyaring gamitin ang mga setting na inilarawan dito upang:

  • Mag-opt out sa Mga Ad na Batay sa Aktibidad. Kung ayaw mong magpakita sa iyo ang Snap ng mga ad batay sa iyong aktibidad sa mga website at platform ng aming mga advertiser at kasosyo, maaari kang mag-opt out.

  • Mag-opt out sa Mga Ad na Batay sa Audience. Gamitin ang opt-out na ito kung ayaw mong i-target ka ng Snap ng mga ad batay sa mga listahan ng audience na natatanggap namin mula sa mga advertiser at iba pang mga kasosyo.

  • Mag-opt out sa mga third party na network ng ad. Gamitin ang pag-opt out na ito kung ayaw mong maghatid sa iyo ng mga ad ang mga third-party na network ng ad.

  • Mag-opt out sa pagsubaybay (mga user lang ng iOS). Kung itatakda mo ang mga kontrol sa privacy sa iyong device na nagpapatakbo ng iOS 14.5 o mas bago para hindi payagan ang Snapchat na subaybayan ka, hindi namin ili-link ang iyong aktibidad sa mga third-party na app at website na nakolekta habang ginagamit ang device na iyon gamit ang data ng user o device mula sa Snapchat para sa naka-target na advertising o mga layunin ng pagsukat sa advertising, maliban sa iyong device. Gayunpaman, maaari naming i-link ang impormasyong ito para sa mga layunin ng advertising sa mga paraan na hindi ka namin partikular na nakikilala.

  • Baguhin ang mga paksa ng ad na nakikita mo. Nagbibigay-daan sa iyo ang setting na ito na magpasya kung gusto mong makakita ng ilang uri ng mga ad tungkol sa mga sensitibong paksa, tulad ng mga ad sa pulitika, alak, o pagsusugal. Naka-off bilang default ang ilan sa mga ad na ito para sa mga user na wala pa sa partikular na edad hindi alintana kung paano itinakda ang setting na ito.

  • Gumawa ng mga pagbabago sa Mga Kategorya ng Pamumuhay. Binibigyang-daan ka ng setting na itong baguhin ang mga hinuha sa kategorya ng pamumuhay na ginawa ng Snap tungkol sa iyo batay sa mga interes at aktibidad mo sa Snapchat. I-o-override din ang setting na ito ng mga paghihigpit sa edad sa ilang uri ng mga ad at nauugnay na kategorya.

Kung nasa EU ka, bukod sa mga kontrol sa itaas, pwede ka ring mag-opt out sa naka-personalize na content kabilang ang advertising. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-access sa seksyong “Mga Kontrol ng European Union” sa page na Mga Setting.

Impormasyong Ibinibigay Namin sa Mga Advertiser at Partner sa Pagsukat

Kinukumpirma namin sa mga advertiser kung alin sa kanilang mga ad ang na-view at na-click mo. Minsan nangyayari ito sa pamamagitan ng mga third party na partner sa pagsukat. Pwede nilang suriin kung ang pag-view o pag-click mo sa ad ng Snap ay nagudyok sa iyong bumili o gumamit ng mga produkto at serbisyo ng advertiser (halimbawa, pagbili ng bagong relo, pag-subscribe sa platform ng video streaming, o pag-download ng application). Mayroon kaming mga nakasulat na kasunduan sa mga advertiser (at mga partner sa pagsukat) na naghihigpit sa kanilang paggamit sa data ng ad na ito sa pagsukat sa pagiging epektibo ng kanilang mga kampanya ng ad. Hindi kami nagbabahagi ng impormasyon sa mga advertiser na direktang kumikilala sa iyo, tulad ng pangalan, numero ng telepono, o email address.

Mga Ad para sa Aking AI

Ang mga ad na ipinapakita sa Aking AI ay gumagana nang medyo naiiba sa iba pang mga ad sa Snapchat: natutukoy ang mga ito sa konteksto ng iyong pag-uusap sa Aking AI at kung, halimbawa, naghahanap ka ng mga rekomendasyon para sa mga produkto o serbisyo. Tinatawag namin itong “mga contextual ad.” Isa pang pagkakaiba mula sa iba pang mga ad sa Snapchat: Ibinibigay ang mga ad ng My AI ng mga partner sa advertising ng Snap, sa halip na ng Snap. Natatanggap ng mga partner namin sa advertising ang mga query mo (kung matukoy naming mayroong komersyal na layunin) at karagdagang konteksto, kabilang ang hanay ng edad mo (ibig sabihin, wala ka pang 18 taong gulang o hindi), bansa/wika, uri ng operating system (ibig sabihin, iOS/Android), at IP address para makatulong sa pagbibigay ng mga naaangkop at nauugnay na ad para sa iyo. Halimbawa, kung tatanungin mo ang Aking AI "sino ang gumagawa ng pinakamahusay na electric guitar?" maaari kang makakita ng “iniisponsoran” na seksyon ng ad para sa tagagawa ng gitara. Maaaring pamilyar ang lahat ng ito, dahil gumagana ang mga ad ng Aking AI tulad ng mga search ad sa iba pang mga platform .