Pangkalahatang Ideya
Ang mapanirang content at mga aktibidad na sumusuporta sa terorismo o marahas na ekstremismo ay walang lugar sa Snapchat. Ang aming mga patakaran ay gumagana upang lumikha ng isang kapaligiran na sumusuporta at nagbibigay-priyoridad sa kaligtasan ng mga Snapchatter, at upang protektahan ang mga komunidad mula sa karahasan at diskriminasyon.
Hindi kailanman katanggap-tanggap na gumawa ng mapoot na paggawi, kabilang ang paggamit ng mapoot na salita o mga simbolo ng poot. Ang mga aktibidad na sumusuporta o nagtataguyod para sa mga gawa ng terorismo o marahas na ekstremismo ay ipinagbabawal din at, kung kinakailangan, ay maaaring iulat sa tagapagpatupad ng batas.
Upang makatulong na matiyak na ang mga patakarang ito ay ipinapatupad nang responsable, ang aming mga koponan ay kumunsulta sa mga dalubhasa at mga gawain ng mga organisasyon ng karapatang sibil, mga dalbuhasa sa karapatang pantao, mga ahensyang nagpapatupad ng batas, mga NGO, at mga tagapagtaguyod ng kaligtasan. Patuloy kaming nag-aaral, at mag-calibrate kung saan kinakailangan para matiyak na gumagana ang aming mga produkto at patakaran upang mapanatiling ligtas ang mga Snapchatter. Upang matulungan kami, hinihikayat namin ang mga user na agad na mag-ulat ng anumang mapoot na nilalaman o aktibidad na maaaring lumabag sa aming mga patakaran laban sa terorismo at marahas na ekstremismo.
Ang mga organisasyong terorista, marahas na ekstremista, at mga mapanirang grupo ay ipinagbabawalang gamitin ang aming platform. Hindi namin pinalalampas ang content na nagtataguyod o nagsusulong ng marahas na ekstremismo o terorismo.
Ang hate speech o content na nagmamaliit, naninira, o nagtataguyod ng diskriminasyon o karahasan batay sa lahi, kulay, caste, etnisidad, bansang pinagmulan, relihiyon, sekswal na oryentasyon, pagkakakilanlan ng kasarian, kapansanan, o katayuang beterano, katayuan sa imigrasyon, katayuang sosyo-ekonomiko, edad, timbang, o katayuang nagbubuntis ay ipinagbabawal