Snap Values

Mag-ulat ng Safety Concern

Nag-uulat ng Alalahaning Pangkaligtasan 

Isa sa pinakamahalagang bagay na magagawa mo para limitahan ang potensyal na mapaminsalang content at aktibidad sa Snapchat ay ang makipag-ugnayan sa amin kapag nakakaranas ka ng isang bagay na hindi ka komportable. Ang kaylangan mo lang gawin ay pindutin nang matagal ang piraso ng content o mensahe ng chat at lalabas ang isang menu. Pagkatapos, i-tap ang “Report” para makita ang listahan ng opsyon. Pagkatapos ay hihikayatin ka na magbigay ng ilang impormasyon. Sa pangkalahatan, kung nagrereport ka ng in-app na media, awtomatikong isasama sa iyong report ang isang kopya nito. Kapag nag-report ka ng mensahe sa chat, awtomatikong isasama ang ilan sa mga naunang mensahe, kaya mayroon kaming konteksto tungkol sa nangyari.

Nagtatrabaho ang aming safety teams nang 24/7 para i-review ang mga report na ginawa sa Snapchat o sa pamamagitan ng aming Support Site, at gagawa sila ng aksyon sa iniulat na content at mga account na lumalabag sa aming Community Guidelines o Terms of Service. Mahalagang tandaan na ang pag-uulat ay confidential at hindi sasabihin ng may-ari ng account na iniulat mo kung sino ang nag-report sa kanila. Kung nakakaranas ka ng anumang bagay na tila ilegal o mapanganib, o kung may dahilan ka para maniwala na sinuman ay may panganib ng pinsala o pananakit ng sarili, makipag-ugnayan agad sa lokal na tagapagpatupad ng batas at i-report din ito sa Snapchat. 

Mababasa ninyo ang aming Community Guidelines at Terms of Service para maging pamilyar sa kung anong content ang ipinagbabawal sa Snapchat. Magandang patakaran: kung ang sinasabi mo ay maaaring magdulot ng hindi ligtas o negatibong karanasan para sa isang tao, mas mainam na huwag mo na lang sabihin. 

Isa pa, kung may nakikita ka na hindi mo gusto sa Snapchat, pero posibleng hindi ito lumalabag sa aming Community Guidelines, pwede kang mag-unsubscribe, hindi ipakita ang content, o mag-unfriend o i-block ang sender.

Nasagot ang Iyong Karaniwang Tanong sa Pag-uulat 

Ang pag-uulat ba sa Snapchat ay confidential? 

Oo. Hindi namin sinasabi sa iba pang Snapchatter (kabilang ang iniulat na may-ari ng account) kapag gumagawa ka ng report. Karaniwang sinasabi namin ang iniulat na may-ari ng account sa in-app at/o sa pamamagitan ng email kung tinanggal namin ang kanilang content o gumawa ng aksyon sa kanilang account, pero hindi namin sila pinapayuhan tungkol sa isinumite na report, kahit na iapela pa nila ang aming desisyon.

Pwede ba akong anonymously na mag-ulat? 

Oo. Nag-aalok sa iyo ang reporting form na available sa aming Support Site ng opsyon na ibigay ang iyong pangalan, pero hindi nito hinihingi ang impormasyon. Hinihiling din ng form na ibigay mo ang iyong Snapchat username, o ang username ng account na iniulat mo para sa o na nakipag-ugnayan sa account na iniulat mo, pero kung hindi mo nais na ibigay ang username, maaari kang magsulat ng "wala". Pakitandaang ang hindi pagbibigay ng username ay maaaring limitahan ang aming kakayahan na imbestigahan ang iyong report.

Kakailanganin mong ibigay ang email address para makapag-ugnayan kami sa iyo tungkol sa iyong report. Pakitandaang hindi available sa in-app ang opsyong mag-report nang anonymously. Hindi alintana ang pipiliin mong mag-ulat nang anonymously, ang iyong pag-uulat ay magiging confidential (tingnan ang “Ang pag-uulat ba sa Snapchat ay confidential?,” sa itaas).

Paano ako makikipag-ugnayan sa Snap tungkol sa aking report? 

Kapag nag-report ka ng alalahanin sa Snapchat, nakatanggap ka ng kumpirmasyon na na-submit na ang iyong report. Makikipag-ugnayan kami sa email address sa iyong Snapchat account o sa email address na ibinigay mo kung isinumite mo ang iyong report sa pamamagitan ng aming Support Site. Puwede ring suriin ng mga Snapchatter ang status ng kanilang mga in-app na report sa pamamagitan ng My Reports feature. 

Sino ang nag-review ng isinumite kong report? 

Nagtatrabaho ang aming safety teams nang 24/7 para i-review ang iyong isinumite na report. 

Gaano katagal ang aabutin ng mga safety team ng Snap para i-review ang report at gumawa ng desisyon?

Karaniwang nangyayari ang aming review sa loob ng ilang oras, pero maaaring mas mahaba sa ilang kaso.

Ano ang mga posibleng resultang review ng Snap?

  • Kung makumpirma namin na ang iniulat na content o account ay lumalabag sa Community Guidelines o Terms of Service ng Snapchat, maaari naming alisin ang content. Sa ilang kaso, maaari naming i-lock o i-delete ang account, at i-report ang nagkasala sa mga awtoridad, kung naaangkop. Para sa ilang pampublikong content, kung hindi namin nakumpirma ang paglabag sa aming Community Guidelines o Terms of Service, pero sa halip ay natukoy ang paglabag sa aming Content Guidelines, maaari kaming gumawa ng aksyon laban sa content kabilang ang pag-aalis nito, paglilimita sa pamamahagi, pagsuspinde, hindi pag-promote nito, o paghihigpit sa availability nito sa ilang edad. Karadagang impormasyon tungkol sa pagpapatupad sa Snapchat ay available dito.

  • Kung hindi namin natukoy ang paglabag sa aming mga patakaran o Terms of Service, walang karagdagang aksyon ang gagawin.

  • Sa alinmang kaso, ipapaalam namin sa iyo ang aming desisyon.

Nag-ulat ako sa Snapchat pero hindi ito naalis. Bakit ganito? 

Hindi lahat ng naiulat na content ay naalis. Nag-aalis kami ng content na lumalabag sa aming mga patakaran, kabilang ang aming Community Guidelines, o Terms of Service. Kung nakakita ka ng content na hindi mo gusto pero pinapayagan ayon sa aming Community Guidelines o Terms of Service, maiiwasan mo ito sa pamamagitan ng pagtatago ng content o pag-block o pag-aalis ng sender.