Impormasyon para sa Tagapagpatupad ng Batas
Sa Snap, talagang sineseryoso namin ang aming pangakong protektahan ang mga Snapchatter mula sa maling paggamit ng aming platform. Bilang bahagi noon, nakikipagtulungan kami sa nagpapatupad ng batas at mga ahensya ng gobyerno para itaguyod ang kaligtasan sa aming platform.
Seryoso ang Snap sa pagtulong sa nagpapatupad ng batas habang nirerespeto ang privacy at mga karapatan ng aming mga user. Sa oras na matanggap at maitatag namin ang pagiging tama ng legal na kahilingan para sa mga rekord ng Snapchat account, tutugon kami alinsunod sa naaangkop na batas at mga kinakailangan sa privacy.
Ang mga gabay na ito sa operasyon ay ibinigay para sa nagpapatupad ng batas at mga opisyal ng pamahalaan na nais mag-request ng mga rekord ng account sa Snapchat (hal. user data sa Snapchat) mula sa Snap. Ang karagdagang impormasyon na nauugnay sa mga kahilingan sa pagpapatupad ng batas ay matatagpuan sa aming Gabay sa Pagpapatupad ng Batas, kung saan makakahanap ka ng mga detalye tungkol sa posibleng pagkakaroon ng mga talaan ng Snapchat account at ang uri ng legal na proseso na kinakailangan upang pilitin ang pagbubunyag ng data na iyon.
Bilang isang kumpanya sa U.S., hihilingin ng Snap mula sa nagpapatupad ng batas sa U.S. at mga ahensya ng pamahalaan na sundin ang batas sa U.S. upang mabunyag ng Snap ang anumang mga rekord ng account sa Snapchat.
Ang aming kakayahan na ibunyag ang mga rekord ng account sa Snapchat ay sa pangkalahatan ay pinamamahalaan ng Stored Communications Act 18 U.S.C. § 2701, et seq. Inuutos ng SCA na ibubunyag lamang ang mga partikular na rekord ng account sa Snapchat bilang tugon sa mga partikular na uri ng ligal na proseso, kabilang ang mga subpoena, mga utos ng korte, at mga search warrant.
Ang hindi sa U.S. na nagpapatupad ng batas at mga ahensya ng pamahalaan ay sa pangkalahatan ay dapat na umasa sa mga mekanismo ng Mutual Legal Assistance Treaty o mga rogatory na sulat na mga proseso upang ma-request ang mga rekord ng account sa Snapchat mula sa Snap. Bilang paggalang sa hindi sa U.S. na nagpapatupad ng batas, aming susuriin at sasagutin ang wastong isinumite na mga preserbasyon na request habang isinasagawa ang MLAT at mga rogatory na sulat na proseso.
Ang Snap ay maaaring, sa pagpapasya nito, magbibigay ng limitadong mga rekord ng Snapchat account sa mga nagpapatupad ng batas at mga ahensya ng pamahalaan sa labas ng U.S. bilang tugon sa legal na proseso na nararapat na pahintulutan sa humihiling na bansa at naghahanap ng impormasyong hindi content tulad ng pangunahing impormasyon ng subscriber at data ng IP.
Sang-ayon sa 18 U.S.C. §§ 2702(b)(8) at 2702(c)(4), kami ay maaaring boluntaryong magbunyang ng mga rekord ng account sa Snapchat sa tuwing pinaniniwalaan namin sa mabuting pananampalataya na ang isang emerhensiya na nagdudulot ng banta ng napipintong kamatayan o malubhang pinsala sa katawan ay nangangailangan ng agarang pagbubunyag ng naturang mga rekord.
Ang impormasyon para sa nagpapatupad ng batas tungkol sa kung paano isumite ang Emergency Disclosure Requests ay maaaring makita sa aming Gabay sa Nagpapatupad ng Batas. Ang Pang-emerhensiya na mga Request sa Pagbubunyag sa Snap ay dapat na isumite sa pamamagitan ng isang may sinumpaang nagpapatupad ng batas na opisyal at dapat na magmula sa isang opisyal na nagpapatupad ng batas (o sa pamahalaan) na email domain.
Ang kasalukuyang impormasyon tungkol sa mga patakaran sa pagpapanatili ng data para sa mga Snap, Chat at Story, pati na rin ang iba pang kapaki-pakinabang a impormasyon, ay maaaring matagpuan sa aming Site ng Suporta.
Kinikilala namin ang mga pormal na kahilingan mula sa law enforcement na magpreserba ng impormasyon alinsunod sa 18 U.S.C. § 2703(f). Sa pagtanggap ng ganoong kahilingan, susubukan naming panatilihin ang anumang available na mga rekord ng Snapchat account na nauugnay sa anumang (mga) user ng Snapchat na maayos na natukoy at nasa loob ng hanay ng petsa na tinukoy sa kahilingan. Papanatilihin namin ang anumang naturang napreserbang mga rekord sa isang offline na file nang hanggang 90 araw, at palawigin ang pangangalaga na iyon para sa isang karagdagang 90-araw na panahon na may pormal na kahilingan sa extension. Mangyaring tingnan ang Seksyon IV ng aming Gabay sa Nagpapatupad ng Batas para sa karagdagang impormasyon sa tumpak na paghahanap ng isang account sa Snapchat.
Bilang kagandahang-loob para sa hindi taga-U.S. na nagpapatupad ng batas, ang Snap ay maaaring, sa pagpapasya nito, na panatilihin ang mga available na talaan ng Snapchat account nang hanggang isang taon habang isinasagawa ang proseso ng MLAT o letters rogatory. Sa pagpapasya nito, maaaring palawigin ng Snap ang naturang pangangalaga para sa isang karagsagang anim na buwang panahon na may pormal na kahilingan sa extension.
Sa mga kalagayan kung saan may ipinabatid sa amin na potensyal na child exploitation content sa aming platform, nire-review ng aming Trust & Safety Team ang alegasyon at kung totoo ay inire-report ang naturang sitwasyon sa National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC). Susuriin ng NCMEC ang mga ulat na iyon at makikipag-ugnayan sa parehong pandaigdigang ahensyang nagpapatupad ng batas.
Hindi ibinubunyag ng Snap ang data ng user batay lamang sa pahintulot ng user. Ang mga gumagamit na naghahanap upang i-download ang kanilang sariling data ay maaaring makahanap ng karagdagang impormasyon sa aming Site ng Suporta.
Ang polisiya ng Snap ay ipagbigay alam sa aming mga gumagamit kung kami ay nakatanggap ng ligal na proseso na gustong ibunyag ang kanilang mga rekord. Kinikilala namin ang dalawang mga eksepsyon sa polisiyang ito. Una, hindi namin ipagbibigay alam sa mga gumagamit ng ligal na proseso kung saan ang pagbibigay ng paunawa ay ipinagbabawal ng isang utos ng korte na inilabas sa ilalim ng 18 U.S.C. § 2705(b) o sa iba pang ligal na awtoridad. Ikalawa, kung kami, sa aming sariling pagpapasya, ay naniniwala na may umiiral na eksepsyonal na pangyayari - tulad ng mga kaso na nagsasangkot ng pang-aabuso ng bata, pagbebenta ng mga nakakamatay na gamot, o ang banta ng napipintong kamatayan o malubhang pinsala sa katawan - nirereserba namin ang karapatan na iwaksi ang paunawa sa gumagamit.
Ang mga pagbubunyag ng rekord na ginawa ng nagpapatupad ng batas sa U.S. ay sasamahan ng isang pinirmahang Sertipiko ng Pagkatotoo, na mag-aalis sa pangangailangan para sa testimonya ng isang custodian ng mga rekord. Kung naniniwala ka na kailangan pa rin ang tagapag-ingat ng mga talaan upang magbigay ng testimonya, hinihiling namin ang domesticatio ng lahat ng subpoena ng estado alinsunod sa Uniform Act para Ma-secure ang Pagdalo ng isang Saksi mula sa Walang Estado sa Mga Pamamaraang Kriminal, Cal. Penal Code § 1334, et seq.
Hindi makapagbigay si Snap ng testimonya o testimonya ng ekspertong saksi sa labas ng Unites States.
Dapat na ipangalan ng mga opisyal ng nagpapatupad ng batas ang kanilang mga request sa Snap Inc. Mangyaring tiyakin na tukuyin ang Snapchat na username ng hinihiling na account sa Snapchat. Kung hindi mo mahanap ang isang username, pwede naming subukan — nang may iba't ibang antas ng tagumpay — na hanapin ang account gamit ang phone number, email address, o hexadecimal User ID. Mangyaring tingnan ang Seksyon IV ng aming Gabay sa Nagpapatupad ng Batas para sa karagdagang impormasyon sa tumpak na paghahanap ng isang account sa Snapchat.
Ang tagapagtupad ng batas at mga ahensya ng pamahalaan na may access sa Law Enforcement Service Site (LESS) ng Snap ay dapat magsumite ng legal na proseso at mga kahilingan sa pangangalaga sa Snap sa pamamagitan ng LESS portal sa: less.snapchat.com. Sa LESS, ang mga miyembro ng tagapagtupad ng batas at mga ahensya ng pamahalaan ay maaaring gumawa ng account para sa layunin ng pagsusumite ng mga kahilingan at pagsuri sa katayuan ng mga pagsusumite.
Tumatanggap din kami ng mga kahilingan sa pangangalaga, serbisyo ng legal na proseso, at mga pangkalahatang tanong mula sa tagapagpatupad ng batas sa pamamagitan ng email sa lawenforcement@snapchat.com.
Ang pagtanggap ng mga request mula sa nagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng paraang ito ay para sa kaginhawaan lamang at hindi nagtatanggi sa anumang pagtutol o ligal na mga karapatan ng Snap o ng mga gumagamit nito.
Pakitandaan na ang mga pamamaraan sa itaas ay angkop lamang para sa mga opisyal ng pagpapatupad ng batas.
Kung nakikipag-ugnayan ka sa Snap sa ngalan ng isang entity na hindi nauugnay sa pagpapatupad ng batas at naghahangad na maghatid ng kahilingan sa pagtuklas ng depensang kriminal, pakitandaan na ang naturang legal na proseso ay dapat personal na ihatid sa Snap o sa aming itinalagang third-party na ahente (maliban kung inisyu o domesticated sa loob ng California). Ang mga kahilingan sa pagtuklas ng depensang kriminal sa labas ng estado ay dapat na i-domesticate sa California ayon sa hinihinigi ng batas. Kung naghahangad kang maghatid ng kahilingan sa sibil na pagtuklas, pakitandaan na hindi tumatanggap ang Snap ng serbisyo ng naturang legal na proseso sa pamamagitan ng email; ang mga kahilingan sa sibil na pagtuklas ay dapat na personal na ihatid sa Snap o sa aming itinalagang ahente ng third-party. Ang mga kahilingan sa sibil na pagtuklas sa labas ng estado ay dapat pang i-domesticate sa California.
Tagapagpatupad ng Batas at ang Komunidad ng Snap
Sa Snap, talagang sineseryoso namin ang aming pangakong protektahan ang mga Snapchatter mula sa maling paggamit ng aming platform. Bilang bahagi noon, nakikipagtulungan kami sa nagpapatupad ng batas at mga ahensya ng gobyerno para itaguyod ang kaligtasan sa aming platform.
Seryoso ang Snap sa pagtulong sa nagpapatupad ng batas habang nirerespeto ang privacy at mga karapatan ng aming mga user. Sa oras na matanggap at maitatag namin ang pagiging tama ng legal na kahilingan para sa mga tala ng Snapchat account, tutugon kami alinsunod sa naaangkop na batas at mga kinakailangan sa privacy.
Habang totoong pinahahalagahan namin ang pagiging panandalian, ang ilang impormasyon ng account ay maaaring mabawi ng tagapagpatupad ng batas sa pamamagitan ng tamang legal na proseso. Paminsan-minsan, maaaring mangahulugan ito ng pagtulong sa tagapagpatupad ng batas na pigilan ang mga ilegal na aktibidad at pag-aksyon sa mga account para sa mga paglabag sa Terms of Service ng Snap. Tumutulong din kami sa mga sitwasyon ng pangangailangan, at mga nakaambang panganib sa buhay, tulad ng mga bantang pamamaril sa paaralan, pambobomba, at mga kaso ng nawawalang tao.
I-share sa iyong komunidad kung paano sila pwedeng mag-report sa Snap!
In-App Reporting: Maaari mong i-report sa amin ang hindi naaangkop na nilalaman sa mismong app! Pindutin lang at i-hold ang Snap, pagkatapos ay i-tap ang 'I-report ang Snap' na button. Ipaalam sa amin ang nangyayari — gagawin namin ang aming makakaya para makatulong!
I-email Kami: Pwede ka ring mag-email sa amin ng report sa pamamagitan mismo ng aming site ng Support.
Kung ikaw o ang kakilala mo ay nasa panganib, makipag-ugnayan agad sa pulis sa iyong lugar.
Ang Snapchat Transparency Reports ay inilalabas dalawang beses kada taon. Nagbibigay ang mga ulat na ito ng mahalagang insight sa dami at katangian ng mga kahilingan ng gobyerno para sa impormasyon ng account ng Mga Snapchatter at iba pang mga legal na abiso.