Mga Snap at Chat
Tulad ng pakikipag-usap sa isang tao nang harapan o sa telepono, maipapahayag mo ang anumang nasa isip mo kapag nakipag-usap sa mga Snap at Chat — nang hindi awtomatikong nagpapanatili ng permanenteng record ng lahat ng sinabi mo.
Siyempre, pwede mong piliin na i-save ang Snap bago mo ito i-send, at pwedeng mag-screenshot ang makakatanggap nito. Pwede ka ring mag-save ng message sa Chat. I-tap mo lang ito. Pinadali ng Snapchat ang pag-save ng mga importanteng bagay, nang hindi naaantala ng ibang mga bagay.
Ang pagse-save ng mga Snap ay idinisenyo ng isinasaalang-alang ang privacy. Ikaw ang may kontrol kung maaaring i-save ang iyong mga Snap sa loob ng Snapchat. I-set ang oras ng Snap sa walang limitasyon para maaaring ma-save ang isang Snap. Maaari mong palaging tanggalin ang anumang message na iyong na-send, kasama na ang mga Snap na na-save sa Chat. Pindutin lang nang matagal para i-unsave. Kapag i-save mo ang isang Snap, bago o pagkatapos itong ipasa, ito'y maaring maging bahagi ng iyong Memories. Kapag ang isang Snap na iyong pinadala ay sinave ng iyong kaibigan, maari itong maging bahagi ng kanilang Memories. Para sa higit pang detalye tungkol sa Memories, sumagguni sa seksyong Memories sa ibaba.
Gamit ang Voice at Video Chat, magagawa mong kumustahin ang iyong Friends. Kung gusto mo lang mag-iwan ng voice message, kami ang bahala, pindutin lang nang matagal ang mikropono para mag-record ng Voice Note. Pwedi ring gumamit ang mga Snapchatter ng aming Voice Note transcription na feature na nagpapahintulot sa amin na lumikha at magbigay ng mga transkripsyon ng Voice Chats para maaari itong mabasa.
Ang mga Snap at Chat ay pribado at kusang nabubura, kasama ang Voice at Video Chats sa pagitan mo at ng iyong mga kaibigan — ibig sabihin, hindi namin sinisiyasat ang nilalaman nito upang i-personalize ang iyong karanasan, gumawa ng mga rekomendasyon, o ipakita sa iyo ang mga ad. Ibig sabihin, hindi namin alam kung ano ang iyong mga Chats o Snaps maliban sa mga limitadong pagkakataon na may kaugnay sa kaligtasan (tulad ng kung mayroon kaming natanggap na ulat ng nilalaman na itinuturing na lumalabag sa aming Community Guidelines, o para makatulong sa pag-iwas sa mga spammer na magpapadala sa iyo ng malware o anumang nakakapinsalang nilalaman) o maliban na lang kung ikaw mismo ang humiling (halimbawa, kung ang iyong gagamitin ang aming feature na Voice Chat Transcription).
Snapchat for Web
Ang Snapchat for Web ay nagbibigay-daan na maranasan ang Snapchat app mula sa kaginhawaan ng iyong kompyuter. Para magsimula, mag-sign in lang gamit ang iyong mga credential sa Snapchat. Pagkatapos mag sign-in, maaari kaming magpadala ng push notification sa iyong Snapchat app, para lang masigurado na ikaw nga talaga ito.
Kapag nagagamit mo na ito, mapapansin mong katulad na katulad ng Snapchat for Web ang karanasan sa Snapchat app, pero may ilang pagkakaibang gusto namin na malaman mo. Halimbawa, kung may tinatawagan ka sa Snapchat for Web, magkakaroon ka lang ng access sa piling set ng Lenses, at posibleng hindi lahat ng creative tools ay magagamit mo. Makakaasa kang marami pang pagbabagong darating, at tingnan ang mga resource sa ibaba para matuto pa!
My AI
Ang My AI ay isang chatbot na nilikha sa teknolohiya ng generative AI na dinisenyo na isinasaalang-alang ang kaligtasan. Maaari kang makipag-chat ng direkta sa My AI o @ i-mention ang My AI sa mga pag-uusap. Ang Generative AI ay isang umuunlad na teknolohiya na maaaring magbigay ng nga tugon na maaaring may kinikilingan, hindi tama, nakakasama, o hindi mapagkakatiwalaan. Samakatuwid, hindi ka dapat umasa sa mga payo nito. Hindi ka rin dapat mag-share ng anumang kumpidensyal o sensitibong impormasyon — kung gagawin mo, ito ay gagamitin ng My AI.
Ang iyong mga pag-uusap sa My AI ay naiiba sa mga Chat at Snap kasama ang iyong mga Kaibigan — pinapanatili namin ang anumang nilalaman na ipinadala mo at natanggap mula sa My AI (katulad ng mga Snap at Chat) hanggang ikaw ay magpasyang burahin ang nilalamang ito sa loob ng App o kaya ay burahin ang iyong account. Kapag nakikipag-ugnayan ka sa My AI, ginagamit namin ang nilalamang iyong ibinahagi at ang iyong lokasyon (kung aktibo ang iyong pagbabahagi ng lokasyon sa Snapchat) upang mapabuti ang mga produkto ng Snap, kabilang ang pagpapahusay sa kaligtasan at seguridad ng My AI, at para gawing mas personal ang iyong karanasan, kasama na ang mga ad.
Maaari ring i-mention ng My AI ang iyong lokasyon o ang bio na itinakda mo pasa sa My AI sa mga tugon nito (kasama na sa mga usapan kung saan binanggit mo ang My AI gamit ang @).
Kung ikaw ay wala pang 18 taong gulang, ang isang pinagkakatiwalaang matanda — tulad ng iyong magulang o guardian — ay maaaring gumamit ng Family Center upang malaman kung nakipagchat ka sa My AI, at para i-on o i-off ang iyong access sa My AI. Ang mga pinagkakatiwalaang matanda ay hindi makakakita ng nilalaman ng iyong mga chat sa My AI.
Para maghatid ng My AI, kami ay nagbabahagi ng iyong mga detalye sa aming mga service provider at mga partner sa pag-advertise.
Walang tigil ang aming pagsisikap na magbutihin ang My AI. Kung hindi mo gusto ang anumang mga tugon mula sa My AI, ipaalam sa amin.
Tignan ang mga resources sa ibaba para matuto pa!
Stories
May iba't ibang uri ng Story sa Snapchat na nagpapahintulot sa iyong ibahagi ang iyong mga sandali sa iyong ninanais na audience. Sa kasalukuyan, nag-aalok kami ng sumusunod na mga uri ng Story:
Pribado na Story. Kung gusto mo lang na mag-share ng isang Story sa piling bilang nga mga Friends, maaari kang pumili sa opsyon ng Private Story.
BFF Story. Kung gusto mo lang na mag-share ng isang Story sa iyong mga Best Friends, maaari kang pumili sa format ng BFF Story.
My Story - Friends. Pinapahitulutan ka ng My Story Friends na mag-share ng isang Story sa lahat ng iyong mga Friends. Tandaan, kung itatakda mo ang iyong My Story Friends na maaaring makita ng 'Lahat' Mga Setting, itinuturing na pampubliko ang iyong My Story at maaaring makita ng sinuman.
Shared Stories. Ang Shared Stories ay mga stories sa pagitan mo at sa isang grupo ng ibang mga Snapchatter.
Community Stories. Kung ikaw ay kasali ng isang Komunidad sa Snapchat, pwede kang magsumite sa Community Story. Ang nilalaman na ito ay kinokonsiderang pampubliko, at makikita ng mga miyembro ng komunidad.
My Story - Public. Kung nais mong maging publiko at maabot ang mas malawak na madla, maaari mong isumite ang iyong Story sa My Story Public, at maaari itong itampok sa iba pang bahagi ng app, tulad ng Discover.
Snap Map. Ang mga Stories na isinumite sa Snap Map ay pampubliko, at maaring mapili na ipakita sa Snap Map, at sa labas ng Snapchat.
Karamihan sa mga Stories at natatakdang i-delete pagkatapos ng 24 na oras malibang kung babaguhin mo ang mga setting, i-save ang Story sa iyong Public Profile, o ise-save mo ito o ng isang Friend sa Chat. Sa sandaling nag-post ka ng Story, maaaring makipag-ugnayan sa mga ito ang iyong Mga Kaibigan at iba pa. Halimbawa, maaari nilang gamitin ang parehong Lens na ginamit mo, o i-remix ang Snap, o i-share sa mga kaibigan at iba pa.
Tandaan: kahit sinuman ay maaaring kumuha ng screenshot o magrekord ng isang Story!
Profiles
Pinadadali ng Profiles na mahanap ang impormasyon at features sa Snapchat na lubos mong pinahahalagahan. Mayroong iba't ibang uri ng Profile sa Snapchat, kabilang ang My Profile, Friendship Profiles, Group Profiles, at Public Profiles.
Sa My Profile itinatampok ang iyong impormasyon sa Snapchat, tulad ng iyong Bitmoji, lokasyon sa Map, impormasyon ng kaibigan, at higit pa. Ang Friendship Profile ay natatangi sa bawat pagkakaibigan, dito mo makikita ang mga na-save mong mga Snap at Chat, impormasyon sa Snapchat ng iyong kaibigan tulad ng Bitmoji at lokasyon sa Map (kung ibinabahagi nila ito sayo), at dito mo rin magagawang pamahalaan ang inyong pagkakaibigan, at i-report, i-block, o alisin ang kaibigan. Itinatampok sa Group Profiles ang iyong naka-save na Snaps at Mga Chat sa isang Group Chat at ang impormasyon sa Snapchat ng iyong mga kaibigan.
Ang Public Profiles ay nagbibigay-daan sa mga Snapchatter na madiskubre sa Snapchat. Sa karamahihan ng mga rehiyon, kung ikaw ay mahigit sa 18 taong gulang, ikaw ay kwalipikado para sa isang Public Profile. Kapag ginagamit ang iyong Public Profile, maaari mong ipakita ang iyong mga paboritong publikong Stories, Spotlights, Lenses at iba pang impormasyon. Magagawa ng iba pang Snapchatter na mag-follow sa iyong Public Profile. Naka-off ang bilang ng iyong mga follower bilang default, pero puwede mo itong i-on sa Settings kung gusto mo.
Spotlight
Gamit ang Spotlight, magagawa mong tuklasin ang mundo ng Snapchat sa iisang lugar at itinatampok dito ang pinakanakakaaliw na Snaps, sinuman ang lumikha sa mga ito!
Ang mga Snap at Comment na isinumite sa Spotlight ay pampubliko at maaaring ma-share ng ibang mga Snapchatter pareho sa loob at labas ng Snap o kahit na 'Remix' ang Spotlight Snaps. Halimbawa, maaari nilang kunin ang iyong nakakatawang sayaw na Snap at magdagdag ng reaksyon dito. Ang iyong Profile ang lugar kung saan mo makokontrol at makikita ang buod ng Spotlight Snaps na iyong isinumite. Maaari mo ring gawing paborito ang mga Spotlight na nilalaman, at kapag ginawa mo ito, idaragdag namin ang mga ito sa iyong listahan ng mga paborito para ma-personalize ang karanasan mo sa Spotlight.
Sa pagtuklas at pagkuha mo ng nilalaman sa Spotlight, gagawin naming naka-personalize ang karanasan mo sa Spotlight at magpapakita kami sa iyo ng mas marami pang mga nilalaman na sa tingin namin ay magugustuhan mo. Halimbawa, kung hindi mo mapigilang manood ng mga dance challenge, magpapakita kami sa iyo ng mas marami pang Spotlight na mga nilalaman na may kaugnayan sa sayaw. Maaari rin naming ipaalam sa iyong mga kaibigan na ikaw ay nag-share, nagrekomenda, o nagkomento sa isang Spotlight Snap.
Kapag nagsumite ka ng mga Snap sa Spotlight, hinihiling namin sa iyo na sumunod sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, Mga Tuntunin ng Spotlight at Mga Alituntunin sa Spotlight. Ang iyong mga isinusumiteng Spotlight ay itatago sa aming mga server hanggang sa iyong pagbura sa kanila at maaaring makita sa Snapchat sa mahabang panahon. Kung gusto mong mag-alis ng Snap na isinumite mo sa Spotlight, magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagpunta sa iyong Profile.
Memories
Pinapadali ng Memories na balikan ang Snaps na na-save mo at pwede mo pang i-edit at ipadalang muli ang mga ito! Isinasama namin ang mahika ng Snapchat sa nilalaman na nai-save sa Memories (kasama na ang mga nilalaman sa camera roll ng iyong device, kung binigyan mo kami ng access dito) upang mas mapersonalize ang iyong karanasan. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga label batay sa nilalaman, upang madali mong mahahanap ito, at upang ipaalam sa amin kung anong uri ng nilalaman ang nasa iyong interes sa gayon maaari naming ipakita ang katulad na nilalaman sa Memories o iba pang bahagi ng aming Serbisyo, tulad ng Spotlight. Halimbawa kung marami kang nai-save na mga Snap ng iyong aso sa Memories, maaari naming makilala na may aso at ipasadya ang iyong karanasan sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyo ng Spotlight Snaps o mga ad tungkol sa pinakacute na laruan ng aso!
Maaari rin kaming magmungkahi ng mga paraan kung paano mag-share ng iyong Memories at nilalaman ng camera roll sa mga kaibigan na may bagong twist — tulad ng isang masayang Lens! — ngunit ikaw ang magpapasya kung kailan at saan ito ibabahagi. Tutulungan ka rin namin na mag-navigate sa lahat ng iyong Memories, halimbawa sa pamamagitan ng pag-grupo sa kanila batay sa tiyak na oras o lugar para mas mapadali ang paggawa mo ng mga Stories o Spotlight Snaps na nagpapakita sa iyong mga paboriting alaala.
Ang pag-back up ng Memories online ay nakakatulong para hindi mawala ang mga ito, ngunit hindi dapat iyon mangahulugan na kakailanganin mong isakripisyo ang iyong privacy o seguridad. Kaya nga namin ginawa ang "Para Lang Sa 'Kin," na magpapahintulot sa iyong panatilihing ligtas at encrypted, at protektado ang iyong Snaps ng password na pipiliin mo. Sa ganoong paraan, kahit na may magnakaw sa device mo at makapag-log in sa Snapchat, ligtas pa rin ang mga pribadong Snap na iyon. Kapag wala ang password, walang sinuman ang makakakita ng mga bagay na ito pagkatapos nilang mai-save sa My Eyes Only — kasama na kami! Pero mag-ingat, dahil kapag nalimutan mo ang iyong password, wala nang paraan para mabawi ang encrypted Snaps na iyon.
Dagdag pa, sa Memories maaari mong tingnan ang mga portrait na nilikha ng AI kasama ka at iyong mga kaibigan. Ang mga selfie na iyong ini-upload para gumawa ng mga portrait na ito ay ginagamit sa tulong ng generative AI upang lumikha ng bago at natatanging mga larawan mo at ng iyong mga kaibigan.
Lenses
Naisip mo ba kung paano nagagawang bigyan ka ng mga tenga ng aso o baguhin ang kulay ng iyong buhok sa Lenses?
Ang ilang magic sa likod ng Lenses ay dahil sa “pag-detect ng object.” Ang pag-detect ng object ay isang algorithm na idinisenyo para matulungan ang isang computer na maunawaan sa pangkalahatan kung ano-anong bagay ang nasa isang imahe. Sa ganitong sitwasyon, ipinaaalam nito sa atin na ang ilong ay ilong, o ang mata ay mata.
Subalit, ang pagtukoy sa mga bagay ay hindi katulad ng pagkilala sa iyong mukha. Bagama't masasabi ng Mga Lens kung ano ang mukha o hindi, hindi nila nakikilala ang mga partikular na mukha!
Marami sa aming mga Lenses ay umaasa sa generative AI upang lumikha ng masasayang karanasan at i-transform ang iyong imahe at karanasan sa isang espesyal na bagay.