Lupon ng Pagpapayo sa Kaligtasan ng Snap
Binubuo ng 18 miyembro ang Lupon ng Pagpapayo sa Kaligtasan ng Snap. Binubuo ito ng 15 propesyonal mula sa tradisyonal na mga online na non-profit na nakatuon sa kaligtasan at nauugnay na organisasyon, pati na rin mga technologist, akademiko, mananaliksik, at nakaligtas sa online na pinsala. Ang mga miyembro ay mga eksperto sa paglaban sa mga kilalang online na panganib sa kaligtasan, gaya ng sekswal na pagsasamantala sa bata at pag-abuso at mga nakakamatay na droga, at may malawak na karanasan sa mga disiplinang may kaugnayan sa kaligtasan, kabilang ang artificaial intelligence. Kasama rin namin ang 3 miyembro ng Lupon na mga young adult at youth advocate. Pinili namin ang mga aplikanteng ito para masigurong may nakahandang access ang Lupon sa napakahalagang “boses ng kabataan” at viewpoint; para masigurong kasama sa bahagi ng Lupon ang mga nakatuong gumagamit ng Snapchat; at maghanagad na balansehin ang mga propesyonal na view kasama ang praktikal na pananaw mula sa pangunahing demograpiko ng komunidad ng Snapchat. Ang aming Lupon ng Pagpapayo sa Kaligtasan ay independiyenteng katawang may mga ekspertong nag-aalok ng kanilang oras, mga pananaw at feedback nang walang bayad mula sa Snap.
Nasa ibaba ang aming Mga Miyembro ng Lupon ng Pagpapayo sa Kalitasan.