Privacy sa Pamamagitan ng Seguridad

Mahirap magkaroon ng pakiramdam ng privacy kung hindi mo rin nararamdamang ligtas at secure ka. Iyon ang dahilan kung bakit nagsusumikap kami para ma-secure ang sarili naming imprastraktura. Nagbibigay rin sa iyo ang Snapchat ng mga feature gaya ng two-factor authentication at session management para makatulong sa pag-secure ng account mo. Pero mayroon ka pang ilang dagdag na hakbang na pwedeng gawin para mapanatiling mas ligtas ang Snapchat account mo:

Gumamit ng Ligtas na Password

Pumili ng mahaba, mahirap, at kakaibang password, ito ay makakatulong upang mapigilan ang mga manlilinlang sa paghula sa iyong password o sa paggamit ng mga listahan ng mga nakompromisong password upang ma-access ang iyong account. Upang masiguradong ang iyong account ay ligtas, subukang maging malikhain sa paggawa ng mahabang password na pangungusap katulad ng "I l0ve gr@ndma's gingerbread c00kies!" (gumamit ng mga letra, numero, at mga espesyal na simbolo) — at hindi, hindi maloloko ng "Password123" ang sinuman. Kung nahihirapan kang makaalala ng mga password, pag-isipang gumamit ng password manager para lumikha ng mga ligtas na password na hindi mo kailangang isaulo! Kahit ano man ang iyong paraan, kailangang tandaan: huwag na huwag mong ibahagi ang iyong password sa kung sinuman.

I-verify ✅ ang iyong Phone Number at Email Address

Siguraduhing i-add ang iyong phone number at email address sa iyong account at i-verify ang mga ito. Sa ganitong paraan, magkakaroon kami ng higit sa isang paraan upang maabot ka, at higit sa isang paraan upang i-verify na ikaw nga ito (at hindi ibang tao!). Mahalaga ito lalo na kung magbago ka ng phone number, mawalan ng access sa iyong email account, o nais mong palitan ang iyong password. Pumunta rito para sa mga instruksiyon kung paano i-verify ang iyong phone number at email.

Sa kabilang banda, huwag mag-add ng phone number o email address sa iyong Snapchat account na hindi mo pagmamay-ari. Ang paggawa nito ay maaring magbigay sa iba ng access sa iyong account. Kung mayroong magpapa-add sa iyo ng kanilang phone number o email address sa iyong account, ipaalam sa amin.

Gamitin ang 2️⃣-Factor Authentication

I-on ang two-factor authentication. Ang two-factor authentication (o 2FA sa maikli) ay nagdaragdag ng dagdag na layer ng seguridad sa pamamagitan ng pag-aatas sa iyong magbigay ng code bilang karagdagan sa login/password mo. Inirerekomenda naming gumamit ng pinagkakatiwalaang authenticator app, gaya ng Google Authenticator o Duo para sa 2FA, pero pwede ka ring mag-set up ng 2FA sa pamamagitan ng text.  Ang paggamit ng 2FA ay maaaring makatulong na pigilan ang isang taong nakakuha (o nakahula) ng password mong ma-access ang iyong account. 

  • Hindi iminumungkahi sa iyo kailanmang ibigay ang code na natatanggap mo mula sa Snap o mula sa pinagkakatiwalaang authenticator app kahit na kanino—maaari nilang magamit ito sa para mag-login sa account mo!

  • Kung mawala mo ang device mo o manakaw ito, o kung paghinalaan mong may gumamit ng device na hindi mo kontrolado para mag-log in sa iyong account, huwag kalimutang tanggalin ang device na iyon bilang na-verify na device

I-manage ang Iyong mga Session 🔑

Pwede mong gamitin ang Session Management Center ng Snap upang makita ang lahat ng mga session na naka-log sa iyong account. Kung hindi ka pamilyar, ang isang "session" ay nagrerepresenta sa isang indibidwal na device o browser na naka-sign in sa iyong account.  Mahalagang bantayan ang Session Management Center para sa seguridad ng iyong account, lalo na kung mayroon kang hinala na may ibang taong nakaka-access nang hindi awtorisado sa iyong account. Kung makikita mong may device o browser na hindi mo kilala, agad tapusin ang session na iyon at palitan ang iyong password. Kung mawalan ka ng access sa iyong account, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.


❌ Huwag Gumamit Ng Mga Hindi Awtorisadong Third-Party App

Huwag Gumamit Ng Mga Hindi Awtorisadong Third-Party App. Ang mga hindi awtorisadong third-party applications at plugins (o mga tweaks) ay ginawa ng mga software developers na hindi kaanib ng Snapchat at kadalasang magsasabi na magdadagdag ang mga ito ng mga features o functionality sa Snapchat. Ngunit, itong mga hindi awotrisadong third-party apps at plugins ay hindi sinusuportahan o pinahihintulutan ng Snapchat dahil maaari nitong makompromiso ang seguridad ng mga account mo at ng ibang Snapchatters.

Karagdagang Mga Tips Upang Mapanatiling Ligtas Ang Iyong Account.

Ikaw ang pinakamalakas na depensa laban sa mga manlilinlang! Heto ang mga karagdagang tips upang mapanatiling ligtas ang iyong account:

  • Huwag ilagay ang iyong phone number o email address sa Snapchat account na hindi mo pagmamay-ari. Ang paggawa nito ay maaring magbigay sa iba ng access sa iyong account. Kung mayroong magpapalagay ng kanilang phone number o email address sa iyong account, ipaalam sa amin.

  • Huwag mag-log in sa Snapchat sa device ng iba. Kung gagawin mo ito, maari nilang ma-access ang iyong account. Kung ikaw ay maglalog in sa device na hindi mo pagmamay-ari, huwag kalimutang maglog out pagkatapos!

  • Maglagay ng matibay na passcode o passphrase sa iyong mobile device o kaya, mas mabuting gumamit ng biometric authentication na gumagamit ng iyong fingerprint o mukha upang maunlock ang iyong device. Kung wala kang mga karagdagang controls na ito at naiwala, nanakaw, o naiwan kung saan ang iyong device, maaring ma-access ng iba ang contents ng iyong Snapchat account.

  • Magingat sa mga kahina-hinalang mga mensahe, lalo na sa mga mensaheng nanghihikayat na pindutin ang mga kaduda-dudang link na maaaring magdala sa iyo sa mga nakahahamak na website o linlangin ka sa pagpasok ng iyong password. Mag-isip bago pindutin!

Para sa karagdagang tips upang manatiling ligtas sa Snapchat, pumunta lamang dito at magsubscribe sa Safety Snapshot.