Policy Center

Mga Guideline sa Content para sa Pagiging Kuwalipikado sa Rekomendasyon

Nais naming gantimpalaan ng pinansyal ang mga creator na patuloy na naglalathala ng mataas na kalidad na content sa Snapchat. Ang mga layunin ng programa sa monetization ng content ay ang:

  • Nararamdaman ng mga Snapchatter na sulit ang oras nila sa panonood ng iyong content, at

  • Ang mga advertiser ay sabik na iugnay ang kanilang mga brand sa iyong content. 


Para maging karapat-dapat para sa monetization, ang content ay dapat sumunod sa mga patakaran sa pahinang ito, pati na rin sa aming:



Tip: Para makarating ang iyong content sa mas malawak na audience na lampas sa iyong mga follower, kailangang sumunod ito sa Content Guidelines para sa Recommendation Eligibility


Ang patakaran sa monetization sa pahinang ito ay hiwalay sa Commercial Content Policy, na nalalapat sa mga advertising sa loob ng content, tulad ng sponsored content.

Paano ako magiging karapat-dapat para sa monetization?

Ang mga indibidwal na creator ay maaaring makahanap ng karagdagang impormasyon dito:

Matuto kung paano kumita ng pera sa Snapchat


Ang mga organisasyon, tulad ng mga pinagkakatiwalaang news outlet o iba pang kumpanya ng media, ay makakahanap ng impormasyon dito:

Snapchat Shows | Content Partners

Paano naipatutupad ang mga Policy sa Monetization?

Ang Content team ng Snap ay nagsusuri ng mga account (mga creator o partner) nang holistik. Upang matukoy ang isang pattern ng paglalathala ng content na hindi nakakatugon sa mga pamantayan ng karapat-dapat sa monetization, gumagamit kami ng pinaghalong human at algorithmic na moderation. Nakikinig din kami sa feedback mula sa mga user, brand, at iba pang mga stakeholder. Kung ang iyong account ay hindi sumusunod sa mga patakarang ito, maaari kang hindi maging karapat-dapat para sa pagbabayad.  Maaari rin naming tanggalin ang mga advertising na lumalabas kasabay ng tiyak na content at suspindihin o permanenteng bawiin ang iyong partisipasyon sa programa ng monetization. 


Makikita ang karagdagang detalye sa pagpapatupad sa Creator Stories Terms at

Spotlight Terms, na magagamit para sa mga karapat-dapat na account.

Mga Policy sa Monetization

Nais naming gantimpalaan ang patuloy na paglikha ng mataas na kalidad na content. Maaari mong maunawaan ang aming mga pamantayan para sa kalidad ng content sa pamamagitan ng paglalaan ng oras upang basahin ang aming Content Guidelines para sa Recommendation Eligibility. Kung madalas o pangunahing naglalatha ka ng content na "hindi karapat-dapat para sa rekomendasyon," malamang na hindi ka magandang kandidato para sa monetization ng content sa Snapchat. 


Bilang karagdagan sa patuloy na pagsunod sa Content Guidelines para sa Recommendation Eligibility, ang mga monetized na account ay dapat patuloy na nagpapakita ng orihinalidad at pagiging tunay. 

Pwedeng ma-monetize:


Naglalathala ka ng orihinal, at nakakaengganyang content na ikaw o ang iyong organisasyon ang lumikha. Kung ikaw ay nagpo-post ng content ng ibang tao, kailangan mong magdagdag nito ng isang makabuluhan, at nakapagpapabago na paraan, tulad ng:

  • Pag-react sa isang video (halimbawa, ang pagdagdag ng iyong sariling komentaryo sa isang replay ng sports)

  • Paggamit ng mga clip sa konteksto ng mga pagsusuri (halimbawa, pag-usapan ang isang pelikula habang pinapakita ang mga kaugnay na excerpt)

  • Pag-edit ng kuha sa isang malikhaing paraan (halimbawa, isang compilation ng sampung pinakamahusay na wedding cake, na pinagsama-sama sa isang countdown list, na may idinagdag na konteksto, komentaryo, at/o mga malikhaing elemento)

  • Pagpapakita ng mga clip mula sa social media kapag ang content ay 1) wastong na-attribute sa orihinal na creator, at 2) ipinakita kasama ang orihinal na komentaryo tungkol sa kaugnayan nito sa mga kasalukuyang balita, mga trend, o pampublikong diskurso 


Ikaw ay naglalathala ng tunay na content na bumubuo ng tiwala sa mga Snapchatter at mga advertiser. Hindi ka nanglilinlang. Ang iyong mga pamagat o introduksyon ay nagtatakda ng mga inaasahan na natutugunan sa natitirang bahagi ng iyong content. 

Hindi Pwedeng Ma-monetize:


Pangunahin o madalas kang naglalathala ng hindi orihinal na content na hindi mo nilikha at hindi mo binago sa makabuluhang paraan, tulad ng:

  • Mga hindi binagong clip o compilation ng mga clip galing sa mga palabas sa TV, pelikula, at mga music video

  • Pag-reupload ng mga post ng ibang tao sa social media

 

Nagpo-post ka ng paulit-ulit na content, tulad ng paulit-ulit na pagre-repost ng sarili mong content, o content na duplikado o dinisenyo lamang para pataasin ang views sa kaysa magbigay-aliw o magbigay-kaalaman sa mga manonood, tulad ng:

  • Paulit-ulit na paggamit ng parehong tile image nang maraming beses

  • Pagpo-post ng mga Snap na bahagyang magkakaiba, tulad ng paulit-ulit na pagtango at pagturo sa mga nakasulat na quotation.  


Madalas kang naglalathala ng hindi tunay na content na nanlilinlang ng mga tao (kahit na ang paksa ay hindi kasing "seryoso" ng pulitika, kalusugan, o trahedya). Ang engagement bait ay nanlilinlang dahil naglalatag ito ng inaasahan na hindi natutugunan, tulad ng:

  • Isang walang kinalaman na tile image (halimbawa, isang larawan ng isang sikat na personalidad na hindi binanggit sa kabuuan ng kwento)

  • Isang nakakagulat na tile (halimbawa, mga larawan na sa unang tingin ay maaaring magmukhang maselang bahagi ng katawan)

  • Isang walang katotohanang tsismis (halimbawa, walang basehang haka-haka na maaaring gumanap ang isang aktor bilang isang partikular na karakter sa isang darating na pelikula)

  • Mga pangyayaring matagal nang naganap na inihaharap bilang kasalukuyang balita (halimbawa, ilang taong nakalipas na pag-aresto ng isang sikat na tao na ipinapakita bilang bagong balita)

  • Mapanlinlang na binagong media (halimbawa, pag-edit ng larawan ng katawan o mukha ng isang tao upang magmukhang nagkaroon ng matinding pagbabago, o pag-edit ng ahas upang magmukhang kasinglaki ng isang bus, atbp.)