Pangkalahatang Ideya
Pinoprotektahan namin ang mga Snapchatter sa nakakapinsala o mapang-abusong content.
Sa layuning iyon, binuo namin ang aming Community Guidelines na may layuning matiyak na ang mga user ay komportableng maipahayag ang kanilang sarili at malayang makipag-usap sa Snapchat, nang hindi nalalantas sa mga hindi hinihinging seksuwal na content o pang-aabuso. Ipinagbabawal ng mga patakarang ito ang pagbabahagi, pag-promote, o pamamahagi ng tahasang seksuwal na nilalaman––na sumasaklaw sa isang hanay ng content kabilang ang pornograpya, seksuwal na kahubaran, o mga alok ng mga serbisyong seksuwal––at hinahatulan sa pinakamalakas na termino ang anumang nilalamang nananamantala sa mga bata.
Ipinagbabawal namin ang anumang aktibidad na nagsasangkot ng sekswal na pananamantala o pang-aabuso sa isang menor de edad, kabilang ang pagbabahagi ng larawan ng sekswal na pananamantala sa bata o pang-aabuso, pag-groom, o sekswal na pangingikil (sextortion), o ang sekswalisasyon ng mga bata. Iniuulat namin ang lahat ng natukoy na pagkakataon ng sekswal na pagsasamantala sa bata sa mga awtoridad, kabilang ang mga pagtatangka na gumawa ng ganoong pag-uugali. Huwag kailanman mag-post, mag-save, magpadala, magpasa, mamahagi, o humingi ng hubo't hubad o tahasang sekswal na content na kinasasangkutan ng sinumang wala pang 18 taong gulang (kabilang dito ang pagpapadala o pag-save ng mga ganoong larawan ng iyong sarili).
Ipinagbabawal namin ang pag-promote, pamamahagi, o pagbabahagi ng pornographic content, gayundin ang mga komersyal na aktibidad na nauugnay sa pornograpiya o mga sekswal na interaksyon (online man o offline).
Ang pagpapasuso at iba pang paglalarawan ng kahubaran sa mga hindi sekswal na konteksto ay karaniwang pinahihintulutan.