Pangkalahatang Ideya
Sumasailalim ang aming pagbabawal sa mga ilegal at kinokontrol na gawain sa aming mahigpit na commitment sa kaligtasan sa buong Snapchat. Ang pagsunod sa mga panuntunang ito ay hindi lamang nakakatulong na matiyak na ang aming platform ay hindi ginagamit sa maling paraan para sa mga layuning labag sa batas, ngunit nakakatulong din na protektahan ang mga Snapchatter mula sa mga panganib ng malubhang pinsala. Para tulungan kaming isulong ang mga layuning ito, mariin kaming nakipag-partner sa mga pangkaligtasang stakeholder, NGO, at organisasyong nagpapatupad ng batas para bigyan ang ating komunidad ng mga sangguniang nagbibigay kaalaman at para pangkalahatang i-promote ang pampublikong kaligtasan.
Huwag gamitin ang Snapchat para sa anumang ilegal na gawain. Kabilang dito ang pag-promote, pangangasiwa, o paglahok sa aktibidad pangkriminal, tulad ng pagbili, pagbebenta, pagpapalitan, o pagpapadali sa pagbebenta ng mga ilegal o kinokontrol na droga, kontrabando (gaya ng imahe ng seksuwal na pang-aabuso sa bata o pagsasamantala), mga armas, o mga pekeng produkto o dokumento. Kasama rin dito ang pagtataguyod o pagpapadali sa anumang uri ng pagsasamantala, kabilang ang human trafficking o sex trafficking.
Ipinagbabawal namin ang ilegal na pag-promote ng mga kinokontrol na produkto o industriya, kabilang ang hindi awtorisadong promosyon ng pagsusugal, mga produktong tabako, at alkohol.