Ipinapaliwanag ng seksyong ito kung paano naming ginagamit ang impormasyong kinokolekta namin Bukod sa iba pang bagay, ginagamit namin ang impormasyong kinokolekta namin para bigyan ka ng mga naka-personalize na produkto at Serbisyo na pinaghirapan naming gawin at pagandahin. Sa ibaba, detalyado naming tinalakay ang bawat layunin kung saan namin ginagamit ang impormasyon. Kung gusto mong makita ang pagmamapa ng dara na kinokolekta namin pata sa mga layunin kung bakit namin ito kinokolekta, mayroon kaming talahanayan dito.
Panatilihing Updated at Gumagana (hal. magpatakbo, maghatid, at magpanatili ng aming Mga Serbisyo)
Ginagamit namin ang impormasyong kinokolekta namin para magpatakbo, maghatid, at magpanatili ng aming Mga Serbisyo. Halimbawa, sa paghahatid ng Snap na gusto mong i-send sa isang friend o, kung gusto mong i-share ang location mo sa Snap Map, para magpakita sa iyo ng mga mungkahi gaya ng mga lugar na baka magustuhan mo sa inyong sambahayan, content na na-post ng iba sa Map, o friends mo kung nagbabahagi sila ng kanilang lokasyon sa iyo. Ginagamit din namin ang ilan sa impormasyon mo para tulungan panatilihing updated ang aming mga produkto, halimbawa para siguraduhing gumagana ang aming Mga Serbisyo gamit ang mga pinakabagong operating system at device.
I-personalize ang Karanasan Mo at Magbigay ng Konteksto
Nag-aalok kami ng mga naka-personalize na Serbisyo sa mga Snapchatter. Isa sa mga paraan kung paano namin ito ginagawa ay sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyo ng content na nauugnay sa iyo o kung sa palagay namin ay mae-enjoy mo batay sa impormasyong sini-share mo sa amin. Para gawin iyon. ginagamit namin ang impormasyon tungkol sa iyo sa iba't ibang aspekto ng Mga Serbisyo para magdagdag ng konteksto sa karanasan mo sa Snapchat. Halimbawa, awtomatiko naming tina-tag ang content gamit ang mga label na nakabatay sa content, ang lokasyon mo, o ang oras ng araw. Kaya kung may aso sa photo, puwede itong maging searcheable sa Memories gamit ang salitang "dog," makita sa Map sa location kung saan mo ginawa ang Memory, at ipaalam sa amin na gusto mo ng mga aso kaya puwede kaming magpakita sa iyo ng mga nakakatuwang video ng aso at mga ad ng dog food sa iba pang bahagi ng aming Mga Serbisyo, gaya ng Spotlight.
Makakatulong din ang pag-personalize sa pagmumungkahi ng friends o pagrerekomenda ng bagong friend kung kanino ka magse-send ng isang Snap batay sa kung sino ang pinakamadalas mong ka-Snap. Posible kaming magpakita ng mga inirerekomendang lugar sa Snap Map, gumawa ng stickers, o gumawa ng mga Snap at iba pang content gamit ang AI para i-share sa friends, hulaan ang mga interes mo batay sa kasalukuyan mong content o aktibidad, o i-customize ang content na ipinapakita namin sa iyo, kasama ang mga ad. Halimbawa, kung nanonood ka ng content na barista sa Spotlight, nakikipag-usap sa My AI tungkol sa paborito mong espresso machine, o nagsi-save ng maraming Snap na may kaugnayan sa kape sa Memories mo, posible kaming mag-highlight ng mga coffe shop sa Snap Map kapag bumibisita ka sa isang bagong lungsod o magpapakita kami sa iyo ng content tungkol sa kape na posibleng maging interesado ka o nauugnay sa iyo. O, kung nakikipag-ugnayan ka sa maraming music venue. puwede naming gamitin iyon para magpakita sa iyo ng mga ad para sa mga paparating na show sa inyong lugar. Kasama rin sa pag-personalize ang pag-aangkop ng karanasan mo batay sa kung ano ang ginagawa ng friends mo, kasama ang pagpapakita sa iyo ng content na ginagawa, nila-like, o nae-enjoy ng friends mo sa Spotlight o Maglagay ng mga rekomendasyon na patok sa friends mo.
Layunin naming tuloy-tuloy na mabigyan ka ng content na mas nauugnay at mas nakakapukaw ng interes mo.
Halimbawa, kung nanonood ka ng maraming content na sports, pero nagsi-skip ng content na may hair and makeup tips, bibigyang priyoridad ng aming recommendation algorithms ang sports, pero hindi iyong makeup tips. Puwede mong alamin pa rito kung paano namin nauunawaan ang preferences ng mga Snapchatter at paano nira-rank at kinokontrol ang content.
Naniniwala kami na mahalaga ring balansehin ang mga benepisyo ng pag-personalize gamit ang mga inaasahan sa privacy ng aming ga Snapchatter. Halimbawa, posibleng awtomatiko naming i-tag ang mga Snap na na-save mo sa Memories batay sa content sa loob nito (hal. Snap na may aso), at pagkatapos ay gagamitin ang tag na iyon para i-personalize ang karanasan mo, gumawa ng mga rekomendasyon, ao magpakita sa iyo ng mga ad (gaya ng pagpapakita sa iyo ng mga Snap na may aso sa Spotlight). Hindi namin ginagamit ang mga pribadong content at komunikasyon na sine-send mo sa friends mo para i-personalize ang karanasan mo, gumawa ng mga rekomendasyon, o magpakita sa iyo ng mga ad.
Nagbibigay ng mga Nauugnay na Ad
Isa pang paraan na nagbibigay kami ng naka-personalize na Service ay sa pamamagitan ng mga ipinapakita naming ad. Ginagamit namin ang mga interes at preferences mo mula sa impormasyong nakolekta namin para mag-personalize, mag-target, at magsukat ng mga ad. Sa palagay namin, pinakamainam ang mga ad kapag nauugnay ang mga ito. Ito ang dahilan kung bakit sinusubukan naming pumili ng mga tamang ad at ipakita ang mga ito sa iyo sa tamang pagkakataon. Halimbawa, kung nakikipag-ugnayan ka sa mga ad para sa mga video game, huhulaan namin na gusto mo ang mga video game, at magpapakita sa iyo ng mga katulad na ad, pero hindi lang iyon ang mga ad na makikita mo. Katulad ng aming diskarte sa content, sinusubukan naming siguraduhin na nakakatanggap ka ng iba't ibang ad. Ginagamit din namin ang impormasyon mo para iwasang makapagpakita sa iyo ng mga ad na posibleng hindi ka magiging interesado. Halimbawa, kapag sinabi sa amin ng isang ticketing site na bumili ka sa kanila ng mga ticket para sa isang pelikula—puwede na naming itigil ang pagpapakita sa iyo ng mga ad para sa nasabing pelikula. Puwede mong alamin dito ang tungkol sa iba't ibang uri ng advertising at mga mapagpipilian mo tungkol sa mga ad na natatanggap mo.
Puwede mong alamin pa rito kung paano namin kinokolekta, ginagamit, at sini-share ang impormasyon mo para sa mga layunin sa advertising.
Tandaan tungkol sa impormasyong kinolekta ng cookies at iba pang teknolohiya: puwede naming gamitin ang mga teknolohiyang ito para mangolekta ng impormasyon kapag nakikipag-ugnayan ka sa Mga Serbisyo na inaalok namin sa pamamagitan ng isa sa aming mga partner. Halimbawa, puwede naming gamitin ang impormasyong nakolekta sa website ng isang advertiser para magpakita sa iyo ng mga mas nauugnay na ad. Nakatakda ang karamihan ng mga web browser na tumanggap ng cookies bilang default. Kung gusto mo, karaniwan ay maaari mong tanggalin o tanggihan ang cookies ng browser mula sa mga settings sa browser o device mo. Pero tandaan na kapag inalis o tinanggihan ang cookies, maaapektuhan nito ang pagiging available at pagiging functional ng aming Mga Serbisyo. Para alamin pa kung paano namin ginagagamit at paano ginagamit ng amingmga partner ang cookies sa aming Mga Serbisyo at mga mapagpipilian mo, pakitingnan ang aming Patakaran sa Cookie.
Bumuo at Pagandahin ang mga Feature, Algorithm, at Machine Learning Model
Tuloy-tuloy ang aming mga team sa pag-iisip ng mga bagong ideya para sa mga feature at mga paraan para mapaganda pa ang aming Mga Serbisyo. Para magawa ito, bumubuo at pinapaganda pa rin namin ang mga algorithm at machine learning model (isang expression ng algorithm na sinusuyod ang napakaraming data para mahanap ang mga pattern o gumawa ng mga paghula) na pinapagana ang aming mga feature at Mga Serbisyo, kasama ang sa pamamagitan ng mga generative AI feature (artificial intelligence na kayang gumawa ng mga text, larawan, o iba pang media gamit ang mga generative model. Natututunan ng mga Generative AI model ang ga pattern at estruktura ng kanilang input training data at pagkatapos ay gumagawa ng bagong data na may mga kaparehong katangian). Gumagamit kami ng mga algorithm at mga machine learning model para sa pag-personalize, advertising, kaligtasan at seguridad, pagiging pantay-pantay at inclusive, augmented reality, at para iwasan ang pang-aabuso o iba pang paglabag sa Terms of Service. Halimbawam, isinasaalang-alang ng aming mga algorithm at mga machine learning model ang mga usapan ng mga Snapchatter sa My AI para mapaganda ang mga tugon ng My AI.
Matutulungan kami ng impormasyon mo na magpasya kung anong uri ng mga pagpapahusay ang dapat naming gawin, pero palagi kaming nakatuon sa privacy—at hindi namin gustong gumamit ng personal na impormasyon mo nang higit pa sa kinakailangan para buuin ang aming mga feature at model.
Analytics
Para maunawaan kung ano ang binubuo o paano mapaganda pa ang aming Mga Serbisyo, kailangan naming maunawaan ang mga trend at demand para sa aming mga feature. Halimbawa, sinusubaybayan namin ang metadata at mga trend tungkol sa paggamit ng Group Chat para tumulong na magpasya kung dapat ba naming palita ang mga bahagi ng feature, gaya ng aximum size ng isang Group. Makakatulong sa amin ang pag-aaral ng data mula sa mga Snapchatter para makita ang mga trend sa mga paraan kung paano ginagamit ng mga tao ang Mga Serbisyo. Nakakatulong itong bigyan kami ng inspirasyon na mapaganda pa ang Snapchat sa mas malaking scale. Nagsasagawa kami ng analytics para matukoy, masubaybayan, at masuri ang mga trend at paggamit. Batay sa impormasyong ito, gagawa kami ng impromasyong tungkol sa aming mga user para tulungan kaming maunwaan ang demand.
Research
Nagsasagawa kami ng research para mas maunawan ang mga pangkalahatang interes ng consumer, mga trend, at kung paano mo ginagamit at paano ginagamit ng iba sa ating komunidad ang aming Mga Serbisyo. Tinutulungan kami ng impormasyong ito at ng analytics (gaya ng inilarawan namin sa taas) na mas maunawaan ang ating komunidad at kung paano iaangkop ang aming Mga Serbisyo sa buhay ng mga taong nasa komunidad natin. Nakikilahok din kami sa research and development para bumuo ng mga bagong technique at teknolohiya (hal. mga bagong machine learning model o hardware, gaya ng Spectacles). Ginagamit minsan ang mga resulta ng aming research sa mga feature sa Snapchat, at nagpa-publish kami paminsan-mnsan ng mga paper tungkol sa mga bagay gaya ng pangkalahatang gawi at trend ng consumer (na magkakaroon lang ng pinagsama-samang data sa lahat ng aming user base, at walang anumang partikular na pribadong impormasyon tungkol sa iyo).
Pagpapaghusay ng Kaligtasan at Seguridad ng Aming Mga Serbisyo
Ginagamit namin ang impormasyon mo para mapahusay ang kaligtasan at seguridad ng aming Mga Serbisyo, i-verify ang pagkakakilanlan ng Snapchatter, at iwasan ang panloloko o iba pang hindi awtorisado o ilegal na aktibidad. Halimbawa, nagbibigay kami ng two-factor authentication para tulungang protektahan ang account mo at makapagpafala sa iyo ng email o mga text message kapag may napansin kaming anumang kahina-hinalang aktibidad. Maaari rin naming i-scan ang mga URL na ipinadadala sa Snapchat upang makita kung pwedeng makapinsala ang webpage na iyon, at mabibigyan ka namin ng babala tungkol dito.
Pakikipag-ugnayan sa Iyo
Kung minsan, makikipag-ugnayan kami sa iyo para mag-promote ng mga bago o existing feature. Kasama rito ang pagpapadala ng mga komunikasyon ng mga Snapchatter sa pamamagitan ng Snapchat, email, text, o iba pang messaging platform, kung pinapayagan. Halimbawa, pwede naming gamitin ang Snapchat app, email, text, o iba pang messaging platforms para mag-share ng impormasyon tungkol sa aming Mga Serbisyo at promo offer na sa palagay namin ay magiging interesado ka.
Madalas, kailangan naming makipagkomunikasyon sa iyo para magbigay ng impormasyon, mga alero, o para magpadala ng mga message na hiniling ng mga user namin na ipadala sa iyo. Posibleng kasama rito ang pagpapadala ng mga komunikasyon sa pamamagitan ng Snapchat, email, text, o iba pang messaging platform, kung pinapayagan, para maghatid ng mga status update ng account, mga panseguridad na alerto, at Chat o paalala sa pag-friend; posibleng kasama rito ang pagtupad sa kahilingan ng aming mga user na magpadala ng mga imbitasyon o Snapchat content sa mga hindi Snapchatter.
Support
Kapag humingi ng tulong, gusto naming makakuha ka kaagad ng support. Para maibigay ang tulong na kailangan mo, ng komunidad ng Snapchatter, at ng aming mga business partner para lutasin ang mga isyu sa aming Mga Serbisyo, madalas na kailangan naming gamitin ang impormasyon na nakolekta namin para makatugon.
Ipatupad ang Aming Terms at Mga Patakaran
Ginagamit namin ang data na nakolekta namin para ipatupad ang aming Terms at ang batas. Kasama rito ang pagpapatupad, pagsisiyasat, at pagre-report ng gawi na lumalabag sa aming Terms, mga patakaran, o sa batasm na tumutugon sa mga kahilingan ng tagapagpatupad ng batas, at sumusunod sa mga legal na kinakailangan. Halimbawa, kapag may na-post na content na labag sa batas sa aming Mga Serbisyo, posibleng kailanganin naming ipatupad ang aming Terms at iba pang patakaran. Sa ilang sitwasyon, posible rin naming gamitin o i-share ang impormasyon mo para tumugon sa mga kahilingan ng tagapagpatupad ng batas, mag-escalate ng mga isyu sa kaligtasan sa tagapagpatupad ng batas, mga partner sa industriya, o sa iba pa, o para sumunod sa aming mga legal na pananagutan. Tingnan ang aming Transparency Report para alamin pa.