Snap Values

California

Inilabas: Oktubre 1, 2024

Na-update: Oktubre 1, 2024

Ulat ukol sa Mga Tuntunin ng Serbisyo (Bus. & Prof. Code, § 22677(a))

Dapat sumunod ang lahat ng Snapchatter sa aming Tuntunin ng Serbisyo, kabilang sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pag-moderate namin ng content at pagpapatupad sa aming mga polisiya, sumangguni sa aming Ulat ukol sa Mga Tuntunin ng Serbisyo sa California

Pahayag sa polisiya ukol sa ilegal na pamamahagi ng mga pinamamahalaang substance (Bus. & Prof. Code, § 22945(b)) 

Ang paggawa ng aming bahagi upang i-promote ang kaligtasan ng publiko at tulungang protektahan ang mga Snapchatter mula sa mga posibleng mapaminsala o ilegal na aktibidad ay isang responsibilidad na sineseryoso namin.


Aming polisiya ukol sa ilegal na pamamahagi ng mga pinamamahalaang substance

Ipinagbabawal ng aming Mga Alituntunin ng Komunidad ang paggamit sa Snapchat para sa anumang ilegal na aktibidad. Kabilang dito ang pag-promote, pag-facilitate, o pakikilahok sa kriminal na aktibidad, gaya ng pagbili, pagbebenta, pakikipagpalitan, o pag-facilitate ng pagbebenta ng mga ipinagbabawal o pinamamahalaang gamot. Para sa karagdagang konteksto patungkol sa aming polisiya sa Mga Ilegal o Pinamamahalaang Aktibidad, paki-review ang resource na ito.


Paano namin mino-moderate ang content at ipinapatupad ang aming polisiya

Aalisin ang content na lumalabag sa aming mga panuntunan laban sa Ilegal o mga Reguladong Aktibidad. Sa maraming pagkakataon, ang mga Snapchatter na nagbabahagi, nagpo-promote, o nagbibigay ng lumalabag na content ay makakatanggap ng babala na paunawa, at ang mga Snapchatter na paulit-ulit na lumalabag sa mga patakarang ito ay paghihigpitan ang pag-access sa kanilang account. Gayunpaman, may ilang partikular na ilegal na aktibidad na hindi namin pinahihintulutan, kabilang ang mga pagtatangkang magbenta, makipagpalitan o mag-facilitate ng pagbebenta ng mga mapanganib at ipinagbabawal na gamot. Kapag may natutukoy kaming mga Snapchatter na nakikilahok sa alinman sa mga aktibidad na ito, agad naming dini-disable ang kanilang mga account at, sa ilang pagkakataon, isinasangguni namin ang aksyon sa mga tagapagpatupad ng batas. 

Ang karagdagang konteksto patungkol sa pag-moderate namin ng content (sa prebentibo at reaktibong paraan) at pagpapatupad sa aming mga polisiya ay available dito at sa aming pinakabagong Ulat ukol sa Mga Tuntunin ng Serbisyo sa California.

Paano mag-ulat ng ilegal o mapaminsalang content o gawi sa Snapchat

Sa lahat ng surface ng aming produkto, magagawa ng mga Snapchatter na mag-ulat ng mga account at content kung may mga posibleng paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, kabilang ang ilegal o posibleng mapanganib na content o gawi. Ginagawa naming madali para sa Mga Snapchatter na mag-submit ng kumpidensyal na ulat direkta sa aming mga Trust at Safety team, na sinanay para i-evaluate ang mga ulat; gumawa ng akmang aksyon ayon sa aming mga patakaran, at abisuhan ang nag-ulat na partido ng kinalabasan––karaniwan sa loob ng ilang oras.

Puwedeng mag-ulat ang mga Snapchatter ng mga paglabag in-app o sa pamamagitan ng aming Site ng Suporta. Madali at kumpidensyal ding maiuulat ng mga magulang ng mga kabataang user (13-17 taong gulang) ang anumang alalahanin nang direkta sa aming mga Trust at Safety team sa pamamagitan ng aming Site ng Suporta o paggamit sa aming hanay ng tools sa Family Center. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pag-uulat ng ilegal o posibleng mapaminsalang content o gawi, pakibisita ang aming mga inilaang resource sa aming Safety Center o sa aming Site ng Suporta. Mada-download mo rin ang aming Mabilisang Gabay sa Pag-uulat sa Snapchat , at makakahanap ka ng mga karagdagang resource sa aming page na Tungkol sa Pag-uulat para sa Transparency.

Pampamahalaan at iba pang resource sa edukasyon ukol sa mental health at droga 

Nakikipagtulungan kami sa mga eksperto sa industriya at non-governmental agency para magbigay ng mga mapagkukunan at suporta sa mga Snapchatter na nangangailangan. Available ang mga resource na ito sa pamamagitan ng aming Safety Center. Kabilang dito ang sumusunod na resource sa edukasyon ukol sa mental health at droga mula sa pamahalaan ng U.S.: 


Substance Abuse and Mental Health Services Administration (SAMHSA)

National Helpline: 1-800-662-HELP (4357)

Ang National Helpline ng SAMHSA ay isang libre, kumpidensyal, 24/7 na serbisyo ng impormasyon at referral sa pagpapagamot para sa mga taong may kinakaharap na problema sa pag-iisip at/o paggamit ng substance. Available sa English at Spanish.

Nag-develop din kami ng dalawang in-app na portal ng edukasyon na tinatawag na Heads Up at Here for You. Ang Heads Up ay nag-aalok sa mga Snapchatter na naghahanap ng mga keyword na nauugnay sa droga sa Snapchat ng edukasyonal na content mula sa mga ekspertong organisasyon, gaya ng Song for Charlie, Shatterproof, SAMHSA, at ng Centers for Disease Control and Prevention. Gayundin, ang Here for You ay nagpapakita ng mga resource ukol sa kaligtasan mula sa mga lokal na eksperto kapag naghahanap ang mga Snapchatter ng ilang partikular na paksa, kabilang iyong mga nauugnay sa anxiety, depresyon, stress, pagluluksa, mga kaisipan ukol sa pagpapakamatay, at pambu-bully.


Pakikipagtulungan sa mga tagapagpatupad ng batas

Seryoso ang Snap sa pagtulong sa tagapagpatupad ng batas habang nirerespeto ang privacy at mga karapatan ng mga Snapchatter.

Sa oras na matanggap at maitatag namin ang pagiging tama ng legal na kahilingan para sa mga rekord ng Snapchat account mula sa mga tagapagpatupad ng batas, tutugon kami alinsunod sa naaangkop na batas at mga kinakailangan sa privacy. Dagdag pa rito, kapag may natukoy kaming mga Snapchatter na nagtatangkang magbenta, makipagpalitan o mag-facilitate ng pagbebenta ng mga mapanganib at ipinagbabawal na gamot, posible naming, sa ilang pagkakataon, isangguni ang aksyon sa mga tagapagpatupad ng batas. Sinisikap din naming prebentibong i-escalate sa mga tagapagpatupad ng batas ang anumang content na nagmimistulang kinasasangkutan ng nakaambang panganib sa buhay, at tumugon sa mga emerhensiyang kahilingan ng mga tagapagpatupad ng batas para sa paglalahad ng datos kapag may hinahawakang kaso ang tagapagpatupad ng batas na nauugnay sa nakaambang panganib sa buhay.

Bilang isang kumpanya sa U.S., hihilingin ng Snap mula sa nagpapatupad ng batas sa U.S. at mga ahensya ng pamahalaan na sundin ang batas sa U.S. upang ilahad ng Snap ang anumang tala ng account sa Snapchat. Ang aming kakayahang maglahad ng mga naka-store na tala ng account sa Snapchat ay pangkalahatang pinamamahalaan ng Stored Communications Act, 18 U.S.C. § 2701, et seq. 

Ang mga karagdagang impormasyong nauugnay sa mga kahilingan ng mga tagapagpatupad ng batas ay matatagpuan dito at sa aming Law Enforcement Guide.


Polisiya ukol sa Retention

Ang isang pangkalahatang paglalarawan sa aming polisiya ukol sa pagpapanatili ng elektronikong impormasyon sa pakikipag-ugnayan, kabilang ang tagal ng pagpapanatili namin sa impormasyong iyon, ay nakapaloob sa aming Patakaran sa Privacy (“Gaano Katagal Namin Pinapanatili ang Iyong Impormasyon”) at sa aming Site ng Suporta.


Mga Nakaraang Ulat ukol sa Mga Tuntunin ng Serbisyo sa California