Policy Center

Mga Guideline sa Content para sa Pagiging Kuwalipikado sa Rekomendasyon

In order to be eligible for algorithmic recommendation beyond the creator’s friends or subscribers (for example, on Stories, Spotlight, or the Map), Content must meet the additional, stricter standards described in the Content Guidelines on this page.

Saan nalalapat ang Content Guidelines na ito?

Ang Snapchat ay pangunahing isang visual messaging app na ginawa para tulungan ang mga taong makipag-ugnayan sa kanilang mga kapamilya at kaibigan. Pero may mga bahagi ng app kung saan posibleng mas malawak na audience ang maabot ng pampublikong content sa pamamagitan ng mga rekomendasyon na nakabatay sa algorithm; ang mga ganitong content ay tinutukoy bilang Inirerekomendang Content. Halimbawa:

  • Sa tab na Stories, maaaring tingnan ng Mga Snapchatter ang inirerekomendang content mula sa mga propesyonal na media partner at sikat na creator.

  • Sa Spotlight, maaaring mapanood ng Mga Snapchatter ang content na ginawa at isinumite ng aming komunidad.

  • Sa Map, makakakita ang mga Snapchatter ng mga event, breaking news at higit pa mula sa buong mundo.

Paano inilalapat ang Content Guidelines na ito?

Ipinapatupad namin ang Content Guidelines na ito sa paraang mino-moderate ng pinaghalong teknolohiya at pagsusuri ng tao. Nagbibigay rin kami ng mga in-app tool para maiulat ng mga Snapchatter ang content na sa palagay nila ay dapat tutulan. Mabilis kaming tumutugon sa mga ulat ng user, at ginagamit namin ang feedback para mapahusay ang karanasan sa content ng lahat ng Snapchatter.

Ang guidelines para sa pagiging kuwalipikado sa rekomendasyon sa Content Guidelines na ito ay patas na nalalapat sa content mula sa anumang source, maging sa partner man, indibidwal na creator, o anumang uri ng organisasyon.

Paglalaan ng mga Karapatan ng Snap

Nakalaan sa amin ang karapatang ilapat ang Content Guidelines na ito sa aming pagpapasya at magsagawa ng anumang pagkilos para ipatupad ang mga ito, na posibleng kinabibilangan ng pag-aalis, paglimita sa pamamahagi, pagsuspinde, paglimita sa promotion o paghihigpit sa content mo batay sa edad, bukod sa iba pang bagay.

Ang mga Creator o Partner na lalabag sa aming Community Guidelines o Terms of Service ay ituturing na lumalabag sa Content Guidelines na ito.

Dagdag pa rito, dapat na sumusunod ang lahat ng content sa naaangkop na batas saanman ito ipinamamahagi at sa terms ng kasunduan sa content sa iyo. Kung pinaniniwalaan naming nilabag ang nabanggit, nakalaan sa amin ang lahat ng karapatang alisin ang nakaka-offend na content.

Pag-personalize at Sensitibong Content

Kumakatawan ang Mga Snapchatter ng magkakaibang range ng edad, kultura, at paniniwala, at gusto naming magbigay ng ligtas, masigla, at makabuluhang karanasan sa lahat ng user, kabilang iyong mga batang nasa 13 taong gulang. Sa pagkilalang maraming Snapchatter ang maaaring makakita ng content nang hindi aktibong pinipiling gawin ito, idinisenyo namin ang guidelines na ito para protektahan ang Mga Snapchatter mula sa mga karanasang maaaring hindi angkop o hindi gusto.

Sa grupo ng Inirerekomendang Content, nagsusumikap kaming i-personalize ang mga rekomendasyon, lalo na sa tinatawag naming “Sensitibong” content. Halimbawa, ang Sensitibong content ay posibleng:

  • Nagpapakita ng mga paggamot sa acne na posibleng mukhang nakakadiri sa ilang Snapchatter, habang posible namang nakakatulong o nakakaaliw ito para sa iba; o kaya

  • Magtampok ng mga taong naka-swimwear sa paraang posibleng magmistulang sekswal na nanghihimok, depende sa konteksto o sa nanonood.

Bagama't kuwalipikadong irekomenda ang ilang Sensitibong Content, posible naming iwasang irekomenda ito sa ilang Snapchatter batay sa kanilang edad, lokasyon, mga preference, o iba pang pamantayan. Pakitandaan na ang pamantayan sa pagiging Sensitibo sa Content Guidelines na ito ay hindi kumpletong listahan ng mga halimbawa. Posibleng paghigpitan o tanggihan naming magrekomenda ng anumang content batay sa history ng pag-moderate, feedback ng user, mga signal ng pakikipag-ugnayan, o sarili naming editoryal na pagpapasya.

Susunod:

Pagiging Kuwalipikado sa Rekomendasyon

Read Next