Mga Tagubilin sa Pag-access ng Data ng Researcher

Kung researcher kang may mga hindi komersyal na layunin, at gustong mag-request ng access sa data ng Snap na available sa publiko alinsunod sa Digital Services Act (DSA), maaari mong i-submit ang request mo sa pananaliksik sa DSA-Researcher-Access[at]snapchat.com gamit ang sumusunod na impormasyon:

  • Ang pangalan mo at ang pangalan ng kaanib na organisasyon ng pananaliksik

  • Detalyadong paglalarawan ng data na gusto mong i-access 

  • Detalyadong paglalarawan ng layunin kung saan nagre-request ka ng data

  • Detalyadong paglalarawan ng mga planadong aktibidad sa pananaliksik at pamamaraan

  • Mga detalye sa mga pinagmulan ng pagpopondo para sa pananaliksik na isinasagawa mo

  • Kumpirmasyong para sa mga hindi komersyal na layunin ang pananaliksik mo

  • Mga detalye sa timeframe ng hiniling na data

Kapag natanggap, susuriin namin ang request mo para sa pagiging karapat-dapat at pagsunod sa mga batas, at babalikan ka.