Pangkalahatang Ideya
Walang lugar sa Snapchat ang bullying at pangha-harass. Ang mga ganitong uri ng pinsala ay maaaring magkaroon ng maraming anyo, kaya pinagsama namin ang aming paraan sa patakaran sa mga pag-iingat ng produkto at mga resource sa mga user upang matugunan ang mga panganib na ito sa isang dynamic at multifaceted na paraan.
Bilang baseline, pinoprotektahan ng aming mga patakaran ang lahat ng miyembro ng aming komunidad mula sa mapanlait, mapanirang-puri, o content at pagsulong na may diskriminasyon. Ipinagbabawal din ang pagbabahagi ng pribadong impormasyon o mga Snap ng mga tao nang hindi nila alam o walang pahintulot nila.
Bilang karagdagan sa patuloy na pagpapatupad ng mga patakarang ito, ginagamit namin ang aming disenyo ng produkto upang makatulong na limitahan ang mapaminsalang gawi na maaaring lumalabag sa mga panuntunang ito. Kasama rito ang mga default na setting na kailangang tanggapin ng parehong magkaibigan ang koneksyon bago sila makapagpadala ng mensahe sa isa't isa, at pagbibigay ng notice sa mga user kapag kinukuhan ng mga screenshot ang mga pribadong Snap, message, at profile.
Sa pamamagitan ng aming mga feature sa Here for You, tinutulungan naming matiyak na may access ang mga user sa mga in-app na resource at impormasyon para makatulong na makilala at matugunan ang pangbu-bully at pangha-harass. Nagbibigay rin kami ng mga tool para tiyakin na madaling maire-report ang anuman lumalabag na gawi sa Snapchat.
Ipinagbabawal namin ang anumang uri ng pangbu-bully o pangha-harass. Ang pagbabawal na ito ay umaabot sa lahat ng anyo ng seksuwal na pangha-harass, kabilang ang pagpapadala ng tahasang seksuwal o hubad na mga larawan sa ibang mga user. Kapag may taong nag-block sa iyo, hindi ka maaaring makipag-ugnayan sa kanya mula sa ibang account.
Hindi pinapayagan ang pagbabahagi ng pribadong impormasyon o mga Snap ng ibang tao sa pribadong lugar — gaya ng banyo, kwarto, locker room o medikal na pasilidad — nang hindi nila nalalaman o walang pahintulot.
Kung may taong napasama sa Snap mo at hiniling niyang tanggalin ito, pakitanggal iyon! Igalang ang karapatan sa privacy ng iba.