Pangkalahatang Ideya
Ang kaligtasan at kagalingan ng aming komunidad ay isang pangunahing priyoridad sa Snapchat, at sineseryoso namin ang lahat ng pagkakataon ng mga banta, karahasan, at pinsala. Hindi namin pinapayagan ang content na naghihikayat, nagbabanta, o grapikal na naglalarawan ng marahas o mapanganib na pag-uugali, o content na pumupuri o naghihikayat sa pananakit sa sarili. Ang mga napipintong banta sa buhay ng tao ay maaaring i-refer sa tagapagpatupad ng batas.
Bagama't nakakatulong ang aming mga patakaran at mga kasanayan sa pagmo-moderate na matiyak na ligtas ang aming platform para sa lahat ng user, aktibo rin kaming namumuhunan para sa mga feature at mga resource upang makatulong na suportahan ang kapakanan ng aming komunidad. Hinihikayat namin ang mga Snapchatter na mag-ulat ng content na nagsasaad ng pananakit sa sarili o emosyonal na pagkabalisa para makapagpadala ang aming mga team ng mga resource na maaaring makatulong at potensyal na i-alerto ang mga emergency health responder.
Ang paghihikayat o pagsali sa marahas o mapanganib na gawi ay ipinagbabawal. Huwag kailanman takutin o pagbantaan na saktan ang isang tao, grupo ng mga tao, o ari-arian ng isang tao.
Hindi pinapayagan ang mga Snap ng hindi naaangkop o matinding karahasan, kabilang ang pang-aabuso ng hayop.
Hindi namin pinapayagan ang pagpuri sa pananakit sa sarili, kabilang ang pagsusulong ng pagdudulot ng pinsala sa sarili, pagpapatiwakal, o mga eating disorder