Abril 25, 2024
Abril 25, 2024
Upang magbigay ng mas madaming kaalaman tungkol sa pagsisikap ng Snapchat na maging ligtas at ang klase at dami ng content na inire-report sa aming plataporma, inilalathala namin ang transparency report na ito nang dalawang beses isang taon. Kami ay nananagutan na magpatuloy na maging komprehensibo ang mga ulat na ito at nagbibigay ng impormasyon para sa kaligtasan at kapakanan ng aming komunidad, at ang maraming stakeholders na labis na nagmamalasakit tungkol sa aming content moderation at mga ginagawa para ipatupad ang batas.
Sinasaklaw ng Transparency Report na ito ang ikalawang kalahati ng 2023 (Hulyo 1 - Disyembre 31). Tulad ng aming mga nakaraang ulat, nagbabahagi kami ng data tungkol sa pandaigdigang bilang ng in-app na content at mga ulat sa antas ng account na aming natanggap at ipinatupad sa mga partikular na kategorya ng mga paglabag sa patakaran; kung paano kami tumugon sa mga kahilingan mula sa tagapagpatupad ng batas at mga gobyerno; at ang aming mga aksyon sa pagpapatupad ay pinaghiw
a-hiwalay ayon sa bansa. Bilang bahagi ng aming patuloy na pangako na patuloy na pahusayin ang aming mga ulat sa transparency, nagpapakilala kami ng ilang bagong elemento kasama ng release na ito.
Una, pinalawak namin ang aming pangunahing table para isama ang mga ulat at pagpapatupad laban sa content at accounts na konektado sa parehong Terorismo & Bayolenteng Esktremismo at Child Sexual Exploitation & Abuse (CSEA). Sa nakaraang mga ulat, hinighlight namin ang pagtanggal sa mga account bilang tugon sa mga paglabag sa magkakahiwalay na mga seksyon. Patuloy naming sasabiin ang aming mga gagawin para agapan at tumugon laban sa CSEA, at pati na rin ang aming mga ulat sa NCMEC, sa nakahiwalay na seksyon.
Pangalawa, nagbigay kami ng pinalawak na impormasyon tungkol sa mga apela, ipinapakita ang kabuuang mga apela at reinstatements ng Community Guidelines enforcements.
Panghuli, pinalawak namin ang aming European Union section, na nagbibigay ng mas madaming kaalaman tungkol sa mga ginagawa ng Snap EU. Sa partikular, inilalathala namin ang pinakahuling DSA Transparency Report at dagdag na metrics tungkol sa aming CSEA media scanning.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming mga patakaran para sa paglaban sa mga pinsala online, at planong magpatuloy sa pag-evolve sa aming mga kasanayan sa pag-uulat, pakibasa ang aming kamakailang blog sa Kaligtasan at Impact tungkol sa ulat sa transparency na ito. Para maghanap ng karagdagang mga resource para sa kaligtasan at privacy sa Snapchat, tingnan ang aming Tungkol sa Pag-uulat sa Transparecy na tab sa ibaba ng pahina.
Pakitandaan na ang pinaka-up-to-date na bersyon ng Transparency Report na ito ay matatagpuan sa en-US locale.
Pangkalahatang-ideya ng mga Paglabag sa Content at Account
Mula Hulyo 1 - Disyembre 31, 2023, ipinatupad ng Snap laban sa 5,376,714 na mga piraso ng content sa buong mundo na ini-report sa amin at lumabag sa aming Community Guidelines.
Sa panahon ng pag-uulat, nakakita kami ng Violative View Rate (VVR) na 0.01 porsyento, na nangangahulugang sa bawat 10,000 na nakikitang Snap at Story sa Snapchat, 1 ang may nilalaman na lumalabag sa aming mga patakaran. Ang median turnaround time para bigyang bisa ang ini-report na content ~10 na minuto.
Pagsusuri ng Content at mga Paglabag sa Account
Ang aming pangkalahatang reporting at enforcement rates ay nanatiling katulad sa mga nakaraang siyam na buwan. Sa cycle na ito, nakakita kami ng 10% pagtaas sa kabuuang content at account reports.
Ang Israel-Hamas na paglalaban ay nagsimula sa panahong ito, at bilang resulta, nakakita kami ng pagtaas sa lumalabag na content. Ang kabuuang mga report na may kinalaman sa hate speech ay tumaas nang ~61%, habang ang kabuuang content enforcements ng hate speech ay tumaas nang ~97% at ang unique account enforcements ay tumaas nang ~124%. Ang mga report tungkol sa Terorismo & Bayolenteng Ekstremismo ay tumaas din, kahit na bumubuo lamang ito sa <0.1% ng kabuuang content enforcements ng aming plataporma. Ang aming Trust & Safety teams ay patuloy na mananatiling mapagmatyag habang tumataas ang labanan sa buong mundo para mapanatiling ligtas ang Snapchat. Pinalawak din namin ang aming transparency report para isama ang mas maraming impormasyon sa antas ng buong mundo at sa bansa tungkol sa kabuuang reports, content enforced, at unique accounts enforced para sa mga paglabag sa aming polisiya tungkol sa Terorismo & Bayolenteng Ekstremismo.