Nalalapat ang Policies sa Advertising na ito sa lahat ng aspekto ng mga advertisement (“mga ad”) na inihahatid ng Snap––kabilang ang anumang mga creative na elemento, landing page, o iba pang nauugnay na bahagi ng mga ad mismo––at may pananagutan ka sa pagtiyak na sumusunod ang lahat ng ad.
Kinakailangan din na sumunod ang mga advertiser sa Terms of Service at Community Guidelines ng Snap, at lahat ng iba pang patakaran ng Snap na namamahala sa paggamit ng aming Mga Serbisyo. Maaari naming i-update ang aming mga term, patakaran, at guideline paminsan-minsan, kaya mangyaring tingnan at i-review ang mga ito nang regular.
Sumasailalim sa aming pagsusuri at pag-apruba ang lahat ng ad. Nakalaan sa amin ang karapatang tanggihan o alisin ang anumang ad ayon sa sarili naming pagpapasya para sa anumang dahilan, kabilang ang bilang pagtugon sa user feedback, na lubos naming pinapahalagahan. Inilalaan din namin ang karapatang mag-request ng mga pagbabago sa anumang ad, humiling ng makatotohanang pagpapatunay para sa anumang paghahabol na ginawa sa isang ad, o humiling ng mga dokumentong nagpapatunay na may hawak kang anumang lisensya o awtorisasyon na maaaring kailanganin kaugnay ng iyong ad.
Maaaring suspindihin o tanggalin ng Snap ang mga account na nauugnay sa mga negosyo o indibidwal na lumalabag sa aming Mga Patakaran sa Advertising.
Maaaring mag-share ang mga Snapchatter ng mga ad sa iba o mag-save ng mga ad sa kanilang mga device. Maaari nilang gamitin ang anumang tools at features na gagawin naming available sa Snapchat para magamit sa captions, drawings, filters, o iba pang malikhaing elemento sa ad, o kung magpapatakbo ka ng ads sa Audience Network, maaari nilang gamitin ang anumang tools at features na ginawang available kung saan pinatatakbo ang ad. Ang mga ads na nakatarget batay sa edad ay maaaring i-share sa loob ng Snapchat sa mga Snapchatter anuman ang edad. Para malaman kung maaari mong limitahan ang pag-share ng ad at pag-save ng ad para sa mga ad mo sa loob ng Snapchat, makipag-ugnayan sa kinatawan ng iyong account o bisitahin ang aming Business Help Center.
Maaari kaming mag-publish ng impormasyong nauugnay sa mga ad (kabilang ang creative, targeting, entity na nagbabayad, impormasyon sa pakikipag-ugnayan, at ang presyong binayaran para sa mga ad na iyon), o i-share ang impormasyong iyon sa mga third party, kabilang ang: (a) aming mga partner sa media kapag gumagana ang mga ad sa content na may kinalaman sa mga partner sa media na iyon; at (b) mga third party na pinili mong gamitin ang mga produkto o serbisyo na may kaugnayan sa mga ad.
Katulad ng binanggit namin sa aming Terms of Service,kung gumagamit ka ng serbisyo, feature, o functionality na pinapatakbo ng isang third party at ginawang available sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo (kabilang ang Mga Serbisyo na magkasama naming inaalok ng third party), pamamahalaan ng Terms ng bawat party ang relasyon ng kani-kanilang party sa iyo. Hindi responsable o walang pananagutan ang Snap at mga affiliate nito para sa terms o mga aksyon ng isang third party.