Mga Pagkukuhanan ng Kaligtasan at Suporta
Nakikipagtulungan kami sa mga eksperto sa industriya at non-governmental agency para magbigay ng mga mapagkukunan at suporta sa mga Snapchatter na nangangailangan. Narito ang ilang mga mapagkukuhanan na maaaring makatulong sa'yo o sa sinumang kilala mong nangangailangan ng suporta o gusto lang mag-chat!
Maaari mo ring tingnan ang aming Here For You search tool na nagpapakita ng mga sanggunian mula sa mga ekspertong naisalokal na partner kapag naghanap ka ng mga partikular na paksang nauugnay sa mental health, anxiety, depression, stress, pag-iisip na magpakamatay, pagluluksa at pambu-bully.
Mayroon din kaming ginawang pahina na nakatuon sa mga panganib at pinsalang sekswal, sa pagsisikap na suportahan ang mga nakakaranas nito. Doon, matatagpuan mo ang listahan na pandaigdigang support resources.
MindUP (Global; Main offices sa US, UK, at CA)
Sinusuportahan ng MindUP ang mga batang may edad na 3 hanggang 14 sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga tool at kaalaman para makontrol ang stress at magpakahusay sa pag-aaral habang nananatiling positibo ang pananaw, matibay, at may pakialam.
Mga mapagkukunan para sa Hilagang Amerika
United States (US) 🇺🇸
Ang 988 Suicide & Crisis Lifeline
Tumawag o mag-text sa 988 o mag-chat sa 988lifeline.org
Ang National Suicide Prevention ay nagbibigay ng libre at kumpidensyal na emosyonal na suporta sa mga taong nasa krisis sa pagpapakamatay o emosyonal na pagkabalisa 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, sa buong Estados Unidos.
Substance Abuse and Mental Health Services Administration
National Helpline: 1-800-662-HELP (4357)
Ang National Helpline ng SAMHSA ay isang libre, kumpidensyal, 24/7 na serbisyo ng impormasyon at referral sa paggamot para sa mga nahaharap sa mga sakit sa pag-iisip at/o paggamit ng sangkap. Available sa English at Spanish.
Veteran Crisis Line (para sa mga aktibong U.S. service members, veterans, at mga kapamilya)
Tumawag sa 1 800 273 8255 or SMS: 838 255
Ang Veterans Crisis Line ay libre at kumpidensyal na malalapitan ng kahit na sino, kahit hindi ka rehistrato sa VA o naka-enroll sa VA health care.
National Alliance on Mental Illness
Tumawag sa 1 800 950 6264 o SMS: I-text ang NAMI sa 741741
Ang NAMI ay nagbibigay ng adbokasiya, edukasyon, at kamalayang pampubliko upang magkaroon ng mas maayos na buhay ang lahat ng indibidwal at pamilyang apektado ng sakit sa pag-iisip.
Active Minds
Ang Active Minds ay ang pangunahing organisasyong nonprofit ng bansa na sumusuporta sa mental health awareness at education ng mga kabataan. Kabilang sa ilan sa makatutulong na pahina ang,
Anxiety and Depression Association of America
Tumawag sa 240 485 1001
Ang (ADAA) ay isang international nonprofit organization na nakatuon sa prebensyon, paggagamot, at pagbibigay-lunas sa anxiety, depression, OCD, PTSD, at mga kasabay na disorder sa pamamagitan ng edukasyon, pagsasanay, at pananaliksik.
National Eating Disorders Association
Tumawag sa 800 931 2237
Ang National Eating Disorders Association (NEDA) ay nakatuon sa pagsuporta sa mga indibidwal at pamilyang apektado ng mga karamdaman sa pagkain. Sinusuportahan ng NEDA ang mga indibidwal at pamilyang apektado ng mga karamdaman sa pagkain, at nagsisilbi bilang katalista sa pag-iwas, pagpapagaling at pag-abot sa de-kalidad na pangangalaga.
Trans Lifeline
Tumawag sa 877 565 8860
Ang Trans Lifeline ay isang organisasyong pinamumunuan ng mga trans na nag-uugnay sa mga taong trans sa komunidad, suporta, at mga rekursong kailangan nila para mabuhay at umunlad.
Hopeline
Tumawag sa 1 877 235 4525
Ang Hopeline ay nakatuon sa mga teknik sa aktibong pakikinig para mag-alok ng mapag-aruga at hindi nanghuhusgang pakikinig sa mga caller nila. Hindi sila nagbibigay ng payo sa mga linya kundi nagbibigay sila ng mga referral sa ibang mga organisasyon
Canada (CA) 🇨🇦
Canada Suicide Prevention Services (CSPS)
Tumawag sa 1 833 456 4566
Ang Crisis Services Canada (CSC) ay nagbibigay ng pagpigil sa pagpapakamatay at suporta sa mamamayan ng Canada.
Youthspace (Online na crisis at emotional support chat. Chats are confidential and anonymous.)
SMS: 778 783 0177
Ang Youthspace.ca ay isang online na krisis at emosyonal na support chat. Nakikinig kami nang hindi nanghuhusga, at pinananatili naming kumpidensyal at anonymous ang mga chat.
Suicide Action Montreal
Tumawag sa 1 866 APPELLE (277-3553)
Ang misyon ng Suicide Action Montréal ay pigilan ang pagpapakamatay at mga epekto nito sa pamamagitan ng pagtitiyak ng akses sa mga dekalidad na serbisyo para sa mga taong suicidal, kanilang mga pamilya, at mga nakapalibot sa kanila. Dagdag pa rito, nagtitiwala ang SAM sa pangako at pagpapaunlad ng kasanayan ng mga indibidwal at organisasyon sa komunidad.
Hope for Wellness Helpline
Tumawag sa 1 855 242 3310
Tawagan ang toll free helpline 24 na oras kada araw, 7 araw kada linggo o mag-chat online. Available ang tawag at chat sa wikang Ingles at French, at kapag hiniling ay available rin sa Cree, Ojibway, at Inuktitut.
Amelia Rising
Tumawag sa 705 476 3355
Ang Amelia Rising Sexual Violence Support Centre ay nagbibigay ng libre, at lubos na kumpidensyal na suporta para sa mga taong may edad na 12 taong gulang at higit pa na nakaranas ng karahasang sekswal o karahasang nakabatay sa kasarian.
Crisis Text Line
SMS: Mag-text ng HOME sa 686868
Ang Crisis Text Line powered by Kids Help Phone ay isang serbisyong pagtutulungan ng Kids Help Phone at technology pioneer Crisis Text Line, na nagbibigay sa mga kabataan ng Canada ng pinakaunang 24/7 na libreng serbisyong pagte-text sa buong bansa.
Mga mapagkukunan para sa Europa
Austria (AT) 🇦🇹
Rat auf Draht
Tumawag sa 147
Ang Rat auf Draht ay nagbibigay ng payo sa mga bata at teenager anumang oras - na anonymous - nang libre.
TelefonSeelsorge
Tumawag sa 142
Ang Telefon Seelsorge ay nag-aalok ng suporta sa mga sitwasyon ng krisis. Sa ilalim ng numero ng emergency 142 maaari mo kaming maabot 24 oras kada araw nang libre.
Belgium (BE) 🇧🇪
Zelfmoord 1813
Tumawag sa 1813
Ang Center For Suicide Prevention ay isang non-profit organization na inilaan para wakasan ang pagpapakamatay. Nagbibigay ang organisasyon ng hotline sa pagpapakamatay pati na rin ng komprehensibong serbisyo sa pananaliksik.
Child Focus
Tumawag sa 116 000
Ang Child Focus ay nagbibigay ng anonymous na 24/7 hotline para mag-ulat ng mga nawawalang bata at sekswal na pagsasamantala sa mga menor-de-edad.
Croatia (HR) 🇭🇷
HRABRI Telefon
Tumawag sa 0800 0800
(para sa matatanda) o 116 111 (para sa mga kabataan) Help and Support for Children and Parents - The Brave Phone for Children 116 111; Isang matapang na telepono para sa mga nanay at tatay 0800 0800. Chat at email.
Denmark (DK) 🇩🇰
Livslinien
Tumawag sa 70 201 201
Ang Livslinien ay isang hotline ng pagpapayo para sa pagpapatiwakal na nagbibigay ng mga propesyonal na konsultasyon at tulong na naglalayong bawasan ang pagtatangkang magpatiwakal.
BørneTelefonen
Tumawag sa 116 111
Ang Children's Phone ay ang linya ng mga bata para sa pagpapayo, pakikiramay, o ng simpleng nasa hustong gulang na may panahon para makinig.
Estonia (EE) 🇪🇪
Eluliin
Tumawag sa 655 8088
Ang Life Line as a Relief Center ay itinayo sa ilalim ng pamumuno ni Airi Värnik, Direktor ng Estonian-Swedish Institute of Suicidology. Nagbibigay ng emosyonal na suporta para sa mga taong single, malungkot, nakakaranas ng depresyon at / o nanganganib na magpatiwakal.
Finland (FI) 🇫🇮
Suomen Mielenterveysry
Tumawag sa 09 2525 0111
Ang MIELI The Finnish Mental Health Association ay isang pampublikong health and non-governmental organization. Itinataguyod ng club ang kalusugan ng pag-iisip sa Finland at gumagawa ng pagsisikap sa pag-iingat sa kalusugan ng pag-iisip.
France (FR) 🇫🇷
E-Enfance
Tumawag sa 3018
Ang bagong pambansang numero laban sa digital violence, na libre para sa mga bata at nagbibinata at nagdadalagang kumakaharap sa mga problemang nauugnay sa kanilang digital use-- 100% anonymous libre at kumpidensyal.
Suicide Écoute
Tumawag sa 01 45 39 40 00
Ang Suicide Ecoute ay tumutulong sa mga taong nakakaisip na wakasan ang kanilang buhay o doon sa mga nagdesisyon nang gawin ito. Hinahayaan ng Suicide Ecoute ang lahat, sa lubos na anonymity, na ipahayag ang kanilang pagdurusa.
SOS Suicide Phénix
Tumawag sa 01 40 44 46 45
Ang SOS Suicide Phoenix France Federation ay may layunin na PIGILAN ang pagpapakamatay at ITAGUYOD ang mga aksyon sa pag-iwas kasama ng mga taga-aksyon sa larangan ng mediko-sosyal.
Germany (DE) 🇩🇪
TelefonSeelsorge
Tumawag sa 0800 111 0 111 o sa 0800 111 0 222
Ang Telefonseelsorge ay isang organisasyon ng mga boluntaryo na binubuo ng mahigit 8,000 empleyadong boluntaryo na tumutulong magpayo sa sinumang nangangailangan ng suporta sa kalusugan ng pag-iisip sa pamamagitan ng telepono, chat, email, at personal na pagpapayo buong araw.
Nummer gegen Kummer
Tumawag sa 116 111
Ang Nummer gegen Kummer eV (NgK) ay ang punong organisasyon ng pinakamalaking serbisyo ng pagpapayo sa telepono para sa mga bata, kabataan at magulang sa buong Germany.
Greece (GR) 🇬🇷
Hamogelo
Tumawag sa 1056
Ang “The Smile of the Child” ay isang nakarehistrong NGO, itinatag noong 1995 ng 10 taong gulang na si Andreas Yannopoulos para ipagtanggol ang karapatan ng mga bata. Para sa mga kabataang mas mababa sa 18 taong gulang.
Ireland (IE) 🇮🇪
Pieta House
Tumawag sa 1 800 247 247 o SMS: Mag-text ng HELP sa 51444
Ang Pieta ay nagbibigay ng libreng therapy sa mga nasasangkot sa pananakit ng sarili, nakakaisip na magpakamatay, o nagluluksa dahil sa pagpapakamatay.
Belong To
Tumawag sa 01 670 6223
Tinatanaw ng Belong To ang isang mundo kung saan ang mga kabataang LGBTI+ ay pantay, ligtas, at pinahahalagahan sa pagkakaiba-iba ng kanilang mga pagkakakilanlan at karanasan.
Jigsaw — The National Centre for Youth Mental Health
Tumawag sa 353 1 472 7010
Ang Jigsaw ay isang charitable organization na sumusuporta sa mental health ng mga kabataan sa pamamagitan ng mentorship, pananaliksik, edukasyon at pagsasanay.
ReachOut Ireland
Ang ReachOut Ireland ay isang tagapagbigay ng serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip online na nagbibigay sa mga kabataang may isyu sa kalusugan ng pag-iisip na maakses ang impormasyon at mga praktikal na tool.
Italy (IT) 🇮🇹
Telefono Amico
Tumawag sa 199 284 284
Ang Telefono Amico ay isang volunteer organization na nakatuon sa pakikinig sa kahit na sinong nag-iisa, namimighati, nalulungkot, hindi mapakali, o galit.
Lithuania (LT) 🇱🇹
Lithuanian Association of Emotional Support Lines
Misyon ng LEPTA na magbigay ng libre, madaling maabot, anonymous na emosyonal na suporta sa kritikal na panahon, para mabawasan ang emosyonal na sakit ng isang tao, para makatulong na mapaglabanan at mapagtagumpayan ang mga kahirapan.
Jaunimo Linija
Tumawag sa 8 800 28888
Ang Jaunimo Linija ay nag-aalok ng suporta sa tawag, sulat, o online chat para sa mga nangangailangan. Lahat ng sabihin ninyo sa kanila ay mananatiling nasa pagitan ninyo at ng Youth Line.
Luxembourg (LU) 🇱🇺
Kanner-Jugendtelefon
Tumawag sa 116 111
Ang aksyon ng KJT ay pagbibigay ng mapagkukunan sa mga bata, kabataan at magulang sa pamamagitan ng pag-aalok sa kanila ng pakikinig at tulong na madaling maakses at na walang mga hadlang.
BEE SECURE
Ang BEE SECURE ay ang Safer Internet Center ng Luxembourg. Nagbibigay ng mapagkukunan sa pamamagitan ng mga balita, factsheet, kaganapan at tip para manatiling ligtas sa Internet!
Mauritius (MU) 🇲🇺
Befrienders Mauritius
Tumawag sa 230 800 93 93
Ang Befrienders Worldwide centres ay nagbibigay ng bukas na espasyo para sa mga nahihirapan para makipag-usap at mapakinggan. Ito ay sa pamamagitan ng mga helpline sa telepono, text messaging, harap-harapang interaksyon, internet chat, mga outreach at lokal na pagtutulungan.
Netherlands (NL) 🇳🇱
113 Suicide Prevention
Tumawag sa 0900 0113
Ang Foundation 113 ay ang pambansang organisasyon para pigilan ang pagpapakamatay. Layunin ng organisasyon na magsikap tungo sa isang bansang walang namamatay nang malungkot at nababagabag dahil sa pagpapakamatay.
MiNd Netherlands
Tumawag sa 088 554 32 22
Ang MiND ay ang pambansang hotline ng The Netherlands para sa ilegal, mapang-aping pahayag sa internet. Itinatag ang hotline noong 2013.
Norway (NO) 🇳🇴
Kirkens SOS
Tumawag sa 22 40 00 40
Ang Kirkens SOS ay isang relihiyosong organisasyong naghahanap na mapagaan ang emosyonal na kaguluhan at maiwasan ang pagpapakamatay sa pamamagitan ng 24-oras na suporta sa telepono, text, at instant message.
Mental Helse Hjelpetelefonen
Tumawag sa 116 123
Nagsisikap ang Mental Health para sa dagdag na pagiging bukas, pag-iwas sa mga problema sa kalusugan ng pag-iisip at mas mahusay na pangangalaga sa kalusugan. Mayroong karanasan at kaalaman ang mga user at kamag-anak tungkol sa kalusugan ng pag-iisip na nais naming maiparating sa mga pampublikong awtoridad, propesyonal na komunidad, organisasyon at indibidwal.
Poland (PL) 🇵🇱
Telefon Zaufania dla Dzieci i Młodzieży
Tumawag sa 116 111
Kami ay isang grupo ng mga taong tumutulong para makayanan ang mahihirap na sitwasyon. Maaari mong sabihin sa amin kung anong pinagdaraanan mo.
Portugal (PT) 🇵🇹
SOS VOZ AMIGA
Tumawag sa 808 237 327 or 210 027 159
Nakakatanggap kami ng mga tawag mula sa mga tao para harapin ang mga problema na dulot ng pag-iisa, sakit, mga nasirang relasyong pampamilya, pagkaadik sa droga, pang-aabuso at iba't ibang emosyonal na sitwasyon. Sa aming support line, hindi kami nanghuhusga. Sa isang anonymous at kumpidensyal na paraan, ibinibigay namin ang tainga bilang balikat. Kung kailangan mo, huwag magdalawang isip. Tawagan kami. Nagmamalasakit kami!
Romania (RO) 🇷🇴
Alianţa Română de Prevenţie a Suicidului
Tumawag sa 0800 801 200
Ang Romanian Suicide Prevention Alliance (ARPS) ay isang non-profit na organisasyon, na itinatag na may layunin ng pagpapanatili at pagtataguyod ng kalidad ng buhay sa pag-iwas sa pagpapakamatay.
Serbia (RS) 🇷🇸
Centar Srce
Tumawag sa 0800 300 303
Ang misyon ng Center ay mag-alok ng emosyonal na suporta sa mga taong nasa krisis at pigilan ang pagpapakamatay sa pamamagitan ng telepono, e-mail at chat. Tingin namin, kaya naming mapagaan ang nararamdamang paghihirap ng isang tao at bawasan ang kasidhian ang pakiramdam ng pagpapakamatay.
Slovakia (SK) 🇸🇰
Linka Detskej Istoty
Tumawag sa 116 000
Tulungan ang mga bata at kabataang humingi ng tulong kung kinakailangan. Ang Line phone ay magagamit 24 na oras kada araw, 365 araw kada taon.
Slovenia (SI) 🇸🇮
Enska Svetovalnica – Krizni Center
Tumawag sa 031 233 211
Ang Women's Counseling Society ay isang public interest humanitarian organization na aktibo sa larangan ng psychosocial assistance at self-help para sa mga kababaihang biktima ng pananakit.
TOM – Telefon Za Otroke in Mladostnike
Tumawag sa 116 111
Ang TOM ay isang telepono para sa mga bata at nagbibinata at nagdadalaga na gumagana sa balangkas ng Friends of Youth Association of Slovenia (ZPMS).
Društvo Zaupni telefon Samarijan
Tumawag sa 116 123
Ang misyon ng Society ay maging available sa indibidwal para makausap kapag nababalisa anumang oras at araw, sa lahat ng araw ng taon, kabilang ang mga weekend at pista-opisyal, sa dalawang telepono nang sabay.
Spain (ES) 🇪🇸
Teléfono de la Esperanza
Tumawag sa 717 003 717
Ang Telefono de la Esperanza ay isang panlipunang organisasyon na nagtataguyod ng kalusugan ng emosyon ng mga taong nasa mga sitwasyon ng krisis sa mundo ng mga nagsasalita ng Spanish-Portuguese nang may agaran, libreng pamamagitan sa krisis.
Internet Segura for Kids
Tumawag sa 017
Ang Safe Internet for Kids (IS4K) ay ang Internet Safety Center para sa mga menor de edad sa Spain at naglalayong itaguyod ang ligtas at responsableng paggamit ng Internet at ng mga bagong teknolohiya sa hanay ng mga bata at kabataan.
Sweden (SE) 🇸🇪
Mind
Tumawag sa 90 101
Nagtataguyod ng pangangalaga sa mental health, upang mapanatili ang mental equilibrium at kalusugan ng malulusog na tao, upang maiwasan ang mga nervous at mental illness ng mga nanganganib na tao at upang magpahusay sa pamamagitan ng mga angkop na care commitment ng mga apektado ng mga naturang sakit.
Switzerland (CH) 🇨🇭
Tel 143
Tumawag sa 143
Nagbibigay sa mga taong gusto ng nakakatulong na pag-uusap o sumusuportang online contact.
United Kingdom (UK) 🇬🇧
Mga Samaritano
Tumawag sa 116 123
Ang Mga Samaritano ay isang charity na organisasyon na naglalayong makinig at tulungan ang mga tao na pag-usapan ang kanilang mga alalahanin at problema.
PAPYRUS Pag-iwas sa Mga Batang Nagpapakamatay HOPELineUK
Tumawag sa 0 800 068 41 41 o mag-SMS: 07860039967
Ang PAPYRUS ay isang kumpidensyal na suporta at serbisyo ng payo para sa mga bata at kabataang wala pang 35 taong gulang na nakararanas ng pag-iisip ng pagpapakamatay at sinumang nag-aalala na maaaring iniisip ng isang kabataan ang tungkol sa pagpapakamatay.
UK Safer Internet Centre
Ang UK Safer Internet Centre ay pagtutulungan ng tatlong nangungunang kawanggawa; Childnet, ang South West Grid for Learning at ang Internet Watch Foundation.
Campaign Against Living Miserably
Tumawag sa 0 800 58 58 58
Ang aming helpline ay para sa mga tao sa UK na nalulungkot o nahihirapan sa kung anong dahilan, na kailangan ng makakausap o makahanap ng impormasyon at suporta.
Mind
Tumawag sa 0 300 123 3393
Nagbibigay kami ng payo at suporta para mabigyan ng kakayahan ang sinumang nakakaranas ng problema sa mental health.
Revenge Porn Helpline
Tumawag sa 0345 6000 459
Sinusuportahan ng Revenge Porn Helpline ang mga 18+ na nakakaranas ng pang-aabuso gamit ang maseselang imahe, na tinatawag bilang revenge porn, sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo at gabay at tulong sa pag-aalis ng content na ito. Mag-email sa help@revengepornhelpline.org.uk.
Pag-aksyon Kontra Panloloko
Tumawag sa 0300 123 2040
Ang Pag-aksyon Kontra Panloloko ay ang pambansang sentro ng pag-uulat ng UK para sa panloloko at cybercrime kung saan dapat kang mag-ulat ng panloloko kung ikaw ay na-scam, nalinlang o nakaranas ng cyber crime sa England, Wales at Northern Ireland
Lucy Faithfull Foundation
Tumawag sa 0808 1000 900
Ang Lucy Faithfull Foundation ay isang child-protection charity na nakabase sa UK na nakikipagtulungan sa mga bata at mga nakasalang sekswal na pagsasamantala at pang-aabuso sa bata sa pamamagitan ng programa nitong Stop It Now!
Mga mapagkukunan para sa Latin Amerika at sa Caribbean
Argentina (AR) 🇦🇷
Hablemos de Todo
Ang Hablemos de Todo ay nagbibigay ng anonymous na chat sa website. Isang lugar para pag-usapan kung anong nangyayari sa'yo, magtanong at ipaalam nang malaya ang lahat ng pag-aalinlangan mo.
Bahamas (BS) 🇧🇸
National Hotline for Crisis Intervention
Tumawag sa 242 322 2763
Ang Department of Social Services ay nagbibigay ng Child Abuse Hotline at kamakailan ng pinagsamang serbisyo para maisama ang pagpapayo sa mga taong maaaring depressed, nagugulumihanan o nakakaranas ng hirap na magpatuloy dahil sa mga kasalukuyang problema sa buhay.
Brazil (BR) 🇧🇷
O CVV – Centro de Valorização da Vida
Tumawag sa 188
Ang Centro de Valorização da Vida (CVV) ay isang non-profit na nagbibigay ng libre at maingat na emosyonal na suporta at mga serbisyo sa pagpigil sa pagpapakamatay.
Chile (CL) 🇨🇱
Todo Mejora
isinusulong ng Todo Mejora ang kapakanan ng mga bata at nagbibinata at nagdadalaga na nakakaranas ng pambu-bully at suicidal na asal, na dulot ng diskriminasyon batay sa sekswal na oryentasyon, pagkakakilanlan, at pagpapahayag ng kasarian. Mula Lunes hanggang Biyernes at tuwing Linggo, nagsasagawa ang Todo Mejora ng Safe Hour, kung saan mayroong staff na maaaring mag-chat sa'yo.
Guyana (GY) 🇬🇾
The Caribbean Voice
Ang The Caribbean Voice ay nagbibigay ng mga pandaigdigang resource sa mga isyu tulad ng pagpigil sa pagpapatiwakal, mental health, paglaban sa pang-aabusong pantahanan at sekswal na pag-atake, at pagprotekta sa bata.
Mexico (MX) 🇲🇽
SAPTEL
Tumawag sa 55 5259 8121
Ang SAPTEL ay isang serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip at Distance Medicine na 30 taon nang tumatakbo. Ang SAPTEL ay isang propesyonal na programang dinadaluhan ng mga pili, sinanay, at pinangangasiwaang psychologist na nagbibigay ng libreng pagpapayo, referral, suportang psychological, psychotherapeutic na pagpapayo, at pakikialam sa emosyonal na krisis. Ibinibigay ng SAPTEL ang mga serbisyo nito sa kabuuan ng Mexican Republic.
Alianza por la seguridad en internet
Ang Alianza por la seguridad en internet (ASI) Mexico ay isang non-profit na organisasyon na nagsisikap na imulat ang mga pamilya at kabataan tungkol sa digital citizenship at sa responsableng paggamit ng internet.
Mga mapagkukunan para sa Aprika
Mauritius (MU) 🇲🇺
Befrienders Mauritius
Tumawag sa 230 800 93 93
Ang Befrienders Worldwide centres ay nagbibigay ng bukas na espasyo para sa mga nahihirapan para makipag-usap at mapakinggan. Ito ay sa pamamagitan ng mga helpline sa telepono, text messaging, harap-harapang interaksyon, internet chat, mga outreach at lokal na pagtutulungan.
South Africa (ZA) 🇿🇦
SADAG — South African Depression and Anxiety Group
Tumawag sa 0800 567 567
Ang South African Depression and Anxiety Group (SADAG) ang nangunguna sa pagsusulong, edukasyon, at pag-aalis ng stigma sa mga pasyente ng sakit sa pag-iisip sa bansa. Ang pagkadalubhasa nito ay nasa pagtulong sa mga pasyente at tagatawag sa buong South Africa na may katanungan sa kalusugan ng pag-iisip.
Lifeline
Tumawag sa 0861 322 322
Upang mapangasiwaan ang mga indibidwal at komunidad sa buong Ekurhuleni habang niyayakap ang emosyonal na kaayusan.
The Triangle Project (para sa mga taong LGBTI, mga partner at kapamilya nila)
Tumawag sa 021 422 0255
Ang Triangle Project ay isang non-profit human rights organisation na nag-aalok ng propesyunal na serbisyo para matiyak ang ganap na pagkamitng konstitusyonal at karapatang pantao para sa mga lesbyana, bakla, bisexual, transgender, intersex at queer (LGBTIQ), kanilang mga partner at kapamilya.
LifeLine Pietermaritzburg
Tumawag sa 033 342 4447
Ang LifeLine Pietermaritzburg trading as LifeLine and Rape Crisis ay isang rehistradong civil society organisation na nag-aalok ng libreng generic counselling para sa kahit na sinong nangangailangan ng naturang serbisyo.
Mga mapagkukunan para sa Asya
China (CN) 🇨🇳
Beijing Suicide Research and Prevention Center
Tumawag sa 010 8295 1332
Tumutulong ang Beijing Suicide Research and Prevention Center sa mga taong nahihirapan.
Lifeline Shanghai
Tumawag sa 400 821 1215
Nagbibigay ang Lifeline ng libre, kumpidensyal, at anonymous na pansuportang serbisyo; may available na mga assistant para magbigay ng ligtas na mapagkukunan ng suporta para sa mga indibidwal sa panahon ng emosyonal na pagkabalisa o krisis.
Hong Kong Region
The Samaritan Befrienders Hong Kong (香港撒瑪利亞防止自殺會)
Tumawag sa 2389 2222
Ang serbisyo ng Samaritan Befrienders Hong Kong ay ibinibigay ng grupo ng mga masigasig na boluntaryo. Sa diwa ng pagtulong sa iba, nagbibigay sila sa mga taong may emosyonal na pagkabalisa, kawalan ng pag-asa, panghihina, o kagustuhang magpakamatay ng 24-oras na serbisyo sa instant na emosyonal na kaginhawaan.
The Samaritans Hong Kong (香港撒瑪利亞會)
Tumawag sa 2896 0000
Narito ang Samaritans para makinig, gaano man nakakabagabag o ordinaryo ang problema. Hindi kami nagbibigay ng payo, o nagsasabi kung anong gagawin mo. Narito kami para magbigay ng walang pasubaling suportang emosyonal.
India (IN) 🇮🇳
AASRA
Tumawag sa 022 2754 6669
Ang Aasra ay isang crisis intervention centre para sa nalulungkot, nababalisa, at nakakaisip na magpakamatay. Nilalayon naming makatulong na pigilan at mapangasiwaan ang karamdaman sa pag-iisip sa pamamagitan ng pagbibigay ng boluntaryo, propesyonal at talagang kumpidensyal na pangangalaga at suporta sa mga nalulumbay at nakakaisip na magpakamatay.
Sneha India
Tumawag sa 91 44 2464 0050
Ang Sneha ay isang organisasyon sa Chennai, India para pigilan ang pagpapakamatay. Nagbibigay kami ng walang pasubaling emosyonal na suporta sa sinumang nakakaramdam ng pagkabalisa, pagkalumbay o kagustuhang magpakamatay.
Japan (JP) 🇯🇵
Tokyo Suicide Prevention Center (東京自殺防止センター)
Tumawag sa 03 5286 9090
Ang Tokyo Suicide Prevention Center ay nagbibigay ng kumpidensyal at emosyonal na suporta sa mga taong nahihirapan at nalulumbay, kabilang ang mga emosyong maaaring humantong sa pagpapakamatay
Aichi Suicide Prevention Center
Ang Aichi Suicide Prevention Center ay isang organisasyon ng mga boluntaryo na naglalayong magbigay ng emosyonal na suporta sa mga nag-iisip na magpakamatay saanman, kailanman.
Malaysia (MY) 🇲🇾
Befrienders Kuala Lumpur
Tumawag sa 603 7956 8145
Ang Befrienders ay isang not-for-profit organisation na nagbibigay ng emosyonal na suporta 24 na oras araw-araw, 7 araw kada linggo, sa mga taong nag-iisa, nahihirapan, nalulumbay, at nakakaisip na magpakamatay - nang walang bayad.
Philippines (PH) 🇵🇭
Natasha Goulbourn Foundation
Tumawag sa 0917 558 4673
Ang Natasha Goulbourn Foundation ay isang non-profit organization na nakatuon sa pagtataguyod ng mas malusog na lipunan ng mga Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng positibo at pampigil na mga aktibidad na magpopokus sa kaayusan ng pag-iisip para sa lahat.
Singapore (SG) 🇸🇬
Samaritans of Singapore (新加坡援人協會)
Tumawag sa 1800 221 4444
Ang Samaritans of Singapore (SOS) ay nakatuon sa pagbibigay ng kumpidensyal na suportang emosyonal sa mga indibidwal na kumakaharap sa krisis, nakakaisip o apektado ng pagpapakamatay.
Silver Ribbon (Singapore)
Tumawag sa 65 6386 1928
Para labanan ang stigma sa kalusugan sa pag-iisip, mahikayat ang maagang tulong, at padaliin ang pagsasama ng mga taong may karamdaman sa pag-iisip sa lipunan sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan ng pagtataguyod ng karunungan sa kalusugan ng pag-iisip.
Mga mapagkukunan para sa Oceania
Australia (AU) 🇦🇺
Lifeline
Tumawag sa 13 11 14
Ang Lifeline ay nagbibigay sa mga Australian na nakakaranas ng personal na problema ng 24 na oras na akses sa suicide prevention services, domestic violence trainings, at financial welfare programs.
Kids Helpline
Tumawag sa 1 800 55 1800
Ang Kids Helpline ay ang natatanging libre, pribado, at kumpidensyal na phone counseling service sa Australia na partikular na para sa mga batang may edad 5-25.
Beyondblue
Tumawag sa 1300 22 4636
Ang Beyondblue ay isang non-profit organization na nagsusumikap para itaguyod ang malusog na mental health, wakasan ang stigma at diskriminasyon, at magbigay ng suporta at impormasyon kaugnay ng anxiety, depression at suicide.
New Zealand (NZ) 🇳🇿
Depression Hotline
Tumawag sa 0800 111 757
Tumutulong ang website na ito sa mga New Zealander na makilala at maunawaan ang depression at anxiety sa pamamagitan ng paghihikayat sa maagang pagkilala at paghingi ng tulong.
The Lowdown
SMS: 5626
Hinihikayat ng Lowdown ang maagang pagkilala at tulong para sa depression o anxiety. Sa site makikita ng mga kabataan ang nakatutulong na impormasyon sa pagkabalisa, depresyon (at iba pang isyu na maaaring pinagdurusahan nila gaya ng pag-alis sa paaralan o hindi pagkakaunawaan sa kanilang magulang), mga bidyo ng 12 totoong kabataang nagbabahagi ng kanilang kuwento at higit pa.
Youthline
Tumawag sa 0800 376 633 o SMS: 234
Nakikipagtulungan ang Youthline sa mga kabataan, kanilang pamilya at sa mga taong sumusuporta sa kabataan. Ang aming mga organisasyon ay binubuo ng mga boluntaryo at binabayarang miyembro ng staff - at mayroon kaming mga center na nakabase sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Lifeline
Tumwag sa 0800 543 354 o SMS: Mag-text ng HELP sa 357 nang libre
Ang aming misyon ay bawasan ang pagkabalisa at magligtas ng buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligtas, maaakses, epektibo, propesyunal at makabagong serbisyo. Partikular naming pinagsisikapang maitaas ang kamalayan at pag-unawa sa pagtigil sa pagpapakamatay sa New Zealand at bawasan ang nauugnay na stigma at makipagtulungan sa iba na makagawa ng positibong ambag sa pangkalusugan at panlipunang sektor.