Nakakapinsaling Mali o Mapanlinlang na Impormasyon
Serye ng Tagapagpaliwanag ng Mga Alituntunin ng Komunidad
Na-update noong: August 2023
Ipinagbabawal namin ang pagpapakalat ng maling impormasyon na nagdudulot ng pinsala o malisyoso, tulad ng pagtangging nangyari ang mga nakapanlulumong kaganapan, mga medikal na pahayag na walang katibayan, pagmamaliit sa integridad ng mga sibikong proseso, o pagmamanipula ng content para sa mga mali o mapanlinlang na layunin.
Ipinagbabawal namin ang pagpapanggap bilang isang tao (o isang bagay) na hindi ikaw, o ang pagtatangkang manlinlang ng mga tao tungkol sa kung sino ka. Kabilang dito ang panggagaya sa iyong mga kaibigan, celebrity, brand, o iba pang organisasyon.
Hindi namin pinapayagan ang spam at mga mapanlokong kasanayan, tulad ng panggagaya sa Snapchat o sa Snap Inc.
Pangkalahatang Ideya
Ang paggawa ng aming bahagi upang suportahan ang isang responsableng kapaligiran ng impormasyon ay isang pangunahing priyoridad sa Snap. May iba't-ibang anyo ang mga mapanlinlang na gawi, at alam naming masisira ng mga ito ang tiwala at magdudulot ng banta sa kaligtasan at seguridad ng mga Snapchatter. Nilalayon ng aming mga patakaran na bawasan ang pagkalat ng maling impormasyon, at protektahan ang mga user mula sa panloloko at spam, sa pangmalawakan na pangyayari.
Ang aming Community Guidelines na nauugnay sa Nakakapinsalang Mali o Mapanlinlang na Impormasyon ay mahalagang sumasaklaw sa dalawang magkaiba, ngunit magkakaugnay, na mga kategorya ng pinsala: (1) maling impormasyon at (2) mapanlinlang o spam na pag-uugali.
Maaaring magkaroon ng mapaminsalang kahihinatnan para sa mga user at para sa lipunan ang content na sumisira sa mga katotohanan. Alam namin na kung minsan ay mahirap malaman kung ano ang tumpak, lalo na pagdating sa mabilis na mga kasalukuyang kaganapan, o kumplikadong usapin ng agham, kalusugan, at mga gawain sa mundo. Para sa kadahilanang ito, ang aming mga patakaran ay nakatuon hindi lamang sa kung ang impormasyon ay hindi tumpak o mapanlinlang, ngunit pati na rin ang potensyal nito para sa pinsala.
Mayroong ilang mga kategorya ng impormasyon kung saan ang maling pagkatawan ng mga katotohanan ay maaaring magdulot ng mga natatanging panganib. Sa mga lugar na ito, kumikilos ang aming mga team laban sa content na nakakapanlinlang o hindi tumpak, hindi isinasaalang-alang kung sinadya ang mga maling representasyon. Sa ganitong paraan, gumagana ang aming mga patakaran laban sa lahat ng uri ng pagbabanta sa impormasyon, kabilang ang maling impormasyon, disinformation, malinformation, at minamanipulang media.
Ang mga halimbawa ng mga kategorya ng impormasyon na tinitingnan namin bilang partikular na madaling mapinsala ay kasama ang sumusunod:
Content na tumatanggi sa pagkakaroon ng mga trahedya. Ipinagbabawal namin ang content na tumatawag sa mga hindi pagkakaunawaan, halimbawa, ang Holocaust, o tinatanggihan ang mga kaganapan ng pagbaril sa paaralan ng Sandy Hook. Maaaring mag-ambag sa karahasan at poot ang mga maling representasyon at walang batayan na mga conspiracy theory tungkol sa mga naturang trahedya, bilang karagdagan sa pananakit sa mga user na ang buhay at pamilya ay naapektuhan ng mga naturang kaganapan.
Content na nagpo-promote ng mga hindi napatunayang medikal na claim. Hindi namin pinahihintulutan ang content na, halimbawa, ay nagrerekomenda ng mga hindi pa nasusubukang therapy para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19; o na nagtatampok ng walang batayan na mga conspiracy theory tungkol sa mga bakuna. Bagama't ang larangan ng medisina ay patuloy na nagbabago, at madalas na binabago ng mga ahensya ng pampublikong kalusugan ang patnubay, ang mga kapani-paniwalang organisasyon ay napapailalim sa mga pamantayan at pananagutan at maaari tayong umasa sa kanila upang magbigay ng benchmark para sa responsableng patnubay sa kalusugan at medikal.
Content na sumisira sa integridad ng mga proseso ng sibiko. Ang mga halalan at iba pang proseso ng sibiko ay may mahalagang papel sa paggana ng mga lipunang gumagalang sa karapatan, at nagpapakita rin ng mga natatanging target para sa pagmamanipula ng impormasyon. Para protektahan ang kapaligiran ng impormasyon sa mga event, nagpapatupad kami ng mga patakaran para i-apply sa mga sumusunod na uri ng mga banta sa mga prosesong pansibiko:
Panghihimasok sa pamamaraan: maling impormasyon na nauugnay sa aktuwal na mga pamamaraan ng halalan o sibiko, tulad ng maling pagkatawan sa mahahalagang petsa at oras o mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat para sa pakikilahok.
Panghihimasok sa pakikilahok: content na may kasamang pananakot sa personal na kaligtasan o nagpapakalat ng tsismis upang hadlangan ang pakikilahok sa proseso ng elektoral o sibiko.
Mapanlinlang o labag sa batas na paglahok: content na naghihikayat sa mga tao na ipahayag nang mali ang kanilang sarili upang lumahok sa proseso ng sibiko o ilegal na bumoto o sirain ang mga balota.
Delegitimization ng mga prosesong sibiko:content na naglalayong i-delegitimize ang mga demokratikong institusyon batay sa mali o mapanlinlang na pahayag tungkol sa mga resulta ng halalan, bilang halimbawa.
Ang aming mga patakaran laban sa mapaminsalang maling impormasyon ay kinukumpleto ng malawak na mga pananggalan sa disenyo ng produkto at mga panuntunan sa pag-advertise na naglilimita sa pag-viral, nagpo-promote ng transparency, at nagpapataas ng papel ng pagiging tunay sa aming platform. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga paraan kung paano sinusuportahan ng arkitektura ng aming platform ang mga layuning ito, tingnan ang blog post na ito.
Maaaring isailalim ng panloloko at spam ang mga Snapchatter sa malaking pinsala sa pananalapi, mga panganib sa cybersecurity, at maging sa legal na pagkakalantad (wala pa sa nabanggit ang mga hindi kasiya-siya at nakakairitang karanasan). Para mabawasan ang mga panganib na ito, ipiagbabawal namin ang mga mapanlinlang na gawain na sumisira sa tiwala sa aming komunidad.
Kabilang sa mga ipinagbabawal na kagawian ang content na nagpo-promote ng anumang uri ng scam; mga get-rich-quick na scheme; hindi awtorisado o hindi inihayag na bayad na content; at ang promotion ng mga mapanlinlang na produkto o serbisyo, kabilang ang mga pekeng produkto, dokumento, o sertipiko. Ipinagbabawal din namin ang mga pay-for-follower na promosyon o iba pang mga scheme ng pagdami ng follower; ang pagsulong ng mga spam na application; at ang pagsulong ng multilevel marketing o pyramid schemes. Ipinagbabawal din namin ang anumang uri ng money laundering (kabilang ang money couriering o money muling). Kabilang dito ang pagtanggap at pag-transfer ng pera na nakuha sa ilegal na paraan o mula sa isang hindi kilalang source sa ngalan ng ibang tao, hindi awtorisado at ilegal na pag-transmit ng pera o mga serbisyo ng currency exchange, at pag-solicit at pag-promote sa mga aktibidad na ito.
Panghuli, ipinagbabawal ng aming mga patakaran ang pagpapanggap bilang isang tao (o isang bagay) na hindi ikaw, o pagtatangkang linlangin ang mga tao tungkol sa kung sino ka. Kabilang dito ang panggagaya sa iyong mga kaibigan, celebrity, brand, o iba pang organisasyon. Nangangahulugan din ang mga panuntunang ito na hindi ayos na gayahin ang pagba-brand ng Snapchat o Snap, Inc.
Inaalis ang content na lumalabag sa aming mga tuntunin laban sa Mapaminsala, Huwad o Mapanlinlang na Impormasyon. Ang mga user na nagbabahagi, nagpo-promote, o namamahagi ng content ay aabisuhan tungkol sa paglabag, at ang mga user na patuloy na lumalabag sa patakarang ito ay paghihigpitan ang kanilang access sa account.
Noong 2022, pinalawak namin ang aming mga kategorya ng menu ng pag-uulat para sa maling impormasyon, na nagbibigay-daan sa mga user na mag-ulat nang mas partikular ng maling impormasyong panlipunan, pampulitika, at pangkalusugan. Mangyaring ibahagi sa amin kapag ikaw o ibang tao ay ginagaya, o kung nakatagpo ka ng spam o maling impormasyon. Kapag nakatanggap na kami ng ulat, maaaring kumilos ang aming mga Trust & Safety team para tugunan ang pagpapanggap o pigilan ang mapaminsalang content na magpatuloy.
Sa aming mga high-reach na surface, tulad ng Spotlight at Discover, nagsasagawa kami ng napaka-proactive na paraan sa pagmo-moderate ng content at pag-promote ng integridad ng impormasyon. Ngunit lubos naming pinahahalagahan ang feedback at mga ulat tungkol sa anumang nakakapinsalang content na maaari mong makaharap sa mga surface na ito; tinutulungan nila kaming maging alerto sa anumang mga pagkasira sa aming mga proseso para sa pagpapanatiling walang nakakapinsalang impormasyon dito.
Ang paggawa ng aming bahagi upang ipromote ang isang responsableng kapaligiran ng impormasyon ay nananatiling pangunahing priyoridad sa aming kumpanya, at patuloy kaming mag-e-explore ng mga makabagong paraan sa pagprotekta sa mga Snapchatter mula sa mga panganib ng Mapanganib na Mali o Mapanlinlang na Nilalaman.
Habang ipinapagpapatuloy namin ang mga pagsisikap na ito, nakatuon kami sa pagbibigay ng malinaw na mga insight sa pagiging epektibo ng aming paraan. Sa pamamagitan ng aming mga ulat sa transparency, nagbibigay kami ng impormasyon sa antas ng bansa na nauugnay sa aming mga pagpapatupad laban sa maling impormasyon sa buong mundo -- at plano naming magbigay ng mas detalyadong mga breakdown ng mga paglabag na ito sa aming mga ulat sa hinaharap.
Nakatuon kami sa patuloy na pag-calibrate sa pagpapatakbo ng aming mga patakaran upang mapabuti ang aming kakayahang tugunan ang mapaminsalang content o gawi, at nakatuon kami sa pakikipagtulungan sa iba't-ibang pinuno mula sa buong komunidad ng kaligtasan upang matiyak na isinusulong namin ang mga layuning ito nang responsable. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming mga pagsisikap sa kaligtasan, mangyaring bisitahin ang aming Privacy at Safety Hub.