Pagiging Kuwalipikado sa Rekomendasyon

Seksuwal na Content

Hindi Kwalipikado para sa Rekomendasyon

Anumang sekswal na content na ipinagbabawal sa aming Community Guidelines ay ipinagbabawal saan man sa Snapchat. Para maging eligible ang content na irekomenda sa mas malaking audience, dapat ay wala itong:

Kahubaran, mga gawaing sekswal at mga serbisyong sekswal

Pinapayagan ng aming Community Guidelines ang limitadong hindi pornograpikong paghubad (halimbawa, sa konteksto ng pagpapasuso o mga medikal na pamamaraan) sa private story ng user. Ngunit ipinagbabawal ng Content Guidelines ang lahat ng kahubaran sa anumang konteksto, kahit na hindi photographic o hindi makatotohanan (halimbawa, mga painting, o mga imaheng binuo ng AI). Ipinagbabawal ng Community Guidelines ang mga lantarang pagbibigay ng kopya na nagpapakita ng gawaing sekswal; ipinagbabawal ng aming Content Guidelines ang anumang paglalarawan o panggagaya ng isang sekswal na gawain, kahit na ang lahat ng kasangkot ay nakadamit at ang kilos ay sinadya bilang isang biro o visual innuendo. Ipinagbabawal ng aming Community Guidelines ang anumang uri ng sekswal na pangangalap; ang Content Guidelines na ito ay nagkakamali sa panig ng labis na pagpapatupad (halimbawa, isang Snap na nagpapahiwatig at nagdidirekta sa mga Snapchatters sa isang hiwalay na account, platform o site ay tatanggihan ang pagpapalaki nito, kahit na hindi namin nakumpirma na ang layunin ay sekswal na pangangalap).

Sekswal na pangha-harass at hindi pinahihintulutang sekswal na materyal

Ang mga ito ay ipinagbabawal ng aming Community Guidelines sa buong platform. Ang Content Guidelines ay gumagawa ng higit pa upang ipagbawal ang insensitibo o potensyal na nakakaalipustang sekswal na content, tulad ng sexual objectification at pagmamanipula sa media upang ma-sexualize ang isang tao kahit na walang pahintulot nila (halimbawa, pag-edit ng hitsura ng isang celebrity upang palakihin ang ilang partikular na sekswal na bahagi ng kanilang katawan). Ipinagbabawal din namin ang paghahaka-haka tungkol sa kasarian o sekswalidad ng isang tao (halimbawa, "Nasa closet ba si ___ ?") at saklaw ng sex crimes o sexual taboos sa isang nakakatakot, nakakagulat na format (halimbawa, "10 Guro na Nagpakasal sa Kanilang mga Estudyante").

Tahasang sekswal na wika

Bagama't hindi pinipigilan ng aming Community Guidelines ang mga Snapchatters na talakayin ang mga paksang pang-matanda nang pribado o sa kanilang Stories, ipinagbabawal ng Content Guidelines ang lantarang pananalita o paglalarawan ng mga sekswal na gawain, ari, laruan sa pakikipagtalik, sex work, o sexual taboos (halimbawa incest o bestiality). Kabilang dito ang mga emoji na tahasang nagpapakita ng mga sekswal na konteksto. Kabilang dito ang mga pasaring na espesipikong tumutukoy sa mga sekswal na gawain o bahagi ng katawan.

Labis na nagpapahiwatig na imahe

Bagama't hindi pinipigilan ng aming Community Guidelines ang mga Snapchatters na magbahagi ng hindi lantaran, mapanganib na imahe, ipinagbabawal ng Content Guidelines ang mga imaheng nagbibigay-diin sa mga bahagi ng katawan na madalas na ginagawang sekswal (halimbawa, mga suso, puwet, pundya) sa pamamagitan ng camera, kasuotan, pose o iba pang elemento na sekswal na nakakapukaw. Inilalapat ito kahit pa hindi nakahubad ang indibidwal, o kahit na hindi totong tao ang indibidwal (gaya ng mga animation o iginuhit). Kabilang dito ang mga closeup ng mga sekswal na bahagi ng katawan. Kabilang din dito ang mga na-simulate na sekswal na aktibidad, gaya ng pag-pose sa mga sekswal na posisyon, paggaya ng mga sekswal na gawain, pagpapakita ng mga sex toy, o paggamit ng mga bagay sa isang sekswal na mapanuksong paraan.

Mga menor de edad sa mga sekswal na sitwasyon

Ang aming Community Guidelines ay mahigpit na nagbabawal ng lahat ng anyo ng sekswal na pagsasamantala sa bata. Ipinagbabawal din ng Content Guidelines ang mga edge-case content na maaaring kulang sa legal na kahulugan ng sekswal na pagsasamantala sa bata o pang-aabusong materyal. Nangangahulugan iyon na tinatanggihan namin ang pagpapalaki ng anumang content, totoo o kathang-isip, tungkol sa romantiko o sekswal na relasyon sa pagitan ng mga nasa hustong gulang at menor de edad, maliban na lamang kung ang partikular na insidente ay kailangang ibalita dahil sa kaugnayan nito sa mga kilalang isyu, indibidwal, o institusyon. Kahit na sa mga pagkakataong karapat-dapat ibalita, ang coverage ng mga menor de edad sa mga sekswal na sitwasyon ay hindi dapat binibigyang-diin, pinapahiwatig, o sinasamantala. Kasama rin dito ang content, totoo o kathang-isip, tungkol sa sekswal na aktibidad sa pagitan ng mga menor de edad. Ipinapahintulot namin:

  • Content tungkol sa pagkakakilanlan ng sekswalidad o kasarian ng mga tinedyer, o mga age-appropriate na relasyon, basta’t ang nilalaman na ito ay hindi nagpapahiwatig o tahasang malaswa.

  • Coverage ng sekswal na mga krimen o sekswal na pangha-harass, kung ang coverage ay kabali-balita — ibigsabihin, na ito ay may kaugnayan na sa prominenteng isyu, tao o institusyon.

Sensitibo:

Ang mga sumusunod ay eligible para marekomenda, pero maaaring piliin naming limitahan ang pagpapakita nito sa mga piling Snapchatters batay sa kanilang edad, lokasyon, preferences, at iba pang pamantayan.

Naglalantad pero hindi nakahubad na imahe ng katawan

Ang ibig sabihin nito ay imagery na maaaring pumukaw ng atensyon sa mga madalas na sexualized na bahagi ng katawan, pero hindi sekswal na suggestiveness ang intensyon nito (halimbawa, maigsi o masikip na damit sa kontekstong akma sa pagsuot nito, tulad ng swimwear, fitness attire, events sa red carpet, runway fashion).

Katamtamang nagpapahiwatig na wika

Kasama na dito ang subtle na innuendo na nagpapahiwatig ng sekswal na interes na walang binabanggit na sekswal na gawain o partikular na bahagi ng katawan.

Content tungkol sa sekswal na kalusugan

Para sa edukasyon, naka-focus sa kaligtasan, hindi nagpo-promote ng delikadong gawain at akma sa Snapchatters na sing-bata ng 13 anyos.

Hindi nagpapahiwatig na sekswal na content

Sa konteksto ng balita, komentaryo kaugnay ng pampublikong interes, o edukasyon (halimbawa, art history).

Pang-adult na entertainment

Content na nagtatampok ng mga tao na kilala dahil sa kanilang trabaho sa adult entertainment.