Recommendation Eligibility

Disturbing or Violent Content

Not Eligible for Recommendation:

Any disturbing or violent content that is prohibited in our Community Guidelines is prohibited anywhere on Snapchat. For content to be eligible for recommendation to a wider audience, it must not contain:

Grapiko o labis na larawan

Ipinagbabawal ng aming Community Guidelines ang graphic o gratuitous imagery ng violence sa mga tao o mga hayop. Ang Content Guidelines na mga ito ay nagbabawal sa graphic o gratuitous na pagpapakita ng hindi lamang karahasan, kundi matinding pagkakasakit, pinsala, o kamatayan. Ang aming Community Guidelines ay hindi nagbabawal sa content na nagpapakita ng medikal o kosmetikong procedures (halimbawa, pimple popping, paglilinis ng tenga, liposuction, atbp.), pero ang content ay hindi eligible para irekomenda kung ipinapakita nito ang grapikong larawan. Kasama sa "graphic" sa kontekstong ito ang tunay-na-buhay na imagery ng likido mula sa katawan o dumi, tulad ng nana, dugo, dumi ng tao o hayop, bile mula sa apdo, impeksyon, pagkabulok. Pinipigil din naman ang amplipikasyon ng sadyang nakakabahalang imagery ng katawan ng tao, tulad ng matatalas na mga bagay malapit sa balat o mga mata, o vermin na malapit sa bibig. Habang ipinagbabawal ng aming Community Guidelines ang pagpapakita ng pang-aabuso sa mga hayop, dagdag na ipinagbabawal ng Content Guidelines ang larawan ng matinding paghihirap ng mga hayop (halimbawa, nakabukas na mga sugat, sobrang kapayatan, bali o luray-luray na bahagi ng katawan) o kamatayan.

Pagpuri sa karahasan

Ipinagbabawal ng aming Community Guidelines ang pagbibigay ng suporta para sa violence o pag-uudyok ng violence laban sa kahit sino. Mas pinaiigting pa ng Content Guidelines ang pagbabawal kahit na sa hindi malinaw na pagsuporta para sa o tahimik na pag-apruba sa karahasan.

Pagpuri sa pananakit sa sarili

Ipinagbabawal ng aming Community Guidelines ang promosyon ng pananakit sa sarili, pagpatay sa sarili o eating disorders. Mas pinaiigting pa ng Content Guidelines ang pagbabawal sa amplipikasyon ng edge-case na content (halimbawa, pabirong pagsasabi ng, "Burahin mo ang account mo at kys," o anumang "thinspo" o "pro-ana" na content).

Paghimok sa mapanganib na pag-uugali

Ipinagbabawal ito sa aming Community Guidelines. Pinipigilan ng Content Guidelines na ito ang amplipikasyon ng content na nagpapakita ng delikadong mga gawain na ginawa ng mga hindi propesyunal tulad ng stunts o "challenges" na maaaring magresulta ng pinsala, pagkakasakit, kamatayan, pagkasira, o property damage.

Nakakasilaw o sinensasyonal na pag-uulat

Ng mga nakakagambalang pangyayari. Hindi ipinagbabawal ng aming Community Guidelines ang content tungkol sa mga nakakabahalang mga insidente, pero pinipigil ng Content Guidelines ang amplipikasyon ng content na naka-focus sa hindi kabali-balitang bayolente o sekswal na krimen na sangkot ang mga menor de edad. Para masabing "kabali-balita" ang content, dapat na ito ay napapanahon at sangkot ang kilalang tao, grupo o isyu tungkol sa pampumblikong interes.

Sensitibo:

Ang mga sumusunod ay eligible para marekomenda, pero maaaring piliin naming limitahan ang pagpapakita nito sa mga piling Snapchatters batay sa kanilang edad, lokasyon, preferences, at iba pang pamantayan.

Karahasan

Sa konteksto ng pambansang balita, edukasyon, o pampublikong diskurso, kung saan walang grapikong larawan ng kamatayan o mutilation. Nakakabahalang mga insidente, tulad ng mga sekswal o bayolenteng mga krimen, ay maaaring maging kabali-balita kapag ang mga ito ay napapanahon at sangkot ang isang kilalang tao, grupo o isyu na tungkol sa pampublikong interes

Usapan tungkol sa pagdaig sa pagnanasa ng pananakit sa sarili

Kasama na ang mga eating disorder.

Non-graphic depictions of health issues

Procedures, medical settings or equipment. This includes preserved body organs in educational or newsworthy contexts.

Mga kosmetikong procedure

Kung saan ang balat ay hindi nasugatan.

Modipikasyon ng katawan

Tulad ng mga karayom ng tattoo sa balat o mga piercing na ginagawa.

Mga hayop na nasa panganib o nasa hirap sa mga likas na kapaligiran

Nang walang grapikong larawan ng kamatayan o karahasan.

Mga species na nagdudulot ng mga karaniwang pobia

Tulad ng mga gagamba, insekto, o ahas.

Kathang-isip ngunit makatotohanan at potensyal na nakakagambala na mga imahe. Kabilang dito ang karahasan sa konteksto ng entertainment (halimbawa, sa pelikula, video game, o comedy skit). Kabilang din dito ang content na may temang horror (halimbawa, special effects makeup, mga cosume, mga prop). Kasama rin dito ang mga larawan na may layuning makapukaw ng natural na reaksyon (halimbawa, mga butas-butas na bagay para magdulot ng trypophobia, pandikit para mag-stimulate ng pagpapalit ng balat, o mga buto para mag-stimulate ng mga kuto).

Pagmumura

Kung ito ay hindi nakadirekta sa isang tao, hindi mapanlait sa isang grupo, at hindi nasa sekswal na tahasang konteksto. Sakop nito ang mga mura na karaniwang ginagamit para magpahayag ng pagka-inis (halimbawa, “s***” at “f***”).

Up Next:

False or Deceptive Information

Read Next