Privacy, Safety, and Policy Hub
Recommendation Eligibility

Illegal or Regulated Activities

Not Eligible for Recommendation:

Illegal or regulated activities, products or services that are prohibited in our Community Guidelines are prohibited anywhere on Snapchat. For content to be eligible for recommendation to a wider audience, it must not:

Mangasiwa o mag-promote ng ilegal na gawain.

Ipinagbabawal ang ganitong content sa aming Community Guidelines. Ibig sabihin, ipinagbabawal din ito sa Content Guidelines.

Magpakita ng tobacco, nicotine, o mga produkto o paraphernalia na gawa o para sa cannabis.

Bagama't hindi ipinagbabawal ng aming Community Guidelines ang mga Snaps ng mga nasa hustong gulang na gumagamit ng mga produktong ito sa mga lugar kung saan legal ang mga ito, tinatanggihan ng mga Content Guidelines na ito ang pag-amplify sa naturang content.

Nagpapakita ng panganib ng pag-inom ng alak.

Habang hindi pinagbabawalan ng Community Guidelines ang Snaps ng mga nasa hustong gulang na umiinom ng alak, ang Content Guidelines ay pumipigil sa amplipikasyon ng content na nagpapakita ng sobrang o delikadong paggamit ng alak ng adult, tulad ng mabilis na pagkonsumo ng maraming alak, o paggamit sa heavy machinery habang lasing o habang may nakikitang alak sa lokasyon, o pag-inom hanggang sa umabot sa pagkabulol sa pagsasalita o kawalan ng malay.

Nagpapakita ng mga totoong modernong nakakamatay na armas

Mga baril, combat knife, pampasabog, atbp. - na labas sa konteksto ng balita, edukasyon, o sports.

  • Pinapayagan ang mga historical weapon (mga catapult, blunderbusse, espada, atbp.).

  • Pinapayagan ang mga fictional na armas (mga cosplay prop, mga armas sa video game, atbp.).

Pag-promote ng ilang partikular na kinokontrol na produkto o serbisyo

Ang aming Commercial Content Policy ay nagpapaliwanag kung paano makapagbabahagi ng komersyal na content ang Snapchatters sa kanilang mga kaibigan o followers, kasama na ang content na nangangailangan ng pagta-target batay sa edad o lokasyon. Pero para maging eligible para irekomenda, ang content ay hindi dapat magpromote ng mga sumusunod na reguladong mga bagay:

  • Real estate na pambahayan

  • Mga oportunidad sa pagtatrabaho

  • Pagsusugal, paglalaro o pagtataya gamit ang totoong pera, lotteries, sweepstakes

  • Hindi makatotohanang pahayag tungkol sa potensyal na benipisyo sa kalusugan ng isang produkto o serbisyo; anumang pagpopromote ng supplements, pharmaceuticals, o produktong pampapabawas ng timbang

  • Mga pautang, pamumuhunan, credit, cryptocurrencies, NFTS, o alinmang pinansyal na mga produkto o serbisyo

  • Alak

  • Tobacco, cannabis, at ang kanilang mga katulad (nicotine, mga produktong THC/CBD) o mga kagamitan (vapes, atbp.)

  • Mga eksplosibo, mga paputok, pyrotechnics, o mga aparato para sa demolisyon

  • Mga dating app, sites o mga serbisyo

Sensitive:

The following is eligible for recommendation, but we may choose to limit its visibility to certain Snapchatters based on their age, location, preferences, or other criteria.

Katamtamang pag-inom ng alak ng mga nasa hustong gulang

Katamtamang pag-inom ng alak ng mga nasa hustong gulang

Mga programa o pamamaraan para mabawasan ang timbang

Pinapayagan ang fitness content para sa lahat ng audience kapag nakatuon ito sa lakas, conditioning, o mobility sa halip na tumuon sa pagbawas ng timbang.

Mga fictional na sanggunian sa mga ilegal o kinokontrol na aktibidad

Halimbawa, mga biro, skit, mga eksena mula sa mga pelikula o video game.

Up Next:

Hateful Content, Terrorism, and Violent Extremism

Read Next