Mali o Mapanlinlang na Impormasyon
Ang aming Community Guidelines ay nagbabawal sa maling politikal na impormasyon, tulad ng maling impormasyon tungkol sa pagboto, maling paglalarawan sa posisyon ng kandidato o ibang pang content na nagpapahina ng mga prosesong-sibiko. Maaaring may mga pagkakataon na ang review teams namin ay hindi ma-verify kung ang politikal na claim ay totoo, mali, o may potensyal na makapanlinlang. Ang ambiguous na content ay pinapayagan sa pagitan ng mga kaibigan o followers, pero hindi magiging eligible para sa recommendation.