Ipinagbabawal ng aming Community Guidelines ang lahat ng klase ng pangha-harass at pangbu-bully, pero ang Content Guidelines na ito ay may mas mahigpit na standard sa hindi malinaw na mga kaso kung saan ang intensyon na magpahiya ay hindi tiyak (halimbawa, isang Snap ng "roast" kung saan hindi malinaw kung gusto bang mapahiya ang subject sa camera). Sakop nito ang pang-aalipusta o panglalalit. Kasama rin nito ang pago-objectify sa isang tao batay sa hitsura niya, kahit na public figure sila.
Note: ang pag-criticize or pagsa-satirize ng mga sinabi o ginawang kilala sa publikong adults o mga organization ay hindi kino-consider na pangha-harass o pangbu-bully.
Ang kahit na anong klaseng sexual harassment (tingnan ang “Sexual Content,” sa itaas) ay ipinagbabawal kahit saan sa Snapchat.