Mga Kinakailangan sa Kategorya ng Mga Ad

Policies ng Snap sa Political at Advocacy Advertising

Ang Snapchat ay nagbibigay-daan sa pagpapahayag ng sarili, kabilang ang tungkol sa politika. Ngunit ang political advertising na lumalabas sa Snapchat ay dapat na transparent, legal, at naaangkop para sa aming mga user.

Books and big green tick

Mga Kinakailangan

Ang Political na Policies sa Advertising na ito ang may saklaw sa lahat ng political ads na inihahatid ng Snap, kabilang ang ads na konektado sa eleksyon, advocacy ads, at issue ads.

  • Ang mga ad na may kaugnayan sa halalan ay kinabibilangan ng mga ad tungkol sa o binabayaran ng mga kandidato o partido para sa pampublikong posisyon, mga hakbang sa balota o referendum, mga politikal action commiittee, at mga ad na humihikayat sa mga tao na bumuto o magparehistro upang bumuto.

  • Ang advocacy o issue ads ay mga ad tungkol sa mga issue o organisasyon na pinag-uusapan sa debate sa local, national, o global level, o na may halaga sa publiko. Kabilang sa mga halimbawa ang: ads tungkol sa pagpapalaglag, imigrasyon, kalikasan, edukasyon, diskriminasyon, at mga baril.

Ang mga advertising na pampulitika ay dapat sumunod sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon, kabilang ang mga batas sa pambansang halalan at mga batas sa pondo ng kampanya, batas sa copyright, batas sa paninirang-puri, at (kung naaangkop) mga regulasyon ng Federal Election Commission at mga batas at regulasyon ng estado o lokal. Ang advertiser ang natatanging may responsibilidad sa pagsunod sa mga batas at regulasyong iyon.

Ang lahat ng political advertising ay dapat may nakasaad na mensaheng “paid for by” sa ad na sinusundan ng pangalan ng tao o entity na nagbabayad. Posible ring hingin ng Snap ang isang pagbubunyag na “paid for by” sa ad content na nagli-link sa political content, ad content para sa political merchandise, o sa ibang sitwasyon, ayon sa sariling pagpapasya ng Snap. Sa United States, nakasaad dapat sa electoral ads kung ang ad ay pinahintulutan o hindi ng kandidato o organisasyon, at ang election ads na hindi pinahintulutan ng kandidato ay may kasama dapat na contact information ng nagso-sponsor na organisasyon. Ang mga disclaimer na ito ay nag-iiba depende sa hurisdiksyon. Dapat tiyakin ng mga advertiser na bawat ad ay sumusunod sa lahat ng naaangkop na federal, estado, at lokal na batas at regulasyon tungkol sa mga disclaimer na "binabayaran ng".

Tulad ng lahat ng mga ad sa Snapchat, ang mga pampulitikang mga ad ay dapat sumunod sa Terms of Service, Community Guidelines, at aming Policies sa Advertising. Bukod sa iba pang bagay, nangangahulugan iyon na:

  • Walang content na nangha-harass, nananakot, o nagbabanta.

  • Walang content na nakakalito, mapanlinlang, nagpapanggap bilang isang tao o grupo o 'di kaya'y hindi tapat sa iyong kaugnayan sa isang tao o grupo.

  • Walang content na lumalabag sa publicity, privacy, copyright, o iba pang mga karapatan sa intellectual property ng isang tao.

  • Walang content na nagpapakita ng graphic na karahasan o mga panawagan para magsagawa ng karahasan.

Hinihikayat namin ang mga political advertiser na maging positibo. Ngunit hindi kami ganap na nagba-ban ng “attack” ads; pinapahintulutan sa pangkalahatan ang pagpapahayag ng hindi pagsang-ayon sa o pangangampanya laban sa isang kandidato o partido kung nakakatugon ito sa iba pa naming guidelines. Gayunpaman, ang political ads ay hindi dapat naglalaman ng mga atakeng nauugnay sa personal na buhay ng kandidato.

Mga Kinakailangan batay sa Heograpiya

Canada

Sa Canada, hindi pinahihintulutan ng Snap ang "partisan advertising" o "election advertising" (tulad ng tinukoy ng Canada Elections Act, na sinususugan pana-panahon (ang "Act")) na binili nang direkta o hindi direkta sa ngalan ng kwalipikadong partido, nakarehistrong asosasyon, kalahok sa nominasyon, potensyal o aktwal na kandidato, o third party na kailangang magparehistro sa ilalim ng subsection 349.6(1) o 353(1) ng Act. Maaaring kabilang dito (nang walang limitasyon) ang content na nagtataguyod o sumasalungat sa anuman sa mga indibidwal/grupo, o isyung nauugnay sa sinuman o anuman sa mga indibidwal/grupo na iyon.

Estado ng Washington

Sa US, kasalukuyang hindi pinapahintulutan ng Snap ang mga ad para sa mga eleksyon ng estado o munisipyo o mga inisyatiba sa balota sa estado ng Washington.

Mga karapatan ng Snap

Ang political ads ay susuriin ng Snap ayon sa sitwasyon. Para magsimula, pakisagutan ang aming form para sa political advertiser.

Nakalaan sa amin ang karapatang tumanggi, ayon sa sarili naming pagpapasya, o na humiling ng mga pagbabago sa ads na sa palagay namin ay lumalabag sa mga pamantayang nakalista sa itaas o na hindi naaangkop. Hinding-hindi kami magpapasya nang may layuning paburan o hindi paburan ang sinumang kandidato o anumang political view o political party.

May karapatan din kaming humingi ng pagpapatunay sa mga factual na pahayag ng isang advertiser.

Ang Snap ay maaaring magpakita sa publiko o 'di kaya'y magbunyag ng impormasyon tungkol sa political advertising, kabilang ang ad content, detalye sa targeting, paghahatid, gastusin, at ibang impormasyon tungkol sa kampanya.

Pampulitikang Advertising ng mga Dayuhang Mamamayan o Entity

Ang pampulitikang mga ad sa Snap ay hindi maaaring bayaran, direkta man o hindi, ng mga dayuhang mamamayan o grupo, ayon sa mga terminong ito na itinakda ng mga kaugnay na batas -- sa madaling salita, ng mga tao o grupo na hindi nakatira sa bansa kung saan ipapakita ang ad. Mayroong limitadong eksepsiyon sa pagbabawal na ito para sa mga pampulitikang mga ad na nakatuon sa sinumang Miyembro ng Estado ng European Union (EU), na maaaring bayaran nang direkta o hindi direkta ng mga grupo na nakabase sa ibang Miyembro ng Estado ng EU. Hindi nakikilahok ang Snap sa mga pampulitikang gawain, ni hindi ito nagsisilbing tagapayo sa politika, ahente ng pampublikong impormasyon, o tagapayo sa mga ugnayang pampubliko para sa sinumang banyagang pangunahing tao. Sa paglalagay ng advertisement, kinikilala ng advertiser na may karapatan ang Snap na limitahan ang mga serbisyong ibinibigay nito, sa sarili nitong pasya, upang maiwasan ang pakikilahok sa mga ganitong gawain.