Prohibited Content

Deceptive Content

Alisto kami sa aming pagpapatupad ng mga tuntunin laban sa mapanlokong mga ad. Kabilang sa panloloko ang iba't ibang uri ng mga scam at mapanlinlang na marketing practices na umaabuso sa tiwala ng komunidad o na nang-aakit sa mga user na bumili o magsagawa ng mga aktibidad ayon sa mga kasinungalingan.

Ipinagbabawal namin ang:

  • Ads na hindi totoo o nakalilito, kabilang ang mga mapanlinlang na claim, alok, functionality, o kagawian sa negosyo.

  • Hindi awtorisado o hindi isiniwalat na content na may bayad
    Pagpo-promote ng mapanlinlang na mga produkto o serbisyo, kabilang ang mga pekeng dokumento o sertipiko, o mga pekeng produkto.

  • Paggawa o pagbabahagi ng content na gumagaya sa hitsura o function ng mga feature o mga format ng Snapchat.

  • Ads na naglalaman ng mapanlinlang na tawag sa pagkilos, o nagdadala sa landing pages na walang kaugnayan sa brand o content na ina-advertise.

  • Pagkukubli, o 'di kaya'y paghihigpit sa access sa landing page, o pagbabago sa URL content matapos ang pag-sumite, sa pagtatangkang iwasan ang review.

  • Ads na humihikayat ng hindi tapat na pag-uugali (hal., ads para sa pekeng IDs, plagiarism, mga serbisyo sa essay writing).

  • Hindi paghahatid ng mga produkto, o pagkukunwaring naantala ang shipping o na may limitasyon sa imbentaryo

  • Paggamit ng mga subliminal na pamamaraan

  • Tingnan din ang Mga Partikular sa Industriya: Mga pinansyal na product at serbisyo

Up Next:

Hate, Terrorism and Extremism

Read Next