Prohibited Content

Hate, Terrorism and Extremism

Nope

Ang Snapchat community ay kinabibilangan ng iba't ibang user mula sa buong mundo. Para suportahan ang isang platform na bukas sa lahat, ipinagbabawal namin ang mapoot, diskriminatoryo, o pang-ektremismong content na nagpapahina sa aming paninindigan sa kaligtasan at inclusion.

Ang hate speech ay content na nagmamaliit, naninira, o nagtataguyod ng diskriminasyon o karahasan batay sa lahi, kulay, caste, etnisidad, bansang pinagmulan, relihiyon, sekswal na oryentasyon, pagkakakilanlan ng kasarian, kapansanan, o katayuang beterano, katayuan sa imigrasyon, katayuang sosyo-ekonomiko, edad, timbang, o katayuang nagbubuntis.

Iwasan ang pagpapalaganap ng mga stereotype batay sa alinman sa mga kategoryang nakalista sa itaas.

Nagsisikap kaming magpanatili ng inclusive na community para sa lahat ng Snapchatters. Iwasan ang hindi naaangkop na paggamit ng culturally-sensitive na paglalarawan.

Up Next:

Illegal and Dangerous Activity

Read Next