Policies sa Advertising
Mga Pangkalahatang Kinakailangan
Pag-target at Pagsunod
Ang lahat ng ads ay naaangkop dapat para sa piling audience ng mga ito sa bawat heograpikong lugar kung saan ipapakita ang ads. Ang Snapchat ay app para sa mga may edad 13+, kaya tatanggihan namin ang ads na nakadirekta sa, na para sa mga batang 13 taong gulang pababa.
Sumusunod dapat ang ads sa lahat ng naaangkop na batas, kautusan, ordinansa, tuntunin, mga tuntunin ayon sa pampublikong kautusan, mga kodigo ng industriya, regulasyon, at cultural sensitivities sa bawat heograpikong lugar kung saan ipapakita ang ads. Pakitandaan:
Ang Ads para sa partikular na products o services ay hindi pwedeng i-target batay sa kasarian, edad, o lokasyon.
May mga pag-aatas na nauugnay sa wika sa ilang partikular na lokasyon.
Bilang US-based na kumpanya, ang Snap ay hindi tatanggap ng ads na nagta-target o binabayaran ng mga entity sa mga bansang napapailalim sa U.S. trade sanctions o ilan pang partikular na batas sa U.S. export control.
Mga Pagsisiwalat
Lahat ng kinakailangang paghahayag, disclaimer, at babala sa mga ad ay dapat na malinaw at kapansin-pansin (tingnan ang Mga Detalye at Mga Alituntunin ng Ad para sa higit pang detalye), at dapat na tumpak at malinaw na natukoy ang mga advertiser sa ad.
Privacy: Pangongolekta at Paggamit ng Data
Hindi puwedeng kumolekta ang mga ad ng sensitibong impormasyon o data na may espesyal na kategorya, kasama na ang impormasyong batay sa o kabilang ang: (i) isang paratang o aktuwal na pag-amin ng isang krimen; (ii) impormasyon sa kalusugan; o (iii) impormasyon tungkol sa pinansyal na estado, lahi o etnikong pinagmulan, mga panrelihiyong paniniwala o kagustuhan, sex life o sexual preference, pulitikal na opinyon, o membership sa trade union. Pinapahintulutan namin ang mga survey na nauugnay sa kalusugan na mula sa mga accredited na institusyon sa pananaliksik o organisasyon ng pampublikong kalusugan lamang.
Kinakailangang madaling i-access ang privacy policy ng advertiser kung may anumang personal na impormasyong kinolekta.
Dapat na kolektahin at i-proseso ang personal na impormasyon sa ligtas na paraan. Ipinagbabawal ang ads na nakakapanlinlang sa mga user para magbigay ng personal na impormasyon sa ilalim ng mga mapanlokong gawi.
Hindi dapat ipahayag o ipahiwatig ng ads ang kaalaman sa personal na data, sensitibong impormasyon, online na aktibidad, o ang eksaktong kinaroroonan ng user.
Intellectual Property
Lumalabag na Content
Ang ads ay hindi dapat lumabag sa mga karapatan sa intellectual property, privacy, publicity, o iba pang karapatang legal ng sinumang tao o anumang entity. Ang advertisers ay dapat mayroon ng lahat ng kinakailangang karapatan at pahintulot para sa lahat ng elemento ng kanilang ads. Hindi maaaring itampok ng ads ang pangalan, wangis (kabilang ang mga kamukha), boses (kabilang ang mga kaboses), o iba pang katangiang naghahayag ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal nang walang pahintulot niya.
Ipinagbabawal ang sumusunod:
Ads para sa mga produkto o mga serbisyo na pangunahing ginagamit sa paglabag sa intellectual property rights ng iba, tulad ng mga idinisenyo para i-bypass ang mga mekanismo ng copyright protection (halimbawa, software o cable signal descramblers).
Ads para sa products o mga serbisyo na pangunahing ginagamit sa pagbebenta ng pekeng products, tulad ng imitations ng designer o officially-licensed na products.
Ads para sa mga produkto o serbisyo na may 'di tunay na testimonial o paggamit ng celebrity.
Kung naniniwala kang nilabag ng isang ad na inihahatid sa Snapchat ang iyong mga karapatan sa copyright, trademark, o publicity, hinihikayat ka naming lutasin ang iyong mga alalahanin at makipag-ugnayan nang direkta sa advertiser. O kaya, maaaring iulat dito sa Snap ng may hawak ng karapatan at ng kanilang mga ahente ang nabanggit na paglabag sa intellectual property. Seryoso naming tinutugunan ang lahat ng ganitong ulat.
Mga Pagtukoy sa Snap
Ang ads ay wala dapat ipinapahiwatig na affiliation sa o pag-endorso ng Snap o ng mga produkto nito. Ibig sabihin, ang mga ad ay hindi dapat gumagamit ng anumang trademark o copyright na pagmamay-ari ng Snap, artwork ng Bitmoji, o mga representasyon ng Snapchat user interface, maliban na lang kung pinapahintulutan sa Brand Guidelines ng Snapchat o sa Brand Guidelines ng Bitmoji. Hindi rin maaaring maglaman ang ads ng mga binago o nakakalitong katulad na baryasyon ng anumang trademark na pag-aari ng Snap.
Creative Quality at Landing Page
Lahat ng mga ad ay dapat makatugon sa matataas na quality at editorial standards. Pakipuntahan ang Specs and Creative Guidelines section ng aming Business Help Center para sa mga technical at creative specification para sa bawat isa sa ad products namin. Tatanggihan ang ad creatives na hindi makakatugon sa guidelines na ito.
Kapag nagsusuri ng ads, inilalapat namin ang aming policies hindi lang sa creative ng ad (tulad ng “top Snap,” Filter, o Sponsored Lens), ngunit pati na rin sa landing page o iba pang nauugnay na element ng ad. Tinatanggihan namin ang mga ad na may landing pages na:
Mababang kalidad (hal., mga dead link, mga page na hindi gumagana o hindi naka-format para sa mga mobile phone)
Nakakaabala (hal., mga hindi inaasahang karanasan ng user, biglaang malalakas na ingay, o labis na flashing)
Walang kaugnayan (hal., mga page na hindi tumutugma sa produkto o serbisyong ina-advertise, o na bigla na lang nagbubukas sa proseso ng pagbili para makapagpakita sa user ng mas marami pang ads)
Hindi ligtas (hal., nagtatangkang awtomatikong mag-download ng mga file o mag-phish sa data ng user)
Mga Promosyon
Ang mga promosyon sa Snapchat ay sumasailalim sa Mga Tuntunin sa Promotion ng Snap.
Susunod:
Mga Kinakailangan sa Kategorya ng Mga Ad