Mga Kinakailangan sa Kategorya ng Mga Ad

Pang-adult na Content

Ang lahat ng mga ad ay sumusunod dapat sa mga batas at kultural na pamantayan ng tina-target na lokasyon, kahit na mas mahigpit ang mga ito kaysa sa guidelines na nakalista sa page na ito.

Kasama sa pang-adult na content ang pagpapakita ng, o pagtukoy sa:

  • Mga ari

  • Iba pang madalas na sexualized na bahagi ng katawan (halimbawa: mga puwit, suso, binti, nakalantad na tiyan)

  • Sekswal na gawain

Pinapayagan namin, nang may kundisyon, ang pang-adult na content na hindi naglalayon na magdulot ng sexual arousal, sa mga kontekstong ito:

  • Mga pagtukoy sa anatomy ng ari ng tao sa konteksto ng kalusugan, personal grooming, o edukasyon.

    • Mga halimbawa: mga produkto para sa pagreregla, STI testing, mga PSA tungkol sa mas ligtas na pakikipagtalik mula sa mga mapagkakatiwalaang source, o isang trailer para sa dokumentaryo tungkol sa sekswal na anatomy ng tao.

  • Mga pagtukoy at pagpapakita ng mga internal na bahagi ng ari sa konteksto ng kalusugan.

    • Mga halimbawa: pregnancy tests, ovulation kits, pelvic floor therapy.

  • Mga hindi sinasadyang pagpapakita ng pelvic area, kung nakadamit.

    • Mga halimbawa: mga sinturon, compression shorts, bikini bottoms

  • Pagbibigay-diin sa mga frequently-sexualized na bahagi ng katawan na nauugnay sa non-sexualerotic na produkto o serbisyo.

    • Mga halimbawa: ads para sa swimwear, mga nakalantad na abdominal muscle sa ads para sa mga programa sa ehersisyo, o mga pagpapakita ng mga puwit sa isang ad para sa isang kumportableng upuan.

  • Mga pagpapakita ng sekswal na gawain sa konteksto ng kalusugan o kaligtasan ng publiko.

    • Mga halimbawa: isang pangkaalamang PSA tungkol sa sexual consent, o mga positive reference sa sekswal na oryentasyon o pagkakakilanlan ng kasarian. 

  • Dating ads (basta walang ipinapakitang sekswal na gawain)

Ipinagbabawal namin ang content na sexually suggestive (ibig sabihin, naglalayong magdulot ng sexual arousal, nang hindi lantaran).

Ang suggestive na content ay dapat may paghihigpit sa edad at para lang sa edad 18+ (o sa legal na edad sa tina-target na lokasyon). Hindi namin pinapahintulutan ang sexually suggestive na Sponsored Lenses. Kabilang sa pinaghihigpitang sexually suggestive na content ang:

  • Mga pagpapakita ng sexual anatomy ng ari ng tao o ng hindi malinaw na sekswal na gawain na wala sa konteksto ng kalusugan, grooming, o edukasyon.

    • Mga halimbawa: isang movie trailer na may sexual innuendo, mga ad ng vibrator na hindi gumagamit ng grapikong pananalita o representasyon para ilarawan ang kanilang layuning ipahiwatig ang masturbation (nang hindi gumagamit ng grapikong pananalita), mga ad ng condom na gumagamit ng mga hindi malinaw na parirala tulad ng “getting it on.”    

  • Pagbibigay-diin sa mga bahagi ng katawan na madalas na sekswal na inilalarawan na hindi nauugnay sa produkto o serbisyo. 

Ipinagbabawal namin ang tahasang sekswal na content. Kabilang dito ang:

  • Anumang uri ng sexual solicitation.

  • Paglalarawan o grapikong paglalarawan ng ari sa anumang konteksto, mga nakalantad na utong, walang saplot na puwit, o bahagyang natatakpang kahubaran.

    • Mga halimbawa: isang taong nakahubad ngunit natatakpan ng body paint o mga emoji ang katawan.

  • Mga pagpapakita ng, o mga pagtukoy sa mga partikular na sekswal na gawain, sa anumang konteksto. Kabilang dito ang mga kilos na gumagaya sa partikular na sekswal na gawain, may props man o wala. 

  • Dating ads na nagbibigay-diin sa mga casual na sekswal na karanasan.

  • Anumang uri ng sexual solicitation.

  • Pang-adult na entertainment

    • Mga halimbawa: pornograpiya, sexual live streams, strip clubs, burlesque. 

  • Non-consensual na sexual material.

    • Mga halimbawa: mga tabloid na nagpa-publish ng leaked, pribado, at suggestive na larawan

  • Mga paglalarawan ng, o mga labis na pagbanggit sa sekswal na karahasan.

    • Mga halimbawa: mga grapikong trailer ng pelikula na nagpapakita ng sekswal na pag-atake, mga produktong pangsariling depensa na naglalarawan ng tinangkang sekswal na pag-atake.