Supplemental Privacy Policy ng Spectacles 2024

Pagpapatupad: Setyembre 20, 2024

Maligayang pagdating sa Supplemental Privacy Policy ng Snap Inc. para sa Spectacles 2024. Nilikha namin ang policy na ito upang magbigay ng karagdagang impormasyon para sa mga indibidwal na gumagamit ng Spectacles 2024 device at ng kasamang Spectacles App (magkasamang "Spectacles"). Ang patakarang ito ay suplemento at karagdagan sa aming Privacy Policy at mga tiyak na abiso sa rehiyon at ipinapaliwanag nito kung paano kinokolekta, ginagamit at ibinabahagi ng Snap ang iyong data sa Spectacles.

Kontrol Sa Iyong Impormasyon

Gusto naming ikaw ang may kontrol sa impormasyon mo, kaya binibigyan ka namin ng mga sumusunod na tool, kasama ang:

  • Pahintulot sa Lokasyon. Bilang default ang iyong impormasyon (tumpak na lokasyon sa pamamagitan ng mga pamamaraan tulad ng GPS signals) ay hindi kokolektahin maliban kung ito ay i-enable mo sa Spectacles App. Pwede mong i-disable ang feature na ito anumang oras sa iyong Spectacles App.

  • Camera at Microphone. Kapag nag-pair ka ng iyong Spectacles device sa iyong Spectacles App, kinakailangan ang access sa Camera at Microphone ng iyong Spectacles device para ito ay gumana. Pwede mong tanggalin ang access ng Spectacles App sa Camera at Microphone sa iyong Spectacles device sa pamamagitan ng paghinto sa panggamit ng iyong Spectacles device.

  • Burahin ang iyong Captures. Ang mga larawan at video recordings na nakuha mo sa iyong Spectacles device ay awtomatikong binubura mula sa iyong device kapag dinownload mo ang iyong Captures gamit ang Spectacles App.

Impormasyong Kinokolekta Namin

Kapag ginamit mo ang Spectacles, kinokolekta namin ang iyong impormasyon na ibinibigay mo sa amin, impormasyon na nalilikha namin kapag ginagamit mo ang Spectacles o iba pang impormasyon na natanggap namin sa iyong pahintulot, kabilang ang:

  • Impormasyon sa camera at audio. Upang maibigay sa iyo ang karanasan sa Spectacles, kakailanganin naming kolektahin ang impormasyon mula sa iyong camera at microphone:

    • Impormasyon tungkol sa iyong mga kamay. Para makapag-navigate sa Spectacles kailangan mong gamitin ang iyong mga kamay. Halimbawa, ma-aaccess mo ang in-lens menu sa pamamagitan ng pagtingin sa iyong palad at pinipiga, hinahatak, at hinihila ang mga AR object sa isang karanasan sa lens gamit ang iyong mga daliri. Hindi ito magiging posible kung walang impormasyon na kinokolekta na may kaugnayan sa iyong mga kamay. Tinitingnan namin ang sukat ng iyong mga kamay kabilang ang tinatayang distansya sa pagitan ng iyong mga buko ng daliri, ang posisyon, at galaw ng iyong mga kamay upang makagawa ng AR animated na mga kamay at ilagay ang mga bagay batay sa posisyon at galaw ng kamay.

    • Impormasyon tungkol sa iyong boses. Upang makipag-ugnayan sa mga feature sa Spectacles — tulad ng My AI — gagamit ka ng voice commands na nangangahulugang ipoproseso namin ang iyong audio upang gumawa ng mga text transcript. Maaaring makuha ng microphone ang mga tunog sa paligid mo kapag ginagamit mo ang Spectacles.

    • Impormasyon tungkol sa iyong paligid: Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa pisikal na espasyo na kinaroroonan mo. Halimbawa, maaari naming makilala ang mga bagay sa iyong kapaligiran tulad ng mga pader, bintana, at muwebles at tinataya namin ang laki, hugis, at distansya ng mga bagay na iyon. Ang impormasyon na ito ay tumutulong sa amin na bigyan ka ng isang nakaka-engganyong AR na karanasan.

  • Mga Pag-aayos ng fit. Upang masiguro na ang Spectacles ay pinaka-angkop para sa iyo, kokolektahin namin ang impormasyon na may kaugnayan sa fit at mga preferensya:

    • Distansya ng mata. Kokolektahin namin ang impormasyon tungkol sa distansya sa pagitan ng iyong mga mata. Makakatulong ito sa iyong kaginhawaan, kalinawan ng paningin, at mas mahusay na karanasan sa AR. Maaari mong ibigay ang impormasyong ito sa amin nang ikaw mismo sa pamamagitan ng Spectacles App o maaari naming tantiyahin at kolektahin ito para sa iyo sa pamamagitan ng Camera kapag unang ginamit mo ang Spectacles. Ang impormasyong nakolekta tungkol sa distansya ng mata ay mananatili sa iyong Spectacles device. Maaari mong baguhin sang iyong pag-aayos ng fit sa anumang oras sa Spectacles App.

    • Kapag ginagamit ang Spectacles iOS App upang tantiyahin ang distansya ng iyong mata, ginagamit namin ang TrueDepth camera sa iyong phone upang makuha ang tumpak na data ng mukha ng distansya ng mata. Pero tandaan na real time na ginagamit ang impormasyong ito—hindi namin sino-store ang impormasyong ito sa aming mga server o sini-share ito sa mga third party.

  • Impormasyon ng Location. Kung naka-enable ang iyong lokasyon magagawa mong magdagdag ng mga location-specific na Lenses, stickers, at mai-save ang impormasyong ito kasama ng iyong mga nakuhang litrato o video.

  • Mga nakuhang litrato at video. Maaari kang pumili na kumuha ng mga litrato o mag-record ng mga video gamit ang Spectacles. Ang iyong nakuhang content ay mananatili sa iyong device hanggang i-download mo ito gamit ang Spectacles App.

Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon

Gaya ng inilalarawan sa aming Privacy Policy, ginagamit namin ang iyong impormasyon para sa iba't ibang layunin bukod pa sa pagpapatakbo, paghahatid, at pagpapanatili ng Spectacles. Halimbawa, ginagamit namin ang iyong impormasyon upang:

  • I-personalize ang iyong Spectacles, gamit ang iyong impormasyon tulad ng mga pag-aayos sa fit.

  • Paunlarin at pagbutihin ang aming mga machine learning model para sa augmented reality.

  • Suriin ang iyong impormasyon, tulad ng engagement at metadata sa mga lenses upang makita ang mga uso at pattern ng paggamit, na tumutulong sa amin na maunawaan ang pangangailangan. 

Paano Kami Nagse-share ng Impormasyon

Gaya ng inilalarawan sa aming Privacy Policy, ibinabahagi namin ang impormasyon tungkol sa iyo sa iba para sa iba't ibang kadahilanan. Halimbawa, maaaring ibahagi ng Colocated Lenses ang iyong display name, impormasyon ng device, Bitmoji, ilang partikular na data mula sa camera, at mga aksyon na ginawa mo kasama ang ibang kalahok sa Colocated Lens. Maaari din naming ibahagi ang iyong impormasyon sa mga service provider, kabilang ang aming mga lens developer.

Kung pipiliin mong gamitin ang My AI sa Spectacles, maaari naming ibahagi ang impormasyon, ayon sa iyong direksyon, sa mga third party provider — tulad ng YouTube sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang API service — upang mabigyan ka ng mas mahusay na mga resulta ng paghahanap o mga sagot sa mga tanong na maaaring itanong mo sa My AI. Mangyaring bigyan ng oras ang pagbabasa sa Privacy Policy ng Google upang matuto kung paano nila pinoproseso ang iyong personal na impormasyon.

Makipag-ugnayan sa Amin

Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa Policy na ito o sa aming mga gawi sa priacy, maaari mo kaming kontakin dito.