logoSnap Values

Australia Privacy Notice

Epektibo: Disyembre 10, 2025

Partikular naming ginawa ang notice na ito para sa mga user sa Australia para ipaliwanag kung paano namin hahawakan ang personal na impormasyon para makatugon sa mga batas ng Australia, kabilang ang Privacy 1988 at mga kinakailangan ng Social Media Minimum Age (“SMMA”) ng Online Safety Act 2021.

Ang aming mga Prinsipyo sa Privacy at ang kontrol sa privacy na inaalok namin sa lahat ng user ay nakahanay sa mga batas na ito. Halimbawa, puwedeng i-request ng lahat ng user na magkaroon ng kopya ng kanilang data, i-delete ito, at kontrolin ang kanilang mga setting sa privacy sa app. Para sa ibang mga karapatan at mga obligasyon, tingnan ang aming Privacy Policy.