logoSnap Values

Notice sa Privacy ng Republic of Korea

May bisa simula noong: Pebrero 20, 2025

Partikular naming ginawa ang notice na ito para sa mga user na nasa Republic of Korea. May ilang partikular karapatan sa privacy ang mga user sa Republic of Korea, na inilahad sa batas ng Republic of Korea, kasama na ang Batas sa Proteksyon ng Personal na Impormasyon.  Nakabatay sa mga batas na ito ang aming Mga Prinsipyo sa Privacy at mga kontrol sa privacy na ibinibigay namin sa lahat ng user—tinitiyak ng notice na ito na tinutugunan namin ang mga partikular na kinakailangan ng Republic of Korea. Halimbawa, puwedeng i-request ng lahat ng user na magkaroon ng kopya ng kanilang data, i-delete ito, at kontrolin ang kanilang mga setting sa privacy sa app. Para sa kabuuang picture, tingnan ang aming Patakaran sa Privacy.