Malalang pinsala

Serye ng Tagapagpaliwanag ng Mga Alituntunin ng Komunidad

Na-update noong: August 2023

Ang top priority ay ang kaligtasan ng mga Snapchatters. Seryoso naming isinasaisip ang ugaling nagbabanta sa kaligtasan ng aming kumunidad, lalo na kung ang bantang nakakapinsala ay malala. Itinuturing naming malala ang banta kapag ito ay (1) nakakapinsala sa pisikal at emosyonal na kapakanan ng mga Snapchatter, at (2) ang panganib ng malalang pinsala ay hindi maiiwasan at kapani-paniwala, kasama na ang banta sa buhay, kaligtasan, at kapakanan. Kami ay nakikipagugnayan sa mga bihasa, safety groups, at mga tagapagpatupad ng batas sa mga paksang ito para sa karagdagang kaalaman namin at ng aming kumunidad, at upang gumawa ng akmang aksyon kapag ang mga bantang ito ay umusbong sa aming platform. Ang mga ganitong banta ay itinuturing namin na nangangailangan ng nakakataas na antas ng pagsisiyasat, at ng mabilis, mahigpit at permanenteng kahihinatnan sa mga lumalabag nito. 


Kapag natunton namin ang mga Snapchatter na gumagawa ng mga sumusunod na aktibidades, agad-agad naming pinuputol ang mga account nila, at sa mga iilang pangyayari, isinusuplong namin sila sa mga tagapagtaguyod ng batas:

  • Sa mga gawaing may kinalaman sa sexual exploitation o abusong sekswal, kasama na ang pamamahagi ng paglalarawan ng pananamantala o pangaabuso ng bata, grooming, child o adult sex trafficking, o pangingikil na sekswal (sextortion)   

  • Ang pagtangkang pagbili, pagbenta, pakipagpalitan, o pagtulong sa pagbenta ng drogang nakamamatay at labag sa batas

  • Kapani-paniwala, hindi maiiwasan na banta sa buhay, kaligtasan, o kapakanan, na sakop ang marahas na extremism o gawaing may kinalaman sa terorismo, human trafficking, tugmang banta ng karahasan (katulad ng pambobomba), o iba pang seryosong gawaing kriminal   

Bukod sa pagpapatupad ng mas mahigpit na kahihinatnan sa mga paglabag na ito, ang aming mga internal teams ay tuloy-tuloy na nakikipagugnayan sa mga bihasa upang unawaing lalo kung paano namin matiktikan at mabawasan ang mga banta, maiwasan ang pinsala, at maging palaging maalam sa mga bagay-bagay na maaaring makadulot ng pinsala. Hindi nagtatapos ang aming gawain sa paksang ito at ang paglago nito ay alinsunod sa mga pangangailangan ng aming kumunidad. Inaanyayahan namin kayo na ipaalam ang safety concern, dumalaw sa aming Safety Center, o aralin ang aming mga ginagawa ukol sa nakakapinsalang content at isulong ang kalusugan.