May tatlong pangunahing kategorya ng impormasyong kinokolekta namin:
Impormasyong ibinibigay mo.
Impormasyong nakukuha namin kapag ginagamit mo ang aming serbisyo.
Impormasyong nakukuha namin sa mga third party.
Narito ang ilan pang detalye sa bawat isa sa mga kategoryang ito.
Impormasyong Iyong Ibinibigay
Kapag nakipag-ugnayan ka sa aming mga serbisyo, kinokolekta namin ang impormasyong ibinibigay mo sa amin. Halimbawa, marami sa mga serbisyo namin ang mangangailangang mag-set up ka ng account, kaya kailangan naming mangolekta ng ilang mahalagang detalye tungkol sa iyo, gaya ng pangalan, username, password, email address, phone number, at petsa mg kapanganakan mo. Maaari din naming hilingin sa iyong ibigay sa amin ang ilang karagdagang impormasyong makikita ng publiko sa aming mga serbisyo, gaya ng profile picture o Bitmoji avatar. At kung ginagamit mo ang mga produkto naming pang-commerce para bumili ng isang bagay, tulad ng pinakabagong sneakers na iyon, pwede naming hingin ang impormasyon mo sa pagbabayad, tulad ng numero ng debit o credit card, at nauugnay na impormasyon ng account.
Siyempre, bibigyan mo rin kami ng anumang impormasyong ise-send mo sa pamamagitan ng mga serbisyo namin, gaya ng Mga Snap at Chat, mga pag-uusap sa My AI, mga pagsusumite sa Spotlight, impormasyon sa Public Profile, Memories, at higit pa. Tandaan na ang mga user na tumitingin sa iyong Mga Snap, Chat, at anumang iba pang content ay maaaring palaging i-save ang content na iyon o kopyahin ito sa labas ng app. Kaya, ang parehong common sense na nalalapat sa internet sa pangkalahatan ay nalalapat din sa aming mga serbisyo: huwag mag-send ng mga mensahe o mag-share ng content na hindi mo gugustuhing i-save o i-share ng sinuman.
Kapag kinontak mo ang Support o makipag-ugnayan ka sa amin sa anumang iba pang paraan, kokolektahin namin ang anumang impormasyong iboboluntaryo mo o na kailangan namin para maresolba ang katanungan mo.
Impormasyong Nakukuha Namin Kapag Ginagamit Mo ang Aming Mga Serbisyo
Kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo, kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa kung alin sa mga serbisyo na iyon ang ginamit mo at kung paano mo ginamit ang mga ito. Maaaring alam namin, halimbawa, na nanood ka ng partikular na Story, nanood ng mga video ng pusa sa Spotlight, nakakita ng partikular na ad para sa partikular na yugto ng panahon, nag-explore sa Snap Map, at nagpadala ng ilang Snap. Narito ang mas kumpletong paliwanag tungkol sa mga uri ng impormasyong kinokolekta namin kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo:
Impormasyon sa Paggamit. Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa pamamagitan ng aming services. Halimbawa, maaari naming kolektahin ang impormasyon tungkol sa:
kung paano ka mag-interact sa mga serbisyo namin, gaya ng kung aling Mga Filter o Lenses ang tinitingnan o inilalapat mo sa Mga Snap, kung aling Stories ang pinapanood mo, kung gumagamit ka man ng Spectacles, ang mga interaksyon mo sa My AI, o kung aling mga search query ang isina-submit mo.
kung paano ka nakikipag-usap sa iba pang Mga Snapchatter, tulad ng mga pangalan nila, oras at petsa ng mga komunikasyon mo, ang bilang ng mga mensaheng ipinagpapalit mo sa friends mo, kung sinong friends ang pinakamadalas mong nakakapalitan ng mensahe, at ang mga interaksyon mo sa mga message (tulad ng kapag nagbukas ka ng mensahe o nakita naming naka-capture ka ng screenshot).
Impormasyon ng Content. Kapag ginamit mo ang mga serbisyo namin, pwede kang makipag-ugnayan sa camera o creative tools at gumawa at mag-share ng iba't ibang uri ng content kabilang ang Stories, Mga Snap, at higit pa. Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa content na iyong ginagawa o ibinibigay sa mga serbisyo namin, at ang iyong pakikipag-ugnayan sa camera at creative tools. Para sa ilang partikular na content, pwedeng kabilang dito ang impormasyon batay sa content ng imahe, video, at audio. Halimbawa, kung mag-post ka ng Snap ng Spotlight na naglalaro ka ng basketball, pwede naming ipakita sa iyo ang iba pang Mga Snap ng Spotlight tungkol sa basketball. Pwede rin kaming mangolekta ng iba pang impormasyon tungkol sa content, kabilang ang metadata — na impormasyon tungkol sa content mismo tulad ng petsa at oras na ito ay nai-post at kung sino ang nag-view rito.
Impormasyon ng Device. Kinokolekta namin ang impormasyon mula at tungkol sa mga device na ginagamit mo. Halimbawa, maaari tayong manglekta ng:
impormasyon tungkol sa iyong hardware at software, tulad ng modelo ng hardware, bersyon ng operating system, memory ng device, mga identifier sa pag-advertise, mga natatanging identifier ng application, mga app na naka-install, mga natatanging identifier ng device, data ng paggamit sa device, uri ng browser, mga keyboard na naka-install, wika, level ng baterya, at time zone;
impormasyon mula sa mga sensor ng device, tulad ng mga accelerometer, gyroscope, compass, mikropono, at kung may nakakonekta kang mga headphones; at
impormasyon tungkol sa iyong mga koneksyon sa network sa wireless at mobile, tulad ng mobile phone number, service provider, IP address, at lakas ng signal.
Phonebook ng Device. Dahil tungkol sa pakikipag-ugnayan sa friends ang mga serbisyo namin, maaari kaming — nang may pahintulot mo — mangolekta ng impormasyon mula sa phonebook ng device mo, gaya ng contacts at kaugnay na impormasyon mo.
Camera, Mga Larawan, at Audio. Marami sa aming mga serbisyo ang nangangailangang mangolekta kami ng mga imahe at iba pang impormasyon mula sa camera, mga larawan, at microphone ng device mo. Halimbawa, hindi ka makakapagpadala ng Snaps o makakapag-upload ng mga larawan mula sa iyong camera roll maliban kung maa-access namin ang iyong camera o mga larawan.
Impormasyon ng Location. Kapag ginagamit mo ang aming mga serbisyo, maaari kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong location. Sa pahintulot mo, pwede rin kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa eksaktong location mong kinabibilangan ng mga pamamaraan tulad ng mga signal ng GPS.
Impormasyong Kinokolekta ng Cookies at Iba Pang Mga Teknolohiya. Tulad ng karamihan ng online na serbisyo at mobile application, maaari kaming gumamit ng cookies at iba pang mga teknolohiya, gaya ng mga web beacon, web storage, at natatanging advertising identifier, para mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad, browser, at device. Maaari rin naming gamitin ang mga teknolohiya na ito para mangolekta ng impormasyon kapag nakipag-ugnayan ka sa mga serbisyong ibinibigay namin sa pamamagitan ng isa sa aming mga kaakibat, gaya ng mga tampok sa pagpapatalastas at komersyo. Halimbawa, maaari naming gamitin ang impormasyong nakolekta namin sa ibang mga website para pakitaan ka ng marami pang nauugnay na mga ads. Nakatakda ang karamihan ng mga web browser na tumanggap ng cookies bilang default. Kung gusto mo, karaniwan ay maaari mong tanggalin o tanggihan ang mga cookies ng browser mula sa mga settings sa iyong browser o device. Gayunpaman, tandaang maaaring makaapekto sa availability at functionality ng aming mga serbisyo ang pag-alis o pagtanggi sa cookies. Para higit pang makaalam kung paano namin at ng aming mga partner ginagamit ang cookies sa aming mga serbisyo at sa iyong mga pinipili, pakitingnan ang aming Cookie Policy.
Impormasyon ng Log Pwede rin kaming mangolekta ng impormasyon ng log kapag ginamit mo ang website namin, tulad ng:
mga detalye kung paano mo ginamit ang aming mga serbisyo;
impormasyon ng device, tulad ng uri ng iyong web browser at wika;
mga identifier na nauugnay sa mga cookies o iba pang mga teknolohiya na maaaring natatanging makatukoy sa iyong device o browser; at
mga page na binisita mo bago o pagkatapos bisitahin ang aming website.
Iba pang impormasyon, nang may pahintulot mo. Pwedeng may mga pagkakataon kapag nakipag-interact ka sa mga serbisyo naming hihilingin namin ang pahintulot mong mangolekta ng karagdagang impormasyon. Halimbawa, kung gusto mong lumahok sa Made For Me Panel namin o manirahan sa hurisdiksyon kung saan itinuturing ang ilang partikular na data na sensitibo, hihilingin namin ang pahintulot mo at magbibigay sa iyo ng heads up sa kung anong data, kabilang ang sensitibong data, kung mayroon man, ang kinokolekta namin.
Impormasyong Kinokolekta Namin mula sa Mga Third Party
Maaari kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyo o sa iba pang user, sa aming mga affiliate, at mga third party. Narito ang ilang mga halimbawa:
Kung ni-link mo ang iyong Snapchat account sa isa pang serbisto (kagaya ng Bitmoji o ng third party na app), maaaring kaming makatanggap ng impormasyon mula sa ibang serbisyo, kagaya ng kung paano mo ginagamit ang serbisyo na iyon.
Pwede kaming makakuha ng impormasyon mula sa mga advertiser, developer ng app, publisher, at iba pang mga third party. Maaari naming gamitin ang impormasyong ito, bukod sa iba pang paraan, para makatulong na ma-target o masukat ang pagganap ng ads. Pwede ka pang makaalam tungkol sa paggamit namin ng ganitong uri ng third-party data sa Site ng Support namin.
Kung isa pang user ang nag-a-upload ng listahan nila ng contact, pwede naming pagsamahin ang impormasyon tungkol sa iyo mula sa listahan ng contact ng user na iyon sa iba pang impormasyong nakolekta namin tungkol sa iyo.
Kung ibibigay mo sa amin ang impormasyon mo sa pakikipag-ugnayan, pwede naming gamitin ang impormasyong iyon at impormasyong nakuha mula sa mga third party para matukoy kung pwede kaming makipag-ugnayan sa iyo sa iba pang platforms ng pagmemensahe.
Pwede kaming makatanggap ng impormasyon mula sa mga third party, kabilang ang mga publisher ng website, provider ng social network, tagapagpatupad ng batas, at iba pa, tungkol sa mga potensyal na lumalabag sa Terms of Service at Community Guidelines namin.