Susunod: pagpapatakbo. Gumagana ang mga produkto namin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ilang impormasyong hinihingi ninyo — tulad ng Snap na gusto mong ipadala sa isang friend o i-add sa Spotlight. Pwedeng gamitin ng mga partikular na feature, tulad ng Snap Map, ang iyong lokasyon upang matulungan kang i-explore ang Map at ibahagi ang iyong lokasyon sa friends mo. Pwede mo ring gamitin ang Snapcodes upang mag-share ng mga website, Lenses, at friends sa ibang Snapchatters.
Upang patuloy na paganahin ang mga bagay, sinusubaybayan din namin kung paanong ginagamit ang aming mga produkto at feature, sinusuri namin ang mga trend, at pinakikinggan namin ang inyong feedback upang mapahusay ang mga ito araw-araw! Halimbawa, maaari naming suriin kung gaano ka katagal nasa app, anong Mga Filter o Lenses ang pinakamadalas mong ginagamit, at ang content ng Spotlight na gusto mong panoorin. Natutulungan kami nitong maunawaan kung anong laganap sa ating komunidad — at pinaaalam sa mga publisher kung anong content ang pinaka-ikinatutuwa ng mga tao!
Ginagamit din namin ang ilan sa iyong impormasyon upang mapanatiling napapanahon ang aming mga produkto. Bilang kumpanya ng teknolohiya, mahalagang tiyaking maaaring mag-record ang aming camera sa mataas na kalidad, sa maraming iba't ibang device hangga't maaari. Kaya kung may bago kang phone sa araw ng pag-launch, maaari naming tasahin ang performance ng iyong device upang matiyak na naiaakma namin ang Snapchat dito!
Gayundin, kapag naglabas kami ng mga bagong bersyon ng app, kailangan naming tiyakin na gumagana ito nang maayos sa iba't ibang operating system at device. Mahigit isang bilyong Snaps ang nililikha at naisi-share araw-araw, kaya sinusuri din namin ang dami ng Snaps upang matiyak na maihahatid namin ang mga ito nang mabilis at ligtas.