Ang aming Transparency Report para sa Ikalawang Bahagi ng 2021

Abril 1, 2022

Nakatuon kami na gawing mas komprehensibo ang aming mga Transparency Report kumpara sa nakaraan. Hindi namin binabalewala ang responsibilidad na ito, dahil alam naming katulad namin, mahalaga rin sa aming mga stakeholder ang online safety at accountability. Bilang bahagi ng nagpapatuloy na pagsisikap na ito, nagdagdag kami ng ilang bagay at pinahusay ang aming pinakabagong Transparency Report, na sumasaklaw sa ikalawang hati ng 2021.

Una, nag-aalok kami ng bagong detalye sa dami ng content na ipinatupad namin laban sa mga paglabag kaugnay ng droga. Hindi namin pinalalampas ang pagpo-promote ng ilegal na droga sa Snapchat at ipinagbabawal ang pagbili o pagbebenta ng ilegal o kontroladong droga.

Sa nakalipas na taon, partikular kaming nakapokus sa pagtunggali sa pagdami ng mga aktibidad na nauugnay sa ilegal na droga bilang bahagi ng mas malaking epidemya ng fentanyl at opioid sa buong U.S. Mayroon kaming holistic approach na kinasasangkutan ng paglalabas ng tools na aktibong naghahanap ng content na may kinalaman sa droga, habang nakikipagtulungan sa mga tagapagpatupad ng batas upang masuportahan ang kanilang mga imbestigasyon, at nagbibigay ng impormasyon mula sa app at suporta sa mga Snapchatter gamit ang aming fentanyl-related education portal, ang Heads Up. Naglalabas ang Heads Up ng mga sanggunian mula sa mga ekspertong organisasyon kapag nagse-search ang mga Snapchatter ng isang bahay ng mga salitang nauugnay sa droga at ng mga derivative nito. Bilang resulta ng patuloy na pagsisikap na ito, karamihan ng content na may kaugnayan sa droga na natutuklasan namin ay aktibong nahahanap ng aming machine learning at artificial intelligence technology, at patuloy naming pagsisikapang maiwaksi ang mga aktibidad na may kaugnayan sa droga sa aming platform

Kapag may nakita kaming aktibidad na kinasasangkutan ng pagbebenta ng mapanganib na droga, agad naming bina-ban ang account, bina-block ang nagkasala na gumawa ng mga bagong account sa Snapchat, at pwede naming i-preserve ang content na nauugnay sa account upang makatulong sa imbestigasyon ng tagapagpatupad ng batas. Sa loob ng reporting period na ito, pitong porsyento ng lahat ng content na nahuli namin sa buong mundo, at 10 porsyento ng lahat ng content na nahuli namin sa US, ay nagsangkot ng mga paglabag kaugnay ng droga. Sa buong daigdig, ang median turnaround time na itinagal ng aksyon namin para maparusahan ang mga account na ito ay sa loob ng 13 minuto mula nang matanggap ang report.

Pangalawa, gumawa kami ng bagong kategorya ng pagpapakamatay at pananakit sa sarili upang magbahagi ng kabuuang bilang ng content at account report na natanggap at inaksyunan namin nang matukoy ng aming Trust & Safety teams na posibleng nasa krisis ang isang Snapchatter. Kapag nakilala ng aming Trust & Safety team ang isang Snapchatter na nababalisa, mayroon silang opsyon na ipasa ang pag-iwas sa pananakit sa sarili at mga mapagkukunan ng suporta, at abisuhan ang mga tauhan ng pagtugon sa emergency kung naaangkop. Napakahalaga sa amin ng mental health at kapakanan ng Snapchatters at naniniwala kaming tungkulin naming suportahan ang aming komunidad sa mahihirap na sandaling ito.

Bilang dagdag sa mga bagong elementong ito sa pinakabagong Transparency Report namin, ipinakikita ng aming data na nagkaroon ng pagbaba sa dalawang susing larangan: sa Violative View Rate (VVR) at sa bilang ng account na pinarusahan namin na nagtangkang magpalaganap ng mapanirang pananalita, karahasan, o pananakit. Ang aming kasalukuyang Violative View Rate (VVR) ay 0.08 porsyento. Ibig sabihin, sa bawat 10,000 Snap at Story views sa Snapchat, walo ang may content na lumalabag sa amning Community Guidelines. Mas mabuti na ito kumpara sa huling reporting cycle, kung saan ang aming VVR ay 0.10 porsyento.

Ang pundamental na disenyo ng Snapchat ay nagpoprotekta laban sa pag-viral ng nakasasamang content, na nag-aalis ng insentibo para sa content na umaantig sa pinakamasasamang kagustuhan ng mga tao, at naglilimita ng mga alalahaning nauugnay sa pagkalat ng masamang content kagaya ng maling impormasyon, hate speech, content ng pananakit sa sarili, o ekstremismo. Sa mga mas publikong bahagi ng Snapchat, tulad ng aming Discover content platform at aming Spotlight entertainment platform, namimili o kinokontrol muna namin ang content upang matiyak na sumusunod ito sa aming mga patnubay bago ito makarating sa mas malawak na audience.

Patuloy kaming nagbabantay para mapahusay ang aming human moderation at bilang resulta, napahusay namin ang panggitnang tagal ng pagpaparusa nang 25 porsyento para sa hate speech at walong porsyento para sa mga banta at karahasan o pananakit tungong 12 minuto sa parehong kategorya.

Naniniwala kami na pinakamahalagang responsibilidad namin ang panatilihing ligtas ang aming komunidad sa Snapchat at patuloy naming pinatitibay ang aming mga komprehensibong pagsisikap para magawa iyon. Hindi natatapos ang aming gawain dito, ngunit patuloy kaming magpapadala ng mga update kaugnay ng aming pag-usap at nagpapasalamat kami sa aming maraming partners na regular na tumutulong upang humusay pa kami.

Bumalik sa Mga Balita