Ang Aming Hakbang sa Pagpigil sa Pagkalat ng Maling Impormasyon
Agosto 9, 2021
Ang Aming Hakbang sa Pagpigil sa Pagkalat ng Maling Impormasyon
Agosto 9, 2021
Habang patuloy na nilalabanan ng mundo ang mga pinakabagong pagsulong ng pandemya ng COVID-19, mas mahalaga kaysa dati na tiyaking may access ang publiko sa tumpak at mapagkakatiwalaang impormasyon. Ang mabilis na pagkalat ng maling impormasyon ay maaaring magdulot ng mga seryosong banta sa aming mga institusyon at kalusugan ng publiko, at naniniwala kami na kami ay nasa isang sandali kung saan ang mga kumpanya, organisasyon, at indibiduwal ay dapat mag-isip ng kanilang mga pagsisikap upang makatulong na maiwasan ito.
Sa ganoong diwa, naisip namin na magiging kapaki-pakinabang ang paglakad sa aming matagal nang pinanghahawakan na paraan sa pagpigil sa pagkalat ng maling impormasyon sa Snapchat, at ang mga paraan na ginagawa namin upang mapabuti.
Ang aming paraan ay palaging nagsisimula sa arkitektura ng aming platform. Ang Snapchat ay orihinal na ginawa upang tulungan ang mga tao na makipag-usap sa kanilang malalapit na kaibigan, sa halip na magbigay ng pagkakataong mag-broadcast ng mga mensahe sa buong app. At palagi naming nararamdaman ang isang malaking responsibilidad na tiyaking ang mga balita at impormasyon nakikita ng aming komunidad sa Snapchat ay mapaniniwalaan, mula sa mga pinagkakatiwalaan at malinaw na mga source.
Ang mga pinagbabatayan na prinsipyong ito ay nagbigay-alam sa aming disenyo ng produkto at mga desisyon sa patakaran habang ang Snapchat ay patuloy na nagbabago sa paglipas ng mga taon.
Sa aming app, hindi namin pinahihintulutan ang hindi pa nasuri na nilalaman na magkaroon ng pagkakataon na 'maging viral.' Ang Snapchat ay hindi nag-aalok ng isang hindi na-moderate na open newsfeed kung saan ang mga hindi pa natukoy na indibiduwal o publisher ay maaaring mag-broadcast ng maling impormasyon. Ang aming platform, ang Discover, ay nagtatampok lamang ng content mula sa mga kanais-nais na mga media publisher at content creator. Ang aming entertainment platform, Spotlight, ay proactive na pinapamahalaan bago maabot ng content ng isang malaking audience. Nag-aalok kami ng mga Group Chat, ngunit ang mga ito ay limitado sa laki, hindi inirerekomenda ng mga algorithm, at hindi natutuklasan sa aming platform kung hindi ka miyembro ng Group na iyon.
Matagal nang ipinagbabawal ng aming mga alituntunin ang pagkalat ng maling impormasyon. Parehong ang aming Mga Alituntunin sa Komunidad, na pantay na nalalapat sa lahat ng mga Snapchatter, at ang amingalituntunin sa nilalaman, na nalalapat sa aming mga kasosyo sa Discover, ay nagbabawal sa pagkalat ng maling impormasyon na maaaring magdulot ng pinsala, kabilang ang mga teorya ng pagsasabwatan, pagtanggi sa pagkakaroon ng mga kalunos-lunos na kaganapan, hindi napapatunayang medikal na claim, o pagsira sa integridad ng mga civic process. Regular naming sinusuri at ina-update ang aming mga patakaran habang lumalaganap ang mga bagong anyo ng maling impormasyon: halimbawa, bago ang halalan sa 2020, in-update namin ang aming mga alituntunin para linawin na ang minamanipulang media na naglalayong manligaw -- o mga deepfake -- ay ipinagbabawal.
Ang aming paraan sa pagpapatupad laban sa content na may kasamang maling impormasyon ay direkta -- hindi namin ito nilagyan ng label, ganap aming inaalis ito. Kapag nakakita kami ng content na lumalabag sa aming mga alituntunin, ang aming patakaran ay alisin lang ito, na agad binabawasan ang pangaib na maibahagi ito ng mas malawakan.
Sinusuri namin ang mga epekto sa kaligtasan at provacy ng lahat ng mga bagong feature sa panahon ng front end ng proseso ng pagbuo ng produkto -- na kinabibilangan ng pagsusuri sa mga potensyal na vector para sa maling paggamit. Mayroon kaming mga internal na hakbang para suriin ang potensyal na epekto ng isang bagong feature sa kaligtasan, privacy, at kapakanan ng parehong mga Snapchatter, aming mga indibiduwal na user at lipunan sa panahon ng proseso ng pagbuo produkto -- at kung sa tingin namin ay magiging daan ito para sa masasamang mga tao na magbahagi ng maling impormasyon, hindi ito mailalabas.
Gumagamit kami ng pagsusuri ng tao upang suriin ang lahat ng mga ad sa pulitika at mga advocacy. Gaya ng lahat ng content sa Snapchat, ipinagbabawal namin ang maling impormasyon at mapanlinlang na mga gawi sa aming pagpapatalastas. Lahat ng mga pampulitikang patalastas, kabilang ang patalastas na may kaugnayan sa eleksyon, patalastas sa pagtataguyod sa isyu, at patalastas tungkol sa isyu, ay dapat mayroong malinaw na "binayaran ni" na mensahe na nagsisiwalat ng organisasyong nag-isponsor. Gumagamit kami ng pagsusuri ng tao para suriin ang katumpakan ng lahat ng pampulitikang patalastas, at nagbibigay ng impormasyon tungkol sa lahat ng patalastas na pumapasa sa aming pagsusuri sa aming library ng Pampulitikang mga Patalastas.
Nakatuon kami sa pagpapataas ng transparency sa aming mga pagsisikap na labanan ang maling impormasyon. Ang aming pinakabagongTransparency Report, na sumaklaw sa ikalawang kalahati ng 2020, ay may kasamang ilang bagong elemento, kabilang ang data tungkol sa aming mga pagsisikap na ipatupad laban sa maling impormasyon sa buong mundo. Sa panahong ito, gumawa kami ng aksyon laban sa 5,841 piraso ng content at mga account para sa mga paglabag sa aming mga patakaran sa maling impormasyon -- at plano naming magbigay ng mas detalyadong mga breakdown ng mga paglabag na ito sa aming mga ulat sa hinaharap.
Habang patuloy kaming nagsisikap na alisin ang mga incetive para sa pagbabahagi ng maling impormasyon, kapwa sa pamamagitan ng aming mga pagpipilian sa disenyo ng produkto at aming mga patakaran, nakatuon din kami sa pakikipagsosyo sa mga eksperto upang i-promote ang makatotohanang impormasyon sa kalusugan at kaligtasan. Mula noongpanimula ng pandemya, nakipagtulungan kami sa mga opisyal at ahensya ng pampublikong kalusugan, kabilang ang World Health Organization at ang Centers for Disease Control and Prevention, upang maglathala ng regular na mga update sa kaligtasan, at ang aming mga kasosyo sa balita sa buong mundo ay gumawa ng patuloy na saklaw ng pandemya. Noong panimula ng Tagsibol, nang maging available ang mga bakuna para sa mga kabataan sa US, naglunsad kami ng bagong pagsisikap kasama angWhite House para tulungan ang mga Snapchatter na sagutin ang mga karaniwang tanong, at noong Hulyo, nakipagtulungan kami sa National Health Service ng UK sa katulad na pagsisikap.
Ang paggawa ng aming bahagi upang tulungan ang aming komunidad na manatiling ligtas at malusog ay isang patuloy na priyoridad para sa amin, at patuloy kaming mag-e-explore ng mga bagong paraan upang maabot ang mga Snapchatter kung nasaan sila, habang pinapalakas ang aming mga pagsisikap na protektahan ang Snapchat mula sa epidemya ng aling impormasyon.