Sumali ang mga eksperto sa AI sa Safety Advisory Board ng Snap
Hulyo 31, 2023
Sumali ang mga eksperto sa AI sa Safety Advisory Board ng Snap
Hulyo 31, 2023
Sa unang bahagi ng taong ito, inanunsyo ng Snap na naghahanap ito ng mga aplikasyon mula sa mga kwalipikadong espesyalista sa artificial intelligence (AI) para sumali sa aming Safety Advisory Board (SAB), ngayon, isang grupo ng 16 na propesyonal at tatlong tagapagtaguyod ng kabataan ay nagsisilbing sounding board ng Snap sa mga isyu sa kaligtasan ng platform. Ikinalulugod naming i-share na dalawang eksperto sa AI ang sumali sa board namin at nakibahagi sa unang in-person na pagpupulong ng aming bagong SAB noong nakaraang buwan.
Meeri Haataja, CEO ng Finland-based Saidot, at Patrick K. Lin, U.S.-based na abogado at may-akda ng Machine See, Machine Do, ay napili sa dose-dosenang aplikante para sa dalawang AI-expert na pwesto sa SAB ng Snap. Naghahatid sina Meeri at Patrick ng maraming kaalaman at karanasan at tumutulong na magbigay-liwanag sa aming pag-iisip sa mga isyu sa intersection ng AI at kaligtasan online. Narito ang ilang komento mula kina Meeri at Patrick sa kanilang sariling mga salita:
Meeri: “Natutuwa akong sumali sa group na ito at makipag-collaborate sa Snap sa kanilang AI journey. Nabubuhay tayo sa mahahalagang panahon kung saan gumagawa ang mga teknolohiya ng AI ng mga bagong pagkakataon para sa mga kumpanya ng social media na pahusayin at pinuhin ang kanilang halaga at serbisyo. Sa pagkakaroon ng ganoong scale ng impact, may napakahalagang responsibilidad ang Snap na i-explore ang mga oportunidad sa AI nang may pag-iingat, na inuuna ang kapakanan ng mga kabataang user nito at pagprotekta sa kanila mula sa mga potensyal na panganib. May pribilehiyo akong makipag-collaborate sa Snap sa pamamagitan ng multidisciplinary na Safety Advisory Board para makatulong na matiyak ang ligtas at responsableng AI deployment at, sana, mag-ambag din sa paggawa ng mga responsableng kasanayan sa industriya para sa AI sa social media."
Patrick: “Nag-aalok ang AI ng mga kapana-panabik na pagkakataon para magpakilala ng mga bagong pakikipag-ugnayan at feature sa social media. Gayunpaman, hindi ganap na mauunawaan ang mga potensyal na benepisyo ng AI nang walang pinag-isipan at patuloy na mga talakayan tungkol sa mga panganib ng teknolohiya. Magandang makita ang Snap na kinikilala ang mga panganib na iyon habang isinasaalang-alang ang mga paraang magagamit ang teknolohiya para bumuo ng mas ligtas na digital space, lalo na para sa mga tinedyer at kabataan. Inaasahan kong makapag-ambag sa mga patuloy na pagsisikap na iyon bilang espesyalista sa AI sa Safety Advisory Board ng Snap."
Noong 2022, pinalawak at muling inayos namin ang aming SAB para isama ang mas magkakaibang group ng mga propesyonal mula sa iba't ibang heograpiya, disiplina, at tungkuling nauugnay sa kaligtasan. Pumili rin kami ng tatlong miyembro ng Generation Z, na pawang mga power-user ng Snapchat, para matiyak ang representasyon – sa madiskarteng antas na ito – ng pinakamahalagang boses ng kabataan. Nag-udyok sa amin ang pagdating ng My AI na palawakin pa ang SAB namin para maisama ang mga eksperto sa kakaiba at lumalagong larangang ito.
Nagpapasalamat kami kina Meeri at Patrick, at sa lahat ng miyembro ng SAB namin, para sa malalim na mga insights at mga pananaw na ibinahagi nila sa inaugural na in-person na pagpupulong sa headquarters ng Snap noong nakaraang buwan. Sama-sama naming tinalakay ang mga bago at kasalukuyang feature at functionality ng product, kumplikadong pandaigdigang mga isyu ng pambatasan at regulasyon, at mga ideya para maabot ang Mga Snapchatter at mga magulang ng mga pinakabatang user namin na may mga mahahalagang tip na nagpapataas ng kamalayan at nagbibigay-kaalaman para manatiling ligtas.
Inaanyayahan namin ang aming SAB na makipagtulungan sa amin sa loob ng maraming buwan at taon pa.
- Jacqueline Beauchere, Snap Global Head of Platform Safety