Kilalanin ang bagong Safety Advisory Board ng Snap!
Oktubre 11, 2022
Kilalanin ang bagong Safety Advisory Board ng Snap!
Oktubre 11, 2022
Sa unang bahagi ng taon, inanunsyong Snap na muling bubuuin ang aming Safety Advisory Board (SAB) na may layuning palakihin at palawakin ang pagiging miyembro upang isama ang pagkakaiba-iba ng mga heograpiya, mga disiplinang nauugnay sa kaligtasan at larangan ng kadalubhasaan. Sa paggawa nito, naglunsad kami ng proseso ng aplikasyon, nag-aanyaya ng mga eksperto at mga indibidwal mula sa buong mundo para pormal na ipahayag ang kanilang pagnanais sa pagbibigay ng gabay at direksyon sa Snap sa lahat ng bagay na ligtas.
Tumanggap kami ng dose dosenang aplikasyon mula sa mga indibidwal at mga eksperto sa buong mundo na aming sinuri sa pamamagitan ng layunin, maraming proseso, na nagtatapos sa isang ehekutibong antas ng pagsang-ayon ng aming komite sa pagpili na inirekomenda. Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga sumubok dahil sa kanilang kagustuhan na suportahan at gumawa kasama ng Snap sa ganitong kritikal na mga isyu, at kami ay napagpakumbaba sa ganyang pagbuhos ng interes at pangako.
Ngayon, nagagalak kami na ianunsyo na ang aming Lupon ng mga Tagapayo ay lumalaki tungo sa 18 na mga miyembro, base sa 9 na mga bansa at na kumakatawan sa 11 iba't ibang mga heograpiya at mga rehiyon. Ang bagong Lupon ay binubuo ng 15 propesyonal mula sa tradisyunal na online na nakatuon sa kaligtasan at mga kaugnay na organisasyon, pati ng mga teknolohista, mga akademiko, mga mananaliksik, at mga nakaligtas sa online na kapahamakan. Ang mga miyembro ay eksperto sa paglaban sa mga kilalang online na panganib sa kaligtasan, gaya ng pagsasamantala sa mga bata at pag-abuso at mga nakamamatay na mga droga, at may malawak na karanasan sa disiplinang may kaugnayan sa kaligtasan. Karagdagan pa, makakasama namin ang 3 miyembro ng Lupon na mga kabataan at mga tagapagtaguyod. Pinili namin ang mga aplikanteng ito para masiguro ng Lupon ang kahandaang maharap ang napakahalagang "boses ng kabataan" at pangmalas; para masiguro ang isang bahagi ng Lupon kasama ang pagtutuon sa mga gumagamit ng Snapchat; at humanap para balansehin ang propesyunal na mga pangmalas kasama ang praktikal na pananaw mula sa pinakademograpikong pangmalas ng komunidad ng Snapchat.
Ang mga sumusunod na mga indibidwal ay nakipag kompromiso sa Safety Advisory Board:
Alex Holmes, deputy CEO, The Diana Award, UK
Amanda Third, professorial research fellow, Institute for Culture and Society, Western Sydney University, Australia
Castra Pierre, young adult, miyembro ng USAID's Digital Youth Council, Haiti
Ed Ternan, president, Song for Charlie, U.S.
Hany Farid, propesor ng computer science, University of California, Berkeley, U.S.
Jacob Sedese, young adult, estudyante at part-time tech journalist, U.S.
James Carrol, Jr., dating direktor ng Office of National Drug Control Policy, U.S.
Janice Richardson, international advisor on children's rights and digital citizenship, Insight2Act, base sa The Netherlands at naka-pokus sa Europe at North Africa
Justin Atlan, director general, eEnfance, France
Jutta Croll, chair of the board, Stiftung Digitale Chancen (Digital Oppurtunities Foundation), Germany
Lina Nealon, director of corporate and strategic initiatives, National Center on Sexual Exploitation (NCOSE), U.S.
Lucy Thomas, CEO and co-founder, PROJECT ROCKIT, Australia
Maria Loodberg, expert advisor, Friends/World Anti-Bullying Forum, Sweden
Michael Rich, pediatrician, founder and director Digital Wellness Lab & Clinic for Interactive Media and Internet Disorders, Boston Children's Hospital, Harvard Medical School, U.S.
Okulaja, rapper, content creator, youth advocate, UK
Sudhir Ventakesh, professor, Columbia University, U.S.
Victoria Baines, professor of IT, Gresham College, UK
Yuhyun Park, founder and CEO, DQ Institute, Singapore
"Salamat sa teknolohiya, tayo ay mas konektado na ngayon, at Ang Snap ay gumanap ng mahalagang bahagi sa paghikayat sa sosyal na pakikipag-ugnayan." sabi ni Jim Carroll, dating White House "Drug Czar" at kasalukuyang prinsipal sa Michael Best Advisors. "Isang karangalan sa akin na tumulong sa Snap sa kanyang gawain bilang bahagi ng kanilang Advisory Board, na gumagawa para siguruhin ang patuloy na pag-unlad ng digital landscape sa isang positibo at ligtas na lugar para sa kanilang pang-globong komunidad para patuloy na umunlad."
Mula kay Hany Farid, propesor ng computer science, University of California, Berkeley: "Sa U.S., 13 ang kalimitang edad ng bata na sumasali sa social media. Isa pang dekada bago ganap na mabuo ang prefrontal cortex ng isang bata. Tulad ng ginagawa natin sa mundong offline, mayroon tayong responsibilidad na protektahan ang mga batang lumalahok sa napakalaking online na eksperimentong ito. Ako ay hinihikayat sa kung gaano kaseryoso ang Snap sa pagsasaalang-alang sa mga panganib na dulot ng social media sa mga bata, at ako ay nasasabik na sumali sa kanilang kahanga-hangang koponan upang matiyak na ang kanilang (at lahat) mga serbisyo ay ligtas para sa ating mga pinakabata at pinakamahina na mamamamayan."
"Ang Snapchat ang ginagamit ng mga kabataan na pasyente ko upang makipag-usap sa isa't-isa; ito ang kanilang wika," sabi ni Michael Rich, pediatrician, founder at director, Digital Wellness Lab & Clinic for Interactive Media and Internet Disorders, Boston Children's Hospital, Harvard Medical School. "Hinihikayat ako ng pananaw ni Snap na humingi ng payo batay sa ebidensya kung paano naapektuhan ang pisikal, mental, at panlipunang kalusugan ng kabataan sa positibo at negatibong paraan sa pamamagitan ng kung paano sila nakikipag-usap sa visual na social media."
Ang bagong Lupon ay magpupulong sa unang pagkakataon sa buwang ito at pagkatapos ay tatlong beses sa isang partikular na taon. Kasama sa aming inaugural meeting ang isang pangkalahatang ideya ng Snapchat ay ang bagong Family Center, pati na rin ang isang preview ngaming kontribusyon sa internasyonal na Safer Internet Day 2023 sa Pebrero 7. Ang mga miyembro ng lupon ay hindi binayaran para sa kanilang oras, ngunit may kakayahan ang Snap na suportahan ang mga programa at mga initiative ng isang organisasyon na umaayon sa layunin ng Snap.
Gusto naming malaman ng lahat ng nag-apply na ang pagiging bahagi ng Safety Advisory Board ng Snap ay hindi tanging paraan para makipag-ugnayan sa amin sa mga isyu sa kaligtasan. Katulad ng kung paano namin binuo ang aming bagong tool sa magulang at tagapag-alaga, Family Center, plano naming tawagan ang aming mga miyembro ng advisory board, pati na rin ang iba pang mga eksperto at tagapagtaguyod sa buong mundo para magbahagi ng feedback at pananaw sa kaligtasan na kaugnay ng mga patakaran, mga feature ng produkto, at iba pang mga initiative. Inaasahan namin ang pagsasagawa sa pag-unlad na ito, ipagpatuloy na pagyamanin ang kaligtasan sa Snapchat, at suportahan ang mga teenager at mga kabataan na kumonekta sa kanilang mga kaibigan, lumikha, at magsaya!
-Jacqueline Beauchere, Snap Global Head of Platform Safety