Naghahanap ng mga AI expert para sa Safety Advisory Board ng Snap
Marso 31, 2023
Naghahanap ng mga AI expert para sa Safety Advisory Board ng Snap
Marso 31, 2023
Noong nakaraang taon sa parehong panahon, inimbitahan ng Snap ang mga kuwalipikadong expert na mag-apply para makasali sa aming bagong Safety Advisory Board (SAB), na ngayon ay grupo ng 14 na propesyonal at tatlong tagapagtaguyod ng kabataan na nagbibigay ng payo sa Snap tungkol sa "lahat ng bagay tungkol sa kaligtasan." Makalipas ng isang taon, labis naming pinapahalagahan ang feedback at mga input na regular naming natatanggap mula sa aming board, pati na rin ang mula sa pinagkakatiwalaan at nagtutulungang komunidad na ating nililikha.
Habang lumalago at nagbabago ang SAB sa nakaraang taon. ganoon din ang naging karanasan ng Snapchat — sa pamamagitan ng ganap na pagtanggap sa artificial intelligence (AI) sa pagdating ng My AI. Kaya simula ngayon, tumatanggap na kami ng mga aplikasyon para sa maliit na bilang. ng mga expert na puwedeng sumali sa aming Safety Advisory Board at magbahagi ng kanilang espesyalisadong kaalaman sa AI.
Hinihiling namin sa mga interesadong expert na kumpletuhin at isumite hanggang Martes, Abril 25, ang maikling application form na ito. Layunin naming imbitahan ang mga napiling AI specialist na sumali sa SAB sa kalagitnaan ng Mayo. Hindi binabayaran ang mga miyembro ng Safety Advisory Board ng Snap para sa kanilang oras, pero may kakayahan ang Snap na suportahan ang mga programa at initiative ng isang organisasyon na naaayon sa mga layunin ng Snap. Kasama sa taunang commitment ang dalawang virtual, 90-minutong pagpupulong ng board, at isang multi-day na personal na pagpupulong. Opsyonal ang iba pang virtual session, at sumasali ang mga miyembro ng SAB kung pinapayagan ng kani-kanilang iskedyul. Hihilingin din sa mga bagong miyembro ng SAB na sumang-ayon sa Mga Tuntunin ng Sanggunian at sundin ang guidelines sa pagpapatakbo na itinaguyod sa unang bahagi ng taong ito.
Noong pinalawak namin ang aming SAB noong 2022, layunin naming palakihin ang board batay sa expertise ng subject matter, pati na rin ang lawak ng mga disiplinang may kaugnayan sa kaligtasan at mga kinakatawang geography. Pakiramdam naming nagawa namin iyon, pero ang AI ay isang natatangi at umuusbong na larangan, kaya't ang karagdagang ekspertong kaalaman ay magbibigay lamang ng pakinabang sa Snap, sa nabagong board, kundi higit sa lahat, sa aming komunidad. Pag-isipang mag-apply o ibahagi ang oportunidad na ito sa iba. Umaasa kaming i-welcome ang mga bagong miyembro ng SAB sa lalong madaling panahon!