Snap Values

Pagpaplano para sa 2024 Halalan

Enero 23, 2024

Sa Snap, naniniwala kami na isa sa mga pinakamakapangyarihang anyo ng pagpapahayag ng sarili ang pakikilahok sa lipunan. Bilang isang platform na tumutulong sa mga tao na ipahayag ang kanilang sarili at may malaking reach sa mga bagong botante at mga botanteng ngayon pa lang boboto, priyoridad namin na tulungan ang ating komunidad na makakuha ng access sa tumpak at pinagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa mga balita at pangyayari sa mundo, kasama na ang kung saan at kung paano makaboto sa kani-kanilang lokal na halalan. Dahil sa mahigit 50 bansa ang magsasagawa ng halalan ngayong 2024, muli naming tinitipon ang aming matagal nang integrity team para sa halalan, kasama ang mga eksperto laban sa pagpapalaganap ng maling impormasyon, eksperto sa pampulitikang advertising, at eksperto sa cybersecurity, para subaybayan ang lahat ng nauugnay na pangyayari para sa nalalapit na halalan. Dagdag pa sa mahalaga nilang gawain, gusto naming i-share ang plano namin para sa halalan ngayong taon.

Idinisenyo para Pigilan ang Pagkalat ng Maling Impormasyon

Mula sa aming pagsisimula, idinisenyo ng aming mga founder ang Snapchat para maging natatanging naiiba sa iba pang social media platform. Hindi nagbubukas ang Snapchat para magpakita ng feed ng walang katapusan na hindi nasuring content, at hindi nito pinapayagan ang mga tao na mag-live stream. Hindi namin naprograma ang aming mga algorithm para paburan ang maling impormasyon, at hindi namin inirerekomenda ang pagkakaroon ng Mga Grupo. Sa halip, kinokontrol namin ang content bago ito ipadala sa isang malaking audience, at nagtatampok kami ng mga balita mula sa mga pinagkakatiwalaang media partner sa buong mundo, mula sa The Wall Street Journal sa US hanggang sa Le Monde sa France at sa Times Now sa India. 

Ipinagbabawal ng aming Community Guidelines, na pantay-pantay na inilalapat sa lahat ng Snapchat account, sa lahat ng oras ang pagpapakalat ng maling impormasyon at sinasadyang mapanlinlang na content, gaya ng mga deepfake—kasama ang content na sinisira ang integridad ng halalan. Mayroon kaming mas mataas na pamantayan para sa anumang content na ipapakita namin sa mga bahagi ng app kung saan makikita ng mga Snapchatter ang pampublikong content. Dahil nagbabago ang mga teknolohiya, in-update namin ang aming mga patakaran para masaklaw ang lahat ng format ng content—ginawa man ito ng isang tao o binuo gamit ang artificial intelligence. Kung proactive naming natukoy ang ganitong uri ng content, o kung ni-report ito sa amin, tinatanggal namin ito kaagad—na lalong nagpapababa sa kakayahan nitong kumalat sa Snapchat o iba pang platform. 

Sa paglipas ng mga taon, nakatulong sa amin ang iba't iba naming desisyon sa disenyo ng platform para protektahan ang Snapchat laban sa pagiging isang lugar kung saan puwedeng lumaganap ang fake news at mga conspiracy theory. Halimbawa, noong nakaraang midterm election cycle sa US noong 2022, mahigit 1,000 maling impormasyon ang tinanggal sa buong mundo, kung saan karaniwang tumatagal nang wala pang isang oras para maaksyunan ito ng aming mga team. Hangarin naming magpatuloy na mapanatiling mababa ang ganitong volume hangga't maaari ngayong 2024.. 

Mga Karagdagang Proteksyon para sa Pampulitikang Advertising

Nagsagawa rin kami ng isang natatanging diskarte sa mga pampulitikang ad, na pinoprotektahan ang mga ito laban sa pakikialam sa halalan at pagpapakalat ng maling impormasyon. Tao ang sumusuri sa bawat pampulitikang ad at nakikipagtulungan kami sa isang hiwalay at walang kinikilingang organisasyon para sa pagsusuri ng katotohanan para matiyak na natutugunan ng mga ito ang aming mga pamantayan para sa transparency at katotohanan. Kasama sa aming proseso ng pagsusuri ang masinsing pagsusuri para tukuyin ang anumang mapanlinlang na paggamit ng AI para gumawa ng mga mapanlinlang na larawan o content. 

Para maaprubahan na paganahin ang isang ad, kailangan nitong malinaw na ipahayag kung sino ang nagbayad para dito, at hindi namin pinapayagan ang mga ad na binayaran ng mga gobyerno ng ibang bansa o sinumang indibidwal o anumang entity na nasa labas ng bansa kung saan mangyayari ang halalan. Naniniwala kami na makabubuti sa interes ng publiko na makita nila kung aling mga pampulitikang ad ang naaprubahan para paganahin at magkaroon ng Library ng mga Pampulitikang Ad.  

Mananatili kaming nakabantay para siguraduhin na mananatiling isang lugar para sa responsable, tumpak, at kapaki-pakinabang na balita at impormasyon ang Snapchat. Gusto rin naming ipagpatuloy na bigyan ng kakayahan ang ating komunidad na makilahok sa kani-kanilang lokal na halalan. Magbabahagi kami ng iba pang detalye tungkol sa aming mga plano para tulungan ang mga Snapchatter na irehistro ang kanilang boto sa mga darating na buwan.

Bumalik sa Mga Balita