Mga Kahilingan ng Gobyerno at Mga Abiso sa Pagtatanggal ng Copyrighted Content (DMCA)

Enero 1, 2022 - Hunyo 30, 2022

Isang kritikal na bahagi ng aming trabaho para gawing mas ligtas ang Snapchat ay ang pakikipagtulungan sa mga tagapagpatupad ng batas at ahensya ng gobyerno na tugunan ang mga balidong kahilingan para sa impormasyon na makakatulong sa mga imbestigasyon. Nagsisikap din kaming proactive na i-escalate ang anumang content na posibleng may nauugnay na banta sa buhay.

Bagama't ang karamihan sa content sa Snapchat ay nagde-delete bilang default, nagsisikap kaming panatilihin at magbigay ng impormasyon ng account sa mga ahensya ng gobyerno alinsunod sa naaangkop na batas. Sa oras na matanggap at mapatunayan namin ang katumpakan ng legal na kahilingan para sa mga rekord ng account sa Snapchat — na siyang mahalaga sa pagpapatunay na ang kahilingan ay ginagawa ng lehitimong ahensya ng tagapagpatupad ng batas o ahensya ng gobyerno at hindi ng masamang tagagawa ng aksyon — tumutugon kami alinsunod sa mga naaangkop na batas at pangangailangan sa pagkapribado.

Idinidetalye ng tsart sa ibaba ang mga uri ng kahilingan na sinusuportahan namin mula sa mga tagapagpatupad ng batas at ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga subpoena at summon, kautusan ng korte, search warrant at kahilingan sa emergency disclosure.

Mga Kahilingan sa Impormasyon ng Pamahalaan ng Estados Unidos

Mga Kahilingan para sa Impormasyon ng User mula sa mga entity ng gobyerno ng U.S.

Mga Kahilingan ng Gobyerno ng Ibang Bansa para sa Impormasyon

Mga kahilingan para sa Impormasyon ng User mula sa mga gobyerno sa labas ng United States.

* Ang “Account Identifiers” ay sumasalamin sa bilang ng mga identifier (hal., username, email address, at numero ng telepono) na pagmamay-ari ng isang account na tinukoy ng nagpapatupad ng batas sa prosesong legal kapag nanghihingi ng impormasyon ng user. Posibleng may kasamang higit sa isang identifier ang ilang prosesong legal. Sa ilang sitwasyon, maaaring matukoy ang isang account sa pamamagitan ng maraming identifier. Sa mga sitwasyon kung saan nakasaad sa maraming kahilingan ang isang identifier, kabilang dito ang bawat sitwasyon.

Mga Kahilingang Nauugnay sa Pambansang Seguridad ng United States

Mga Kahilingan para sa Impormasyon ng User mula sa mga entity ng gobyerno ng U.S. Kabilang sa mga sumusunod ang mga National Security Letters (NSLs) at Foreign Intelligence Surveillance (FISA) Court Orders/Directives.

Mga Kahilingan ng Gobyerno na Magtanggal ng Content

Sa kategoryang ito, tinutukoy ang mga demand ng isang entity ng gobyerno na tanggalin ang content na pinapahintulutan sa ilalim ng aming Terms of Service o Community Guidelines.

Tandaan: Bagama't hindi kami pormal na nagsasagawa ng pagsubaybay kapag nag-aalis kami ng content na lumalabag sa aming mga patakaran kapag hiniling sa amin ng gobyerno na gawin ito, naniniwala kaming bihirang-bihira itong mangyari. Kung naniniwala kaming kailangang paghigpitan ang content na itinuturing na labag sa batas ng isang partikular na bansa, ngunit hindi ito labag sa aming mga patakaran, sinisikap naming higpitan ang access dito sa partikular na lokasyon kung posible, kaysa alisin ito sa pangkalahatan.

Mga Notice sa Pagtatanggal ng Copyrighted na Content (DMCA)

Kabilang sa kategoryang ito ang anumang may bisang notice ng pagtatanggal na natanggap namin sa ilalim ng Digital Millennium Copyright Act.