Privacy Policy

Epektibo: Hunyo 29, 2022

Ang Snap Inc. ay isang kumpanya ng camera. Ang aming mga produkto at serbisyo — kabilang ang Snapchat, Bitmoji, Spectacles, advertising, komersyo, at iba pang naka-link sa Privacy Policy na ito — ay naghahatid ng mabibilis at masasayang paraan para ipahayag ang iyong sarili, i-enjoy ang buhay, matuto tungkol sa mundo, at sama-samang magsaya!

Kapag ginamit mo ang mga serbisyong ito, magse-share ka ng ilang impormasyon sa amin. Kaya gusto naming maging tapat tungkol sa impormasyong kinokolekta namin, paano namin ito ginagamit, kanino namin ito isine-share, at sa mga kontrol na ibinibigay namin sa iyo para i-access, i-update, at burahin ang iyong impormasyon.

Kaya isinulat namin ang Privacy Policy na ito. At ito ang dahilan kung bakit sinubukan naming isulat ito sa paraang madaling maunawaan para sa lahat ng aming user at malaya sa legalese na kadalasang bumabalot sa mga dokumentong ito. Mangyari pa, kung mayroon ka pa ring mga katanungan tungkol sa aming Privacy Policy, makipag-ugnayan lang sa amin.

Iminumungkahi sa iyong basahin ang aming buong Privacy Policy, pero kapag mayroon ka lamang ilang minuto o gusto mong matandaan ang isang bagay sa ibang pagkakataon, maaari kang palaging tumingin sa pangkalahatang-ideya at video na ito. Hinihikayat ka rin naming tingnan ang iba pa sa aming Privacy Center. Idinisenyo namin ito para bigyan ka ng mga madaling ma-disest na buod ng aming mga kasanayan sa privacy. Halimbawa, nagbibigay ang page ng aming Privacy ayon sa Produkto ng breakdown ng mga partikular na feature sa privacy para sa aming mga produkto.

Impormasyong Kinokolekta Namin

May tatlong pangunahing kategorya ng impormasyong kinokolekta namin:

  • Impormasyong ibinibigay mo.

  • Impormasyong nakukuha namin kapag ginagamit mo ang aming serbisyo.

  • Impormasyong nakukuha namin sa mga third party.

Narito ang ilan pang detalye sa bawat isa sa mga kategoryang ito.

Impormasyong Iyong Ibinibigay

Kapag nakipag-ugnayan ka sa aming mga serbisyo, kinokolekta namin ang impormasyong ibinibigay mo sa amin. Halimbawa, marami sa aming mga serbisyo ang mangangailangan sa iyong mag-set up ng account, kaya maaari kaming mangailangang mangolekta ng ilang mahalagang detalye tungkol sa iyo, gaya ng iyong pangalan, username, password, email address, phone number, at petsa mg kapanganakan. Maaari din naming hilingin sa iyong ibigay sa amin ang ilang karagdagang impormasyong makikita ng publiko sa aming mga serbisyo, gaya ng profile picture o Bitmoji avatar. Maaaring mangailangan sa iyo ang ilang serbisyo, gaya ng mga produktong pangkomersyo, na magbigay sa amin ng numero ng debit o credit card at kaugnay nitong impormasyon ng account.

Siyempre, ibibigay mo rin sa amin ang anumang impormasyong ise-send mo sa pamamagitan ng aming mga serbisyo, gaya ng Mga Snap at Chat. Tandaang ang mga user na tumitingin sa iyong Mga Snap, Chat, at anumang iba pang content ay maaaring palaging mag-save ang content na iyon o kopyahin ito sa labas ng app. Kaya, parehong common sense na malawakang nalalapat sa internet ang nalalapat din sa aming mga serbisyo: Huwag mag-send ng mga mensahe o mag-share ng content na hindi mo gugustuhing i-save o i-share ng sinuman.

Kapag makipag-ugnayan ka sa customer support o makipag-ugnayan ka sa amin sa anumang iba pang paraan, kokolektahin namin ang anumang impormasyong iyong boluntaryong ibibigay o na kailangan namin para maresolba ang iyong katanungan.

Impormasyong Nakukuha Namin Kapag Ginagamit Mo ang Aming Mga Serbisyo

Kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo, kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa kung alin sa mga serbisyo na iyon ang ginamit mo at kung paano mo ginamit ang mga ito. Maaari naming malaman, halimbawa, na nanood ka ng isang partikular na Story, nakakita ng partikular na ad sa isang panahon, at nagpadala ng ilang mga Snap. Narito ang mas kumpletong paliwanag tungkol sa mga uri ng impormasyong kinokolekta namin kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo:

  • Impormasyon sa Paggamit. Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa pamamagitan ng aming services. Halimbawa, maaari naming kolektahin ang impormasyon tungkol sa:

    • kung paano ka nakikipag-ugnayan sa aming mga serbisyo, tulad ng kung aling Filters o Lenses ang tinitingnan o inilalapat mo sa Snaps, aling Stories ang pinapanood mo sa Discover, kung gumagamit ka ng Spectacles, o aling search queries ang isinusumite mo.

    • kung paano ka nakikipag-ugnayan sa ibang mga Snapchatter, tulad ng kanilang mga pangalan, ang oras at petsa ng iyong mga pakikipag-ugnayan, ang bilang ng mga mensahe na ipinadala at tinanggap mo sa mga kaibigan, kanino ka pinakamadalas na nakipagpalitan ng mga mensahe, at ang mga pakikipag-ugnayan mo sa mga mensahe (tulad ng nagbukas ka ng mensahe o nag-screenshot).

  • Impormasyon ng Content. Kinokolekta namin ang content na ginagawa mo sa aming services, tulad ng mga custom na sticker, at impormasyon tungkol sa content na ginawa o ibinigay mo, tulad ng kung tiningnan ng recipient ang content at ang metadata na kasama sa content.

  • Impormasyon ng Device. Kinokolekta namin ang impormasyon mula at tungkol sa mga device na ginagamit mo. Halimbawa, kinokolekta namin ang:

  • impormasyon tungkol sa iyong hardware at software, tulad ng modelo ng hardware, bersyon ng operating system, memory ng device, mga identifier sa pag-advertise, mga natatanging identifier ng application, mga app na naka-install, mga natatanging identifier ng device, data ng paggamit sa device, uri ng browser, mga keyboard na naka-install, wika, level ng baterya, at time zone;

  • impormasyon mula sa mga sensor ng device, tulad ng mga accelerometer, gyroscope, compass, mikropono, at kung may nakakonekta kang mga headphones; at

  • impormasyon tungkol sa iyong mga koneksyon sa network sa wireless at mobile, tulad ng mobile phone number, service provider, IP address, at lakas ng signal.

  • Phonebook ng Device. Dahil tungkol sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan ang aming mga serbisyo, maaari kaming — sa iyong pahintulot — mangolekta ng impormasyon mula sa phonebook ng iyong device.

  • Camera, Mga Larawan, at Audio. Hinihiling sa amin ng karamihan sa aming mga serbisyo na mangolekta ng larawan at iba pang impormasyon mula sa camera at mga larawan ng iyong device. Halimbawa, hindi ka makakapagpadala ng Snaps o makakapag-upload ng mga larawan mula sa iyong camera roll maliban kung maa-access namin ang iyong camera o mga larawan.

  • Impormasyon ng Lokasyon. Kapag ginagamit mo ang aming mga serbisyo, maaari kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong location. Sa iyong pahintulot, maaari rin kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa tumpak na location mo gamit ang mga paraang kasama ang GPS, mga wireless network, cell tower, access point ng Wi-Fi, at iba pang sensor, gaya ng mga gyroscope, accelerometer, at compass.

  • Impormasyong Kinokolekta ng Cookies at Iba Pang Mga Teknolohiya. Tulad ng karamihan ng online na serbisyo at mobile application, maaari kaming gumamit ng cookies at iba pang mga teknolohiya, gaya ng mga web beacon, web storage, at natatanging advertising identifier, para mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad, browser, at device. Maaari rin naming gamitin ang mga teknolohiya na ito para mangolekta ng impormasyon kapag nakipag-ugnayan ka sa mga serbisyong ibinibigay namin sa pamamagitan ng isa sa aming mga kaakibat, gaya ng mga tampok sa pagpapatalastas at komersyo. Halimbawa, maaari naming gamitin ang impormasyong nakolekta namin sa ibang mga website para pakitaan ka ng marami pang nauugnay na mga ads. Nakatakda ang karamihan ng mga web browser na tumanggap ng cookies bilang default. Kung gusto mo, karaniwan ay maaari mong tanggalin o tanggihan ang mga cookies ng browser mula sa mga settings sa iyong browser o device. Gayunpaman, tandaang maaaring makaapekto sa availability at functionality ng aming mga serbisyo ang pag-alis o pagtanggi sa cookies. Para higit pang makaalam kung paano namin at ng aming mga partner ginagamit ang cookies sa aming mga serbisyo at sa iyong mga pinipili, pakitingnan ang aming Cookie Policy.

  • Impormasyon ng Log. Nangongolekta rin kami ng impormasyon ng log kapag ginamit mo ang aming website, gaya ng:

  • mga detalye kung paano mo ginamit ang aming mga serbisyo;

  • impormasyon ng device, tulad ng uri ng iyong web browser at wika;

  • mga oras ng pag-access;

  • mga page na tiningnan;

  • IP address;

  • mga identifier na nauugnay sa mga cookies o iba pang mga teknolohiya na maaaring natatanging makatukoy sa iyong device o browser; at

  • mga page na binisita mo bago o pagkatapos bisitahin ang aming website.

Impormasyong Kinokolekta Namin mula sa Mga Third Party

Maaari kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyo o sa iba pang user, sa aming mga affiliate, at mga third party. Narito ang ilang mga halimbawa:

  • Kung ni-link mo ang iyong Snapchat account sa isa pang serbisto (kagaya ng Bitmoji o ng third party na app), maaaring kaming makatanggap ng impormasyon mula sa ibang serbisyo, kagaya ng kung paano mo ginagamit ang serbisyo na iyon.

  • Maaari ring magbahagi sa amin ng impormasyon ang mga nagpapatalastas, app developer, publisher, at iba pang third party. Maaari naming gamitin ang impormasyong ito, bukod sa iba pang paraan, para makatulong na ma-target o masukat ang pagganap ng ads. Maaari ka pang makaalam tungkol sa aming paggamit ng ganitong tipo ng third-party data sa aming Support Center.

  • Kung mag-upload ang isa pang user ng kanyang contact list, maaaring isama namin ang impormasyon mula sa contact list ng user na iyon sa ibang impormasyong nakolekta namin tungkol sa iyo.

Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon

Ano ang ginagawa namin sa impormasyong aming kinokolekta? Para sa detalyadong sagot, pumunta rito. Ang maikling sagot ay: Bigyan ka ng kamangha-manghang hanay ng mga produkto at serbisyo na walang tigil naming pinapahusay. Narito ang mga paraan kung paano namin ginagawa ang mga ito:

  • nagpapaunlad, nagpapagana, nagpapahusay, naghahatid, nagpapanatili, at pumoprotekta sa aming mga produkto at serbisyo.

  • nakikipag-ugnayan sa iyo, kabilang ang sa pamamagitan ng email o SMS kapag pinapahintulutan. Halimbawa, maaari kaming gumamit ng email o SMS para sumagot sa mga inquiry kaugnay sa suporta o para mag-share sa iyo ng impormasyon tungkol sa aming mga produkto, serbisyo, at pampromosyong alok na sa palagay namin ay maaaring interesante para sa iyo.

  • subaybayan at suriin ang mga uso at paggamit.

  • i-personalize ang aming mga serbisyo sa pamamagitan ng, bukod sa iba pang mga bagay, pagmumungkahi ng mga kaibigan, impormasyon ng profile, o mga sticker ng Bitmoji, pagtulong sa Mga Snapchatter na mahanap ang isa't isa sa Snapchat, affiliate at mga third-party na app at serbisyo, o pag-customize sa content na ipinapakita namin sa iyo, kabilang ang mga ad.

  • mag-add ng konteksto sa iyong karanasan sa Snapchat, halimbawa, sa pamamagitan ng pag-tag sa iyong Memories na may mga mahahanap na label batay sa lokasyon mo (siyempre, kung binigyan mo kami ng pahintulot na kolektahin ang iyong location) at ang nilalaman ng photo o video mo (hal, kung mayroong aso sa iyong photo, maaari itong mahanap sa Memories sa pamamagitan ng terminong "aso").

  • ibigay at pahusayin ang aming mga serbisyo sa advertising, pag-target ng ad, at pagsukat ng ad, kabilang ang paggamit mo ng tumpak na impormasyon sa location (muli, kung binigyan mo kami ng pahintulot para kolektahin ang impormasyong iyon), parehong sa loob at sa labas ng aming mga serbisyo. Maaari din kaming mag-store ng impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng mga third-party na app at website sa device mo para magawa ito. Alamin pa. Tingnan ang seksyong Kontrolin ang Iyong Impormasyon sa ibaba para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga kasanayan sa advertising ng Snap Inc. at mga pagpipilian mo.

  • pahusayin ang kaligtasan at seguridad ng aming mga product at serbisyo.

  • patunayan ang iyong pagkakakilanlan at pigilan ang panloloko o iba pang hindi awtorisado o iligal na aktibidad.

  • gamitin ang impormasyong nakolekta namin mula sa cookies at iba pang teknolohiya para pahusayin ang aming mga serbisyo at iyong karanasan sa mga ito.

  • ipatupad, imbestigahan, at i-ulat ang pag-uugaling lumalabag sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo at iba pang mga patakaran sa paggamit, tumugon sa mga kahilingan mula sa nagpapatupad ng batas, at sumunod sa mga ligal na kinakailangan.

Maaari din kaming gumamit ng impormasyon mula sa TrueDepth camera ng Apple para pahusayin ang kalidad ng Lenses. Ginagamit ang impormasyon mula sa TrueDepth camera nang real time — hindi namin sino-store ang impormasyong ito sa aming mga server o isine-share ito sa mga third party.

Paano Kami Nagse-share ng Impormasyon

Maaari kaming mag-share ng impormasyon tungkol sa iyo sa mga sumusunod na paraan:

  • Kasama ng iba pang Snapchatter. Posible naming ibahagi ang sumusunod na impormasyon sa iba pang Snapchatters:

  • impormasyon tungkol sa iyo, tulad ng iyong username, pangalan, at Bitmoji.

  • impormasyon tungkol sa kung paano mo ginamit ang aming mga serbisyo, tulad ng iyong “score” sa Snapchat, ang mga pangalan ng mga Snapchatter na friends mo, gaano ka kalapit sa friends mo sa Snapchat, iyong kamakailang history ng lokasyon (kung pipiliin mong i-share ang lokasyon mo sa Snap Map), at iba pang impormasyon na tutulong sa mga Snapchatter na maunawaan ang iyong mga koneksyon sa iba pang gumagamit ng mga serbisyo namin. Halimbawa, dahil maaaring hindi malinaw kung mula talaga sa isang taong kakilala mo ang isang bagong friend request, maaari kaming mag-share kung may pareho kayong Snapchat friends.

  • impormasyon tungkol sa iyong device, gaya ng operating system at uri ng device, para tulungan kang makatanggap ng Mga Chat, Snap, at iba pang content sa optimal na format ng pag-view.

  • anumang karagdagang impormasyong sinabi mo sa amin na maaari naming i-share. Halimbawa, ise-share ng Snap ang iyong impormasyon kapag ikinonekta mo ang iyong Snapchat account sa third-party app, at kung nagse-share ka ng impormasyon o content mula sa Snapchat sa third-party app.

  • content na iyong ipino-post o ipinapadala. Ang lawak ng pagse-share ng iyong content ay nakasalalay sa personal mong settings at ang uri ng serbisyong iyong ginagamit. Halimbawa, posibleng maipadala ang isang Snap sa isang kaibigan lang na pinili mo, pero posibleng makita ang iyong content na My Story ng sinumang Snapchatter na papayagan mong makakita nito.

  • Sa lahat ng Snapchatters, aming business partners, at sa publiko. Maaari naming i-share ang sumusunod na impormasyon sa lahat ng Snapchatter pati na rin sa aming mga kasosyo sa negosyo at ang pangkalahatang publiko:

  • pampublikong impormasyon gaya ng iyong pangalan, username, mga larawan sa profile, Snapcode, at Public Profile.

  • Ang Pampublikong Content gaya ng iyong Highlights, Custom na Stickers, Lenses, mga pagsusumite ng Story na naka-set na matitingnan ng Lahat ng Tao, at anumang content na isina-submit mo sa likas na pampublikong serbisyo, tulad ng Spotlight, Snap Map, at iba pang mga crowd-sourced na serbisyo. Maaaring matingnan, magamit, at mai-share ng publiko sa kabuuan ang content na ito kapwa sa loob at labas ng aming mga serbisyo, kabilang sa mga resulta ng paghahanap, website, app, at online at offline na pag-broadcast.

  • Sa mga third party. Maaari kaming mag-share ng impormasyon sa mga third party sa mga sumusunod na paraan:

  • Maaari kaming mag-share ng impormasyon tungkol sa iyo samga tagapagbigay ng serbisyo na nagsasagawa ng mga serbisyo sa ngalan namin, kabilang ang pangangasiwa ng mga pagbabayad at sukatin at i-optimize ang pagganap ng ads at maghatid ng mas nauugnay na ads, kabilang ang nasa third-party na mga website at app.

  • Maaari kaming mag-share ng impormasyon tungkol sa iyo sa mga kasosyo sa negosyong nagbibigay ng mga serbisyo at pagpapagana sa aming mga serbisyo. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa impormasyong kinokolekta ng mga third party sa aming mga serbisyo, bisitahin ang aming Site ng Suporta.

  • Maaari kaming mag-share ng impormasyon tungkol sa iyo, tulad ng impormasyon sa device at paggamit, para matulugan kami at ang iba pang mapigilan ang panloloko.

  • Maaari kaming mag-share ng impormasyon tungkol sa iyo para sa mga legal, pangkaligtasan, at pangseguridad na dahilan. Maaari kaming mag-share ng impormasyon tungkol sa iyo kung naniniwala kaming kinakailangang ihayag ang impormasyon para:

  • makasunod sa anumang wastong legal na proseso, request ng pamahalaan, o naaangkop na batas, tuntunin, o regulasyon.

  • imbestigahan, remedyohan, o ipatupad ang mga potensyal na paglabag sa Terms of Service at Community Guidelines.

  • protektahan ang mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan namin, ng aming mga gumagamit, at iba pa.

  • matukoy at maresolba ang anumang mga pandaraya o alalahanin sa seguridad.

  • Maaari kaming mag-share ng impormasyon tungkol sa iyo bilang bahagi ng merger o acquisition. Kung masangkot ang Snap Inc. sa merger, pagbebenta ng asset, financing, liquidation o pagkalugi, o acquisition ng lahat o ng ilang bahagi ng aming negosyo sa isa pang kumpanya, maaari naming i-share ang iyong impormasyon sa kumpanyang iyon bago at pagkatapos magsara ng transaksyon.

  • Hindi personal na impormasyon. Maaari rin kaming mag-share sa mga third party na nagbibigay sa amin ng mga serbisyo o nagsasagawa sa amin ng mga layuning pang-negosyo nang pinagsama, hindi personal na makikilala, o hindi nakikilalang impormasyon.

Nilalaman at mga Integrasyon ng Third Party

Ang aming mga serbisyo ay maaaring maglaman ng mga nilalaman at integrasyon ng third party. Kabilang sa mga halimbawa ang mga integrasyon ng third party sa Camera, mga laro ng third party sa Chat, at mga integrasyon ng third party sa Snap Kit. Sa pamamagitan ng mga integrasyong ito, maaaring nagbibigay ka ng impormasyon sa ikatlong partido pati na rin sa Snap. Hindi kami responsable para sa kung paano kinokolekta o ginagamit ng mga ikatlong partido na ito ang iyong impormasyon. Tulad ng palaging ginagawa, hinihikayat ka naming suriin ang mga patakaran sa privacy ng bawat serbisyo ng third-party na binibisita o ginagamit mo, kabilang ang mga third party kung saan nakikipag-ugnayan ka sa pamamagitan ng aming mga serbisyo. Maaari kang higit pang matuto tungkol sa mga serbisyo ng third party sa Snapchat dito.

Gaano Katagal Naming Itinatabi ang Iyong Impormasyon

Nagbibigay-daan sa iyo ang Snapchat na makunan ang iyong karanasan sa sandaling iyon. Sa amin, nangangahulugan iyon na karamihan sa mga mensahe — tulad ng Mga Snap at Chat — na ipinadala sa Snapchat ay awtomatikong mabubura bilang default mula sa aming mga server pagkatapos naming matukoy na binuksan ang mga ito ng lahat ng tatanggap o nag-expire na. Mas matagal sino-store ang iba pang content, tulad ng mga Story post. Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa kung gaano namin katagal tinatago ang iba't ibang uri ng content, tingnan ang amingSite ng Suporta.

Nagso-store kami ng ibang impormasyon sa loob ng mas matatagal na yugto ng panahon. Halimbawa:

  • Isino-store namin ang pangunahing impormasyon ng account mo — tulad ng iyong pangalan, numero ng telepono, at email address — at listahan ng mga kaibigan hanggang sa hilingin mo sa aming burahin ang mga ito.

  • Nagso-store kami ng impormasyon ng lokasyon sa magkakaibang haba ng panahon batay sa kung gaano ito katumpak at kung aling mga serbisyo ang ginagamit mo. Kung nauugnay ang impormasyon ng location sa Snap — gaya nung mga naka-save sa Memories o naka-post sa Snap Map o Spotlight — papanatilihin namin ang location na iyon hangga't inii-store namin ang Snap. Pro tip: Makikita mo ang data ng lokasyong pinapanatili namin tungkol sa iyo sa pamamagitan ng pag-download sa data mo.

Kung magpasya kang huminto sa paggamit ng Snapchat, maaari mo lang hilingin sa aming burahin ang iyong account. Buburahin din namin ang karamihan sa impormasyong aming nakolekta tungkol sa iyo pagkatapos mong maging hindi aktibo nang ilang panahon!

Tandaan, bagama't idinisenyo ang aming mga sistema na awtomatikong isagawa ang aming mga kasanayan sa pagbura, hindi namin maipapangakong mabubura ito sa loob ng partikular na yugto ng panahon. Posibleng may mga obligasyon sa batas na i-store ang iyong data at posibleng kailangan naming suspindihin ang mga kagawiang iyon sa pag-delete kung makakatanggap kami ng may bisang proseso ng batas na hihiling sa aming magpanatili ng content, kung makakatanggap kami ng mga report tungkol sa pang-aabuso o iba pang paglabag sa Terms of Service, o kung ang iyong account, content na ginawa mo, o content na ginawa kasama ng iba pang user ay i-flag ng iba o ng aming mga system dahil sa pang-aabuso o iba pang paglabag sa Terms of Service. Sa pangwakas, maaari rin naming itabi ang ilang partikular na impormasyon sa backup sa loob ng limitadong yugto ng panahon o ayon sa kinakailangan ng batas.

Kontrol sa Iyong Impormasyon

Gusto naming ikaw ang may kontrol sa iyong impormasyon, kaya binibigyan ka namin ng mga sumusunod na tool.

  • Pag-access, Pagwawasto, at Portability. Maaari mong i-access at i-edit mismo sa aming mga app ang karamihan sa pangunahing impormasyon ng iyong account. Maaari mo ring gamitin ang I-download ang Aking Data para makakuha ng kopya ng impormasyong hindi available sa aming mga app sa portable na format, para iyong mailipat o ma-store ito saan mo man gusto. Dahil mahalaga sa amin ang iyong privacy, maaari naming hilingin sa iyong i-verify ang pagkakakilanlan mo o magbigay ng karagdagang impormasyon bago namin hayaang i-access o i-update mo ang iyong personal na impormasyon. Maaari din naming tanggihan ang iyong kahilingang i-access o i-update ang iyong personal na impormasyon dahil sa ilang bagay, kabilang ang, halimbawa, malalagay sa alanganin ang privacy ng ibang user dahil sa kahilingan o kaya ay labag ito sa batas.

  • Pagbawi ng mga pahintulot. Kadalasan, kung papayagan mo kaming gamitin ang iyong impormasyon, maaari mong bawiin ang pahintulot mo sa pagpapalit ng settings sa app o sa iyong device kung ang iyong device ay nag-aalok ng mga ganoong opsyon. Siyempre, kung gagawin mo iyon, may ilang partikular na serbisyo na posibleng mawala ang buong functionality. Para sa mga pampromosyong email at SMS, maaari kang mag-opt out sa pamamagitan ng pag-click sa link ng pag-unsubscribe o katulad na paraan kung may ibinigay.

  • Pag-delete. Bagama't umaasa kaming mananatili kang Snapchatter habambuhay, kung sakali mang gusto mong burahin ang iyong account sa ilang kadahilanan, pumunta langdito para malaman kung paano. Maaari mo ring burahin ang ilang impormasyon sa app, tulad ng mga larawang na-save mo sa Memories, mga pag-submit sa Spotlight, at history ng paghahanap.

  • Mga Kagustuhan sa Advertising. Susubukan naming magpakita sa iyo ng ads na tingin namin ay nauugnay sa iyong mga interes. Kung gusto mong baguhin ang impormasyong ginagamit namin ng mga kasosyo namin sa pag-advertise para piliin ang ads na ito, maaari mo itong gawin sa app at sa pamamagitan ng mga kagustuhan mo sa device. Pumunta rito para matuto pa.

  • Pagsubaybay. Kung mag-opt out ka sa pag-track sa mga device na nagpapatakbo ng iOS 14.5 o mas bagong mga bersyon, hindi kami magli-link ng makikilalang impormasyon mula sa mga third-party na app at website na may makikilalang impormasyon mula sa Snapchat para sa mga layunin ng advertising, maliban sa iyong device. Makokontrol mo ang paggamit ng data sa device na ito para sa advertising sa pamamagitan ng pag-opt out sa Activity-Based na Advertising sa Snapchat Ad Preferences Settings. Pumunta rito para matuto pa.

  • Pakikipag-ugnayan sa ibang Snapchatters. Mahalaga sa amin na manatili kang may kontrol sa kung kanino ka nakikipag-ugnayan. Kaya bumuo kami ng ilang tools sa Settings na nagbibigay-daan sa iyong tukuyin, bukod sa iba pang bagay, kung sino ang gusto mong makakita ng iyong Stories, kung gusto mong makatanggap ng Snaps mula sa mga kaibigan mo lang o mula sa lahat ng Snapchatter, at kung gusto mong i-block ang isa pang Snapchatter mula sa pakikipag-ugnayang muli sa iyo. Pumunta rito para matuto pa.

Internasyonal na Paglilipat ng mga Data

Posible naming kolektahin ang iyong personal na impormasyon mula sa, ilipat ito sa, at iimbak at iproseso ito sa Estados Unidos at iba pang mga bansa na hindi sakop ng iyong tinitirhan. Kapag nagbabahagi kami ng impormasyon sa lugar kung saan hindi ka nakatira, at kung pinapahintulutan kaming gawin ito nang ligal, sinisiguro namin na napapatupad ang isang sapat na mekanismo ng paglilipat. Sinisiguro rin namin na mayroong sapat na mekanismo ng paglilipat ang anumang third party na binabahagian namin ng impormasyon. Makakahanap ka ng higit pang impormasyon sa mga kategorya ng mga third party na binabahagian namin ng impormasyon dito.

Impormasyong Partikular sa Estado at Rehiyon

Maaaring mayroon kang partikular na mga karapatan sa privacy sa iyong estado o rehiyon. Halimbawa, sa Estados Unidos, mayroong partikular na mga karapatan sa privacy ang mga residente ng California at iba pang mga estado. Ang Mga Snapchatter sa European Economic Area (EEA), ang UK, Brazil, ang Republika ng Korea, at iba pang mga nasasakupan ay mayroon ding partikular na mga karapatan. Nagpapanatili kami ng up-to-date na overview ng mga pagsisiwalat na partikular sa estado at rehiyon dito.

Mga Bata

Hindi inilaan ang aming mga serbisyo para sa — at hindi namin sila idinidirekta sa — sinuman sa ilalim ng 13. At iyon ang dahilan kung bakit hindi kami nangongolekta ng personal na impormasyon mula sa sinumang wala pang 13. Bilang karagdagan, maaari naming limitahan kung paano namin kolektahin, gamitin, at i-store ang ilan sa impormasyon ng mga user ng EEA at UK sa pagitan ng 13 at 16. Sa ilang kaso, nangangahulugan itong hindi kami makakapagbigay ng ilang partikular na pagpapagana sa mga user na ito. Kung kailangan naming dumepende sa pahintulot bilang legal na batayan para sa pagproseso ng iyong impormasyon at nanghihingi ng pahintulot ang bansa mo mula sa magulang, maaaring kailanganin namin ang pahintulot ng iyong magulang bago namin kolektahin at gamitin ang impormasyong iyon.

Mga Pagbabago sa Privacy Policy

Posible naming pana-panahong baguhin ang Privacy Policy na ito. Ngunit kapag ginawa namin ito, gagawa kami ng paraan upang sabihin ito sa iyo. Kung minsan, ipapaalam namin sa iyo sa pamamagitan ng pagbago sa petsa sa itaas ng Polisiya sa Privacy na makikita sa aming website at mobile application. Sa ibang pagkakataon, posibleng magbigay kami sa iyo ng karagdagang abiso (gaya ng pagdaragdag ng pahayag sa homepage ng aming mga website o pagbibigay sa iyo ng in-app na notipikasyon).