Update sa Aming Patuloy na Trabaho para Labanan ang Epidemya ng Fentanyl sa U.S.

Hunyo 9, 2022

Noong nakaraang taon, bilang bahagi ng aming patuloy na pagsisikap na maunawaan ang kamalayan ng mga kabataan sa mga panganib ng fentanyl at ang mas malawak na epidemya ng mga pekeng tabletas, nagsagawa kami ng isang survey sa mga kabataang Amerikano at nalaman na halos kalahati (46%) ay nag-rate ng kanilang average na antas ng stress bilang 7 sa 10 o higit pa. Halos 9 sa 10 (86%) ng mga sumagot ay sumang-ayon na nahihirapan ang mga taong kaedad nila.

Sa ngayon, lubos nang nauunawaan at naitala na kumakaharap ang US sa malaking krisis sa mental health ng mga kabataan. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), noong 2021, 37% ng mga nasa high school ay nag-ulat ng mahinang mental health, samantalang 44% ay nagsabing palagi silang nalulungkot o nakakaramdam ng kawalan ng pag-asa sa nakaraang taon.

Ang panahong ito ng malalaking hamon sa emosyonal na kapakanan ay nakadagdag sa epidemya ng mga kabataan, kabilang ang mga teenager, na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot para makayanan. Ang nakakalungkot, sinasamantala ng mga kartel ng droga ang paghahanap ng mga kabataan ng paraan para makaraos, at binabaha nila ang bansa ng mga mura at pekeng ipinagbabawal na gamot na madalas ay may halong laso na fentanyl, isang matapang na sintetikong opioid na 50-100 beses na mas matapang sa morphine. Ayon sa US Drug Enforcement Agency, mahigit 40% ng mga ipinagbabawal na gamot na nasuri ay naglalaman ng posibleng nakamamatay na antas ng fentanyl. 

Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang paggamit ng mga inireresetang gamot ay ang pinakamabilis na kumakalat na anyo ng pang-aabuso ng droga sa hanay ng mga kabataan, kung saan umaabot sa isa sa bawat anim na kabataan ay nagsabing gumagamit ng inireresetang gamot para maiba ang kanilang mood o para sa iba pang layunin. Sa buong bansa, napakaraming Amerikano, kabilang ang lumalaking bilang ng mga kabataang Amerikano, ang namamatay mula sa fentanyl matapos uminom ng inakala nilang mas ligtas at lehitimong inireresetang gamot.

Ayon sa sarili naming pag-aaral, nasa 15% ng mga may edad na 13-24 ang nag-abuso na ng inireresetang gamot, isa sa lima ang nakaisip nang gawin ito, at 40% ang may kakilalang gumawa nito. Walumpu't apat na porsyento ang nagsasabing gumagamit sila at ang kanilang mga kaedad ng pills para makaraos sa anxiety at stress.

Sa Snap, may patakaran kaming hindi pinalalampas ang paggamit ng aming platform kaugnay ng pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, at nakatuon kami sa paglaban sa epidemya ng fentanyl sa tatlong susing paraan: sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pagpapahusay ng aming mga teknolohiya para aktibong mahanap ang ganitong content at mapatigil ang mga nagbebenta ng droga na umaabuso sa aming platform; sa pamamagitan ng pagpapatibay ng aming suporta sa pagpapatupad ng batas; at sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga ekspertong organisasyon upang maeduka ang mga Snapchatter sa amin mismong app tungkol sa nakakatakot na panganib ng fentanyl. Maaari ka pang makaalam tungkol sa aming strategy sa mga nakaraang update ng patakaran dito at dito

Isang taon na mula nang i-launch namin ang mga unang hakbang ng aming kasalukuyang in-app public awareness campaign at gusto naming magbigay ng overview ng nagpapatuloy na pagsisikap upang matugunan ang krisis na ito sa bawat anggulo:  

  • Isinangkot namin ang mga dating pinuno ng mga pederal na ahensyang nagpapatupad laban sa droga upang mapayuhan kami kaugnay ng mga pagsisikap na ito, at malapit na makipagtulungan sa mga eksperto ng kontra-droga, sa komunidad ng tagapagpatupad ng batas, mga organisasyong nakatuon sa pagtataas ng kamalayan kaugnay ng fentanyl at mga pekeng gamot, at sa mga magulang.

  • Upang higit pang mapatibay ang aming suporta para sa mga imbestigasyon ng mga nagpapatupad ng batas, namuhunan kami ng malaki sa pagpapalaki ng aming law enforcement operations team nang 74% sa nakalipas na taon, kung saan marami sa mga bagong team member na ito ay nagmumula sa mga trabaho bilang prosecutor at opisyal ng pagpapatupad ng batas na may karanasan sa kaligtasan ng kabataan. Noong Oktubre, inilunsad namin ang aming unang taunang Law Enforcement Summit, na may mahigit 1,700 opisyal ng pagpapatupad ng batas mula sa mga pederal, pang-estado, at lokal na ahensyang lumahok.

  • Malaki ang ipinupuhunan namin sa AI at machine learning tools upang aktibong mahanap ang mga mapanganib na gawaing may kinalaman sa droga sa Snapchat, at makipagtulungan sa mga eksperto upang makahanap ng content na may kinalaman sa droga sa iba pang mga platform na nagbabanggit sa Snapchat, para mahanap namin ang mga account ng mga nagbebenta ng droga at agad na umaksyon upang mapatigil sila. Bilang resulta, lumaki ang bolyum ng aming mga nahahanap nang mahigit 25% simula noong umpisa ng taon, at 90% ng mga natutukoy na lumalabag sa content na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot ay aktibong nahanap bago pa magkaroon ang sinumang Snapchatter na i-report ito.

  • Kapag nakakahanap kaming mga nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa aming platform, kaagad naming bina-ban ang kanilang mga account, at gumagawa kami ng mga hakbang upang pigilan silang gumawa ng bago. Nakikipagtulungan kami sa mga imbestigasyon ng mga tagapagpatupad ng batas, kabilang ang sa pamamagitan ng pagpreserba at pagsisiwalat ng data bilang tugon sa mga balidong legal na kahilingan.

  • Bina-block searcg namin ang mga resulta sa Snapchat para sa mga keyword at slang ng droga, at sa halip ay nagpapakita kami ng educational content mula sa mga eksperto tungkol sa panganib ng fentanyl gamit ang in-app portal na tinatawag na Heads Up. Kasama sa mga partner namin ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang Substance Abuse and Mental Health Services Administration (SAMHSA), Community Anti-Drug Coalitions of America (CADCA), Truth Initiative, at ang SAFE Project. Mula nang ilunsad ang Heads Up, mahigit 2.5 milyong Snapchatter ang aktibong napadalhan ng content mula sa mga organisasyong ito.

  • Nagdagdag din kami ng mga bagong hakbang para limitahan ang mga Snapchatter na wala pang 18 taon na lumabas sa search results o bilang friend suggestion sa ibang tao maliban kung may mutual friends sila. Nakakatulong ito sa mga proteksyong matagal na naming ipinatutupad kung saan kailangang magkaibigan ang mga Snapchatter upang makapag-usap nang direkta.

  • Nakapaglabas kami ng ilang serye ng video advertising campaigns sa aming app ipang maeduka ang mga Snapchatter tungkol sa fentanyl. Ang una, na inilabas noong nakaraang summer sa pakikipagtulungan sa Song for Charlie, ay napanood nang mahigit 260 milyong beses sa Snapchat. Nitong nakaraang buwan, bilang bahagi ng National Fentanyl Awareness Day, naglabas ulit kami ng isa pang hanay ng in-app public service announcements, isang national Lens, at filter na napanood nang halos 60 milyong beses.

  • Ang aming in-house news show, na Good Luck America, na ipino-promote sa aming content platform sa Snapchat at available din sa Heads Up, ay mahigit isang taon nang tinatalakay ang fentanyl crisis sa isang espesyal na inilaang serye, na napanood na ng mahigit 900,000 Snapchatter hanggang kasalukuyan.

  • Bilang bahagi ng aming mas malaking diskarte, seryoso rin kami sa pakikipagtulungan sa iba pang platform. Kamakailan ay nagsimula kami ng pilot program kasama ng Meta kung saan nagbabahaginan kami ng mga pattern at signal ng content at aktibidad na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot. Ang signal-sharing program na ito ay nagpapahintulot sa parehong platform na pahusayin pa ang aming mga aktibong pagsisikap sa paghahanap at pag-aalis ng mga content kaugnay ng ipinagbabawal na gamot at mga account ng mga nagbebenta. Umaasa kaming maipagpapatuloy ang tulungang ito, sa layuning mahikayat ang iba pang platform na makiisa sa amin habang nagsisikap tayo sa buong industriya na magtulungan sa paglaban sa kumakalat na epidemya ng fentanyl.

  • Nitong nakaraang buwan, inanunsyo naming makikipagtulungan kami sa Ad Council at iba pang tech platform, kabilang ang Google at Meta, sa walang katulad na public awareness campaign na ilalabas ngayong summer upang makatulong sa mga kabataan at mga magulang na makaalam pa tungkol sa mga panganib ng fentanyl. Alamin pa ang tungkol sa bagong campaign na ito rito.

  • Bilang app na ginawa para makipagkomunikasyon sa mga tunay na kaibigan, na mahalagang sistema ng suporta para sa isa't isa kapag kumakaharap sa mga pagsubok sa mental health, patuloy naming pinalalawak ang aming in-app tools at resources sa ilang paksa kaugnay ng mental health - isang pangmatagalan at nagpapatuloy na prayoridad para sa amin. (Alamin pa rito at dito). 

  • Dagdag pa, gumagawa kami ng mga bagong in-app tool para sa mga magulang at tagapangalaga para mabigyan sila ng higit pang kaalaman sa kung sino ang kinakausap ng kanilang mga anak sa Snapchat, habang nirerespeto pa rin ang privacy ng mga Snapchatter. Plano naming ilabas ang mga bagong feature na ito sa mga darating na buwan.

Kapag pinagsama, naniniwala kami na dahil sa mga hakbang na ito, mas mahihirapan ang mga nagbebenta ng droga sa Snapchat at patuloy naming aaralin kung paano namin patuloy na makabuluhang mapapahusay ang aming mga pagsisikap, sa kaalamang palaging naghahanap ng paraan ang mga nagbebenta parra malusutan ang aming mga sistema.

Kinikilala rin namin na higit pa sa Snapchat ang may kinalaman sa usaping ito. Sa huli, ang solusyon sa epidemyang ito ay nakasalalay sa pambansang pagsisikap para matugunan ang ugat ng krisis na ito, kabilang ang mga kondisyong lumilikha ng napakalalim na mga problema sa mental health ng mga kabataan. Patuloy kaming makikipagtulungan at makikinig sa aming komunidad kaugnay ng mahalagang paksang ito. Ang pangmatagalang layunin natin bilang isang lipunan ay walang iba dapat kundi isang mundo kung saan higit na mas kaunting kabataan ang makararanas ng mga problema sa mental health at iyong makararanas ay magkaroon ng pantay na akses sa mga naaangkop na serbisyo at pangangalaga, sa halip na makaramdam na kailangan nilang gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Mangangailangan ito ng koordinadong pagsisikap sa pagitan ng gobyerno, tagapagpatupad ng batas, ng sektor ng teknolohiya, mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan at higit pa, at seryoso kaming gagawin ang lahat ng aming makakaya upang makatulong sa pagsuporta sa layuning ito.

Bumalik sa Mga Balita