Naglunsad ang Snapchat ng Mga Bagong Tool at Mga Resource para sa Mga Tagapagturo habang Balik-eskwela ang Mga Kabataan
Agosto 28, 2024
Mahigit sa 20 milyong mga kabataan sa US ang gumagamit ng Snapchat, at alam namin ang kanilang digital wellbeing ay isang pangunahing priyoridad para sa mga nakakatanda sa kanilang buhay, kabilang ang mga magulang at guro. Sa pagbabalik ng mga kabataan sa paaralan, naglulunsad kami ng mga bagong safety tool at resource na partikular na nilikha para sa mga tagapagturo.
Ang mga bagong resource na ito ay dinisenyo para tulungan ang mga tagapagturo at administrador ng paaralan na maunawaan kung paano ginagamit ng kanilang mga mag-aaral ang Snapchat, ang mga pangunahing proteksyon na magagamit sa mga mag-aaral at paaralan, at ang mga resource na inaalok namin upang tulungan ang mga paaralan sa kanilang mga pagsisikap na lumikha ng ligtas at sumusuportang environment para sa mga mag-aaral.
Alam namin na ang pangunahing use case ng Snapchat na pagme-message sa mga kaibigan ay nagpapasaya sa mga tao, at ang mga kaibigan ay isang mahalagang support system para sa mga kabataan. Nakatuon kami sa pagsuporta sa mga makabuluhang relasyong ito, at pagbibigay sa mga nakakatanda sa kanilang buhay ng mga tool at resource upang gawin din ito.
Gabay ng Tagapagturo sa Snapchat
Naniniwala kami na ang pananatiling konektado sa mga mag-aaral ay nangangahulugan ng pagiging pamilyar sa mga sikat na online platform, at nagpapakilala kami ng isang nakatuong website upang tulungan ang mga tagapagturo na gawin iyon.
Kasama sa aming Gabay ng Tagapagturo sa Snapchat ang isang pangkalahatang-ideya kung paano gumagana ang platform, mga paraan na maaring magamit nang positibo ang Snapchat sa mga komunidad ng paaralan, at impormasyon tungkol sa aming mga safety tool at Community Guidelines. Kasama rin dito ang mga bagong video na nagha-highlight sa mga feature ng Snap para sa mga paaralan at mga safeguard para sa mga kabataan, pati narin ang mga mada-download na mga resource na maaaring ibahagi ng mga tagapagturo sa mga magulang, tagapayo at sa iba para tulungan ang mga mag-aaral na pangasiwaan ang mga panganib na maari nilang harapin online, kabilang ang bullying, mga aalahanin sa mental health at mga sekswal na pinsala tulad ng sextortion.
Mga Resource ng Tagapagturo, Binuo kasama ng Mga Ekspertong Partner
Nakipag-partner kami sa Safe and Sound Schools upang bumuo ng isang komprehensibo at praktikal na toolkit para sa mga tagapagturo. Batay sa pananaw ng mga guro, mga propesyonal sa mental health at mga opisyal ng paaralan tungkol sa epekto ng mga digital platform sa kapaligiran ng paaralan, ang toolkit na ito ay nilikha upang bigyan ang mga tagapagturo ng kaalaman na kailangan upang suportahan ang kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga mag-aaral online, na may partikular na pokus sa pag-unawa sa Snapchat.
Feedback Form para sa Tagapagturo
Matagal na naming binibigyang kapangyarihan ang mga Snapchatter gamit ang easy-to-use na mga tool para sa direktang pag-uulat sa amin ng safety concern at pag-block sa mga account na nagsasagawa ng hindi kanais-nais o hindi naaangkop na pakikipag-ugnayan. Nag-aalok din kami ng mga online reporting tool para sa sinuman na walang Snapchat account, ngunit gustong mag-report ng isyu sa ngalan ng kanilang sarili o ng iba. Ang mga ulat ay dumiretso sa aming mga safety teams, na nagtatrabaho 24/7 upang magsagawa ng naangkop na aksyon.
Ngayon, ipinapakilala namin ang isang paraan para sa mga tagapagturo na magbigay ng feedback nang direkta sa amin. Sa aming bagong feedback form para sa tagapagturo, maaaring ibahagi ng mga tagapagturo ang kanilang pananaw at kaalaman tungkol sa kung paano ginagamit ang Snapchat sa kanilang mga komunidad ng paaralan.

Alam namin na ang pag-navigate sa digital landscape ay maaaring maging mahirap, at inaasahan namin na ang mga resource na ito ay nagbibigay sa mga tagapagturo ng ilan sa mga tool na kailangan nila upang lumikha ng ligtas at sumusuportang digital environment para sa mga mag-aaral.