Mga bagong feature upang matulungang protektahan ang ating komunidad.

Hunyo 25, 2024

Ngayon ay iaanunsyo namin ang mga bagong feature para higit pang mapangalagaan ang ating komunidad mula sa online na mga pinsala. Kasama sa aming bagong hanay ng mga tool ang pinalawak na in-app na mga babala, pinahusay na mga proteksyon sa pakikipagkaibigan, pinasimpleng pagbabahagi ng mga lokasyon, at mga pagpapabuti sa pag-block - lahat ay idinesenyo upang palakasin ang mga tunay na ugnayan ng kaibigian at iyan ang nagpapaiba sa Snapchat.

Ang mga pinalawak na feature na ito ay bubuo sa aming patuloy na gawain upang maging mahirap para sa mga estranghero na makipag-ugnayan sa mga tao sa Snapchat. Halimbawa, hindi namin pinahihintulutan ang sinuman na ma-message ng isang taong hindi pa nila friend, o mayroon na sa kanilang phone contacts. Sa madaling salita, dapat na aktibong piliin ng mga Snapchatters kung kanino sila nakikipag-usap.

Ngayon ay ipinakikilala namin ang mga sumusunod na tool upang makatulong na mapanatiling ligtas ang ating komunidad:

Mga Pinalawak na In-App na Babala.

Noong nakaraang Nobyembre, nagpakilala kami ng pop-up na babala kapag nakatanggap ang isang tenedyer ng isang message mula sa isang taong walang shared mutual friends o mayroon sa kanilang contacts. Ang message ay nagpapaalam sa mga kabataan ng potensyal na panganib upang maingat nilang isaalang-alang kung gusto nilang makipag-ugnayan at nagpapaalala sa kanila na kumonekta lamang sa mga taong pinagkakatiwalaan nila. Mula nang i-launch, ang feature na ito ay nagbigay kapangyarihan sa milyun-milyong Snapchatters na kumilos, na humantong sa higit na 12 milyong mga block. 1

Ngayon ay pinapalawak namin ang mga in-app na babala na ito upang ilakip ang mga bago at masulong na signal. Makikita ng mga tinedyer ang message ng babala kung makakatanggap sila ng chat mula sa isang taong na-block o na-report ng iba, o mula sa isang rehiyon kung saan hindi karaniwang matatagpuan ang network ng tinedyer - mga palatandaan na maaaring manloloko ang taong ito.

Pinahusay na Mga Proteksyon sa Pagkakaibigan

Noong nakaraan, ibinahagi namin na ang mga kabataan ay hindi makikita sa Quick Add o sa Search maliban kung mayroon silang maraming koneksyon sa ibang tao. Nagdaragdag kami ngayon ng mga bagong pananggalang sa pakikipagkaibigan, kasama ng aming mga pinalawak na in-app na babala, na ginagawang mas mahirap para sa mga estranghero na maghanap at mag-add ng mga kabataan:

Pipigilan namin ang paghahatid ng isang friend request kapag nag-send o nakatanggap ang mga kabataan ng friend request mula sa isang taong wala silang mutual friends, at ang taong iyon ay mayroong history ng pag-access sa Snapchat sa mga lokasyong kadalasang nauugnay sa aktibidad ng scam. Nalalapat ito hindi alintana kung ang friend request ay ipinadala ng isang tinedyer, o ipinadala sa isang tinedyer mula sa isang potensyal na bad actor.

Kung pagsamahin, ang dalawang mga update na ito ay nagpapatuloy sa aming gawain upang tugunan ang lumlaking trend ng mga sopistikadong sextortion scam, na ginagawa ng mga binabayarang bad actors, na karaniwang matatagpuan sa labas ng U.S. at nakikipag-ugnayan sa mga potensyal na biktima sa kombinasyon ng online platforms

Ang mga update na ito ay bumubuo sa aming pagsisikap na labanan ang online na sextortion: Hindi kami naga-aalok ng mga pampublikong friend lists (na maaaring magamit upang mapadali ang mga pamamaraan ng sextortion), gumagamit kami ng signal-based detection upang makilala at alisin ang mga bad actor bago sila magkaroon ng pagkakataon na mag-target ng iba, namuhunan kami sa pandaig-digang cross-platform na pananaliksik, at nakikipagtulungan kami sa iba pang mga platform upang labanan ang krimeng ito at iba pang potensyal na mga pinsala. Hinihikayat namin ang mga Snapchatters na matuto nang higit pa sa pamamagitan ng aming mga educational resources, katulad ng aming in-app na Safety Snapshot sa financial sextortion, at sa aming Privacy & Safety Hub.

Pinasimpleng Pagbabahagi ng Lokasyon at Mga Karagdagang Paalala

Pinapadalhan namin ang lahat ng Snapchatters - kabilang ang mga kabataan - mga regular na paalala upang suriin ang kanilang account security at privacy settings, at pinapayagan ang mga Snapchatters na i-share ang kanilang location sa friends lamang . Ngayon ay nagpapakilala kami ng marami pang madalas na mga paalala upang matiyak na ang mga Snapchatters ay palaging napapanahon sa kung kaninong friends nila ibinahagi ang kanilang location sa Snap Map. Ipinapakilala din namin ang pinasimpleng location-sharing, na ginagawang mas madali para sa mga Snapchatters na i-customize kung sino sa kanilang friends ang makakakita sa kanilang location. Sa mga update na ito, ang mga Snapchatters ay may iisang destinasyon upang makita kung sino sa kanilang friends ang kanilang pinagbabahagian ng kanilang location, i-update ang kanilang location-settings, at i-remove ang kanilang location sa map.

Gaya ng nakasanayan, ang pagbabahagi ng location sa Snap Map ay nananatiling naka-off by default, ibig sabihin, ang mga Snapchatters ay kailangang mag-open upang i-share kung nasaan sila. At maaari lamang i-share ng mga Snapchatters ang kanilang kinaroroonan sa kanilang umiiral na Snapchat friends - wala itong option na ibahagi ang kanilang location sa mas malawak na Snapchat community.

Mga Pagpabuti sa Pag-block

Matagal na naming inaalok ang tools para sa mga Snapchatters upang madaling i-block ang isang tao na ayaw na nilang makipag-ugnayan. Minsan, ang bad actors ay gumagawa ng bagong account at patuloy na sinusubukang makipag-ugnayan sa mga taong nag-block sa kanila. Sa pagsusumikap na maiwasan ang bullying, at potensyal na paulit-ulit na harassment, ipinapakilala namin ang mga pagpapabuti sa aming tools sa pag-block: Ang pag-block sa isang user ay maba-block din ngayon ang mga bagong friend requests na ipinadala mula sa ibang account ngunit ginawa sa parehong device.

Ang mga bagong tool na ito ay pinapangatawanan ang aming pangakong tulungan ang mga Snapchatters na makipag-ugnayan sa kanilang malalapit na kaibigan sa isang environment na nagbibigay prayoridad sa kanilang kaligtasan, privacy, at kapakanan. Nasasabik kami sa patuloy na paglikha ng higit pang mga proteksyon, tools, at resources upang makatulong na protektahan ang ating komunidad.

Bumalik sa Mga Balita

1

Snap Inc. internal data, Nobyembre 1, 2023 - Hunyo 30, 2024.

1

Snap Inc. internal data, Nobyembre 1, 2023 - Hunyo 30, 2024.